Chapter 39 - 3 Years Later

155K 2.5K 153
                                    

Soundtrack for this chapter, "One Love by Acel Bisa", vid on the side.

Chapter 39 - 3 Years Later

3 years later...

"Maraming salamat po talaga, Mr. Torres, malaking tulong po talaga sa 'ming itong donasyon po ninyo sa barangay, maraming mga kapus-palad po talaga ang matutulungan nito." sabi ng barangay chairman na si Mr. Loyzaga kay Nick matapos binigyan ng Torres Corp ng iba't-ibang mga donasyon gaya ng mga medical supplies, pera at iba pang facilities para sa barangay nito.

Ang barangay nina Mr. Loyzaga kasi ang napili ng isa sa mga charity foundations ng Torres Corp para bigyan ng donasyon sa buwan na iyon. Buwan-buwan kasi sila pumipili ng iba't-ibang mga baranggay sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas para bigyan ng donasyon. Nakasanayan na kasi ng foundation na magbigay sa mga kapus-palad na mga baranggay.

Napangiti na lang si Nick sa matandang lalake, "Walang anuman ho, Mr. Loyzaga. Masaya rin kami ng corporation na makatulong sa iba, advocacy na po namin iyon. Alam po namin kasi na kailangang-kailangan po talaga ng baranggay ng donasyon kahit kaunti lang." aniya rito.

Totoong masaya naman talaga siya na makatulong sa iba, kahit noon pa man, lagi ng tumutulong ang Torres Corp sa mga kapus-palad. Para sa kanila kasi, hindi kasi lahat ng tao maswerte ipinanganak na mayaman kaya gusto rin sana niyang ibahagi ang mga natagumpayan niya sa buhay.

Kaya nga hindi rin maiwasan na laging nakakatanggap ang corp ng mga iba't-ibang awards dahil sa mga charity foundations nito. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin sila tumitigil sa pagtulong.

"Papa!"

Napalingon naman si Nick nang may biglang sumulpot na isang batang babae at nilapitan sila.

"Lulu!" kaagad namang lumapit ang bata kay Mr. Loyzaga at kinarga ito.

"Naku, ikaw talagang bata ka, saan ka ba nagpupunta ha?"

"Uhm.. D-D'yan lang naman po! Naglalaro po.."

Hindi maiwasan ni Nick na mapangiti lalo habang pinapanood ang mag-ama. Hindi niya alam pero parang may iba siyang nararamdaman habang nakatingin sa mga ito. But even though it was like that, deep inside, masaya siya habang nakikita na masaya rin ang dalawa.

"Ah, Mr. Torres, anak ko po pala, si Lulu." Sabi ni Mr. Loyzaga sa kanya nang mapansing natahimik siya bigla. Ipinakilala nito sa kanya ang karga-karga nitong anak na babae na tantiya niya, mga limang taong gulang na.

"Magandang u-umaga po... Mr. T-Torres.." nahihiyang bati rin sa kanya ng bata.

Hindi naman maiwasan ni Nick na matawa sa inasal nito. Honestly, his heart softened because of the child's sweet greetings.

He just pinched the kid's nose, "Magandang umaga rin Lulu maganda." He then winked then the kid started giggling.

"Papa, sabi niya.. maganda ako.. hindi gaya ng iba kong kalaro.. sabi nila.. lulu kulot.." inosenteng tugon ng bata sa ama nito. Kulot kasi ang buhok 'nung bata.

"Anak, haha, sir, pasensyahan niyo na 'tong anak ko, sadyang madaldal po talaga ito." Natatawang sabi sa kanya ng ama nito sa kanya.

Hindi na rin maiwasan ni Nick na matawa na naman dahil sa sinabi nito, he was really enjoying the kid's company, "Wala ho yun. Haha, Lulu, h'wag kang maniwala sa mga kalaro mo.. kasi maganda ka naman talaga e. Magandang-maganda. Kaya, mag-aral mabuti ha?" ginulo niya ang buhok ng bata.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon