Chapter 8 – Getting Myself Back
Fr: Nick Torres
Hindi ako makakauwi ngayon, sa condo ko muna ako.
I knew you have duplicate keys.
Baka bukas na ako sa bahay.
Nabasa ni Monique ang message sa kanya ni Nick nang makauwi na siya sa bahay. Hindi niya maiwasang malungkot at magsisi dahil sa text nito. It was very cold. Parang wala na talagang pakialam ito sa kanya. Kapag kasi nagtetext ito, even in his text message, makikita mo talaga ang cheerfulness ng lalake. Pero ngayon, parang binalutan ng malamig na aura.
Minsan, natatakot na rin siya. Napaparanoid siya na baka mamaya, may pupunta sa bahay nila at magpapapirma ng mga annulment papers. Pero she still felt relieved kasi wala pa naman.
Gustong-gusto niya talagang kausapin si Nick pero she was afraid, afraid of consequences. She was afraid to risk her heart again kasi baka sa huli, masasaktan na naman siya.
She took a glance at the large picture frame na nakasabit sa pader papuntang second floor ng bahay. It was their wedding picture. Nakangiti doon si Nick habang siya, poker-face.
She took a deep breath. “Nick, I’m very sorry..” She really regretted those things she said to him.
---
“Sir, long time no see.” Bati nung guard na tinutuluyang condo ni Nick nang dumating na siya. Noong college kasi siya, he purchased a bachelor’s pad. Doon siya tumutuloy at every weekends lang siya umuuwi sa parents niya. Hanggang sa grumaduate siya, it was his relaxing haven. Pero nang makasal siya kay Monique, hindi na siya umuuwi rito. But it didn’t come to his mind na ibenta ang unit niya kasi it was very sentimental to him.
Now, it’s been more than three years since he went there. That’s why kilala na rin siya ng guard.
“Balita ko sir, kasal ka na. Kaya pala hindi ka na tumutuloy dito.” Dagdag ng guard sa kanya.
Tumawa siya. “Yeah but it’s good to be back. Punta na ko sa pad ko, mamaya na ang tip, manong.” Pagkatapos ay pumasok na siya sa building at kaagad pinuntahan ang pad niya.
Nang makapasok na siya sa pad, he smiled. Walang pinagbago sa itsura nito. It’s like getting back to his old self again.
Ganun pa rin ang disenyo ng pad niya, the color motif was black and red. The TV’s, xbox, magazines, nandun pa rin, maliban lang na medyo maalikabok na.
Kaagad siyang umupo sa kama niya. “Still comfy.” He commented. Naalala pa niya kung paano siya matulog, magulong-magulo talaga tapos siya lang mag-isa na parang malayang-malaya siya gawin ang lahat. Kung saan masayang siyang naglalaro ng xbox niya, play stations, watching sports or even watching porno vids.
He laughed at himself. Ang dami na palang nasayang na oras in those three years sa buhay niya, na dapat sana, ineenjoy niya ang bachelorhood niya. But because he only narrowed it down to one happiness, Monique, kaya heto siya ngayon, sising-sisi kung bakit hindi niya muna inenjoy ang pagiging binata niya. He ended working and accomodating his wife like a robot. He looked like a very busy puppet.
Siguro tama rin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya sa kanya, he should definitely give time for himself. Natawa nga siya nang maalala ulit ang sinabi ni Alice sa kanya, ‘I would rather suggest na mas mabuti pang magkaroon ka na lang fling or mistress.’
He sighed. Kung hindi ba niya pinilit si Monique na pakasalan siya, would he be happy? Masaya kaya siya sa buhay niya ngayon? Otherwise, masaya rin kaya si Monique sa buhay nito?
Well, he was hoping even if for once, magiging mabait sa kanya si Monique pero walang nangyari. As what the others say, every year, he became worse than before.
Okay. Siguro, oras na para maging masaya siya. Definitely, he will make himself happy right now.
Partying hard and having good time with his friends wouldn’t be that bad. He, at least should forget his problems this time.
He quickly dialled Kurt’s number. Alam niyang kapag gabi, nasa isang club na naman ito. Hindi nga niya lubusang maisip kung paano ito naging successful sa business, e puro kahalayan ang ginagawa nito. Ang tanging bagay na matino rito ay ang hilig nito sa pagpepainting.
Nagsalita agad siya nang sinagot nito ang tawag. “Hey, nasa isang club ka ba? Pupunta ako diyan.”
---
Nakauwi na si Monique sa bahay matapos ang shift niya sa trabaho. It’s been a week since Nick cold treatment to her. Hindi na alam ni Monique kung anong gagawin niya para maging okay na sila. Isang linggo na rin itong hindi umuuwi sa bahay nila. Palagi na rin niyang nababasa sa mga tabloids ang madalas na pagpunta nito sa club. Tapos ang rason daw kung bakit ganun si Nick ay dahil daw sa kanya, dahil daw dun sa nangyari sa party. Napahiya raw si Nick.
Sinubukan naman niyang tawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya, minsan din niyang sinubukan itong itext pero gaya rin sa mga tawag niya, ‘di rin ito nagrereply. Nagtetext lang ito sa kanya na hindi ito makakauwi ng bahay, na sa condo raw muna ito matutulog.
She felt guilty and sad. Ito pala ang nararamdaman ni Nick sa kanya sa tuwing ‘di niya ito nirereplyan sa text, sa tuwing hindi niya ito pinapansin. She felt hell. Parang nag-iba ang atmosphere sa bahay kasi siya lang mag-isa, wala na ang isang masayahing si Nick.
Hindi niya maiwasang magsisi sa mga nasabi niya rito. Siguro, kung hindi niya nasabi ang mga iyon, nandoon pa rin ito sa bahay nila, nakangiting inaalagaan siya.
“.. Ginawa ko lahat! Ginawa ko ang lahat para sayo kahit ginagawa mo na akong gago!..”
Ang sobrang bait ng asawa niya. He’s right. Palagi nitong ginagawa ang lahat para sa kanya pero ginagago niya lang ito.
Napaupo na lang siya sa couch sa sala and buried her face into her hands. “God, Monique.. You’re so dense.”
Baka nagsawa na talaga si Nick sayo. Biglang kumirot ang puso niya nang maisip iyon. She was afraid that Nick already gave up on her.
“Nick, I miss you.” She silently cried.
---
“It’s really good to see you in your old self again, Nick.” Sabi sa kanya ni Kurt nang dumating na it sa club at tinabihan siya sa bar counter. Isang linggo ng ganito ang set-up nila. After his office hours, sumasama siya rito sa mga club upang magsaya.
“Yeah, welcome back to me.” He took another glass of beer. Damn, it feels good. Parang unting-unti na niyang inaayos ang sarili niya ngayon. He was starting to get fun with having no problems at all.
“Sana ganito tayo lagi. Work hard then party hard!” Saad ni Kurt at nagkatawanan silang dalawa. Ito kasi lagi ang motto nilang dalawa, if you’ll work hard on your job then you ought to party hard.
Bigla namang may lumapit kay Nick na isang babae na halos makita na ang kaluluwa nito dahil sa suot nitong damit. Hinawakan nito ang balikat niya at nagsalita, “Hey handsome, would you like to dance?” the woman asked in a very seductive tone.
“Yeah, sure!” he quickly stood up and wrapped his arm around the lady’s waist. Parang nararamdaman na niya na tumatalab na ang beer na ininom niya. Naglalakad na sila papunta sa dance floor.
“Whoah, Nick, ang bilis ah! Hahaha! Paano na si Monique niyan?” biglang sumabat si Kurt kaya naman napahinto siya.
He turned his head at him and smiled, “It’s about time to make myself happy. I don’t care for her now.” Then he glanced at the woman who invited him to dance, “Let’s go babe.”
Did he really didn’t care for her anymore? Of course. You have to. And right now, she’s definitely happy you’re leaving her alone and you must also be happy getting your old self again, Nick. Wow, it was like hitting two birds in one stone. He mentally shook his head and laughed.
He hopes he’s doing the right thing, making her happy and making himself happy too.
//
BINABASA MO ANG
The Cold Wife (Finished)
Ficción General(Finished) It's been three years since we're married, but she's still cold. She says that she won't love me until I die. I tried everything but... I'm starting to get tired. I love my wife and I don't know anymore. Cover by: @mariawhyyy