Chapter 11 – Afraid and Sebastian Renzo
“Hey, babe..” napaupo naman si Monique sa kama nang biglang pumasok sa kwarto niya si Nick na may dala-dalang tray ng breakfast. Nakasuit na rin ito para sa trabaho. Bumalik na naman kasi ulit si Nick sa dating gawi nito—ang bigyan siya ng breakfast tuwing umaga sa kwarto niya.
These days, naging okay na sila ni Nick. Mas naging open na siya ngayon dito. Iniiwasan na niya ang ginagawa niya rito dati. Well, she was afraid that she will lose Nick again.
“Ang aga mo naman yata..” napahikab pa siya at tumabi na sa kanya si Nick.
“Naman. Early bird yata ‘to, haha. Sige, kumain ka muna para pagkatapos into, magshoshower ka na lang at magbibihis para sa trabaho mo mamaya.” Sabi ni Nick sa kanya saka kinuha nito ang plato sa tray na may lamang rice saka bacon with hotdog. “Susubuan kita?” he asked her.
She chuckled. “Parang naman akong baldado nito. Grabe ka.”
Nick grinned. “Masanay ka na. Ganito ako, laging nangspospoil.” He then pinched her nose.
“Hey!” she snapped and touched her nose. “Masakit yun ah!” hinampas niya ito sa balikat.
Tumawa na rin ito. “Sorry na, sige na, susubuan na kita para makakain ka na.” then he took a spoon at the food. Sinubuan nga siya nito.
Monique could feel the butterflies in her stomach with her husband gestures. Minsan nga, hindi niya alam pero kinikilig siya sa mga ginagawa nito sa kanya. She felt giddy every time Nick did something randomly sweet at her. Kahapon nga, nagvolunteer itong suklayan siya, na ito raw ang aayos ng buhok niya. But they just ended up laughing kasi ginawa nitong katatawanan ang buhok niya. Aminado siyang wala itong alam.
“Kinakabahan ako para mamaya.” Sabi ni Monique dito. Mamaya kasi ang resulta kung mapropromote siya sa trabaho na noong isang buwan pa niya inaplayan.
Nick smiled at her reassuringly and squeezed her hand. “Ano ka ba, don’t worry. Alam kong mapropromote ka. You did great in your job kaya dapat lang na bigyan ka ng promotion.” He said. Sinabi niya kasi rito ang tungkol sa promotion niya sa Star.
“Pero, hindi ko maiwasang kabahan e.. We were many fighting for that position.”
Nick just kissed her forehead. “As I said, don’t worry. Mapropromote ka at kung hindi man, magkakalimutan kami ni Kurt.” Anito na tila seryosong kakalimutan talaga ang CEO ng Star na kaibigan ni Nick.
She just laughed. “H’wag ka ngang ganyan. Baka naman sasabihin nilang kaya ako na promote kasi may contact ka sa may-ari, hindi dahil sa performance ko.”
“Oo na. I was just kidding. Basta, trust me. You’ll get that position.” He assured her.
Hanggang sa maubos na nga niya ang pagkain at tumayo na rin si Monique para magshower. “Labas na, maliligo na ako. “ saway niya sa asawa niya. Ayaw niya kayang maghubad sa harapan into.
She saw anticipation from Nick’s eyes. She rolled her eyes. Parang alam na niya kung bakit ganun. “What?”
“Hindi ba pwedeng maghubad ka na lang sa harap ko? Don’t worry, we’re married anyway.” Kibit-balikat nitong sagot.
Kinuha niya ang isang pillow sa kama at ibinato sa mukha nito. “Pervert!”
Tumawa ito. “Oo na, aalis na. Pero wala man lang bang kiss?” he begged, puppy eyes.
BINABASA MO ANG
The Cold Wife (Finished)
Ficción General(Finished) It's been three years since we're married, but she's still cold. She says that she won't love me until I die. I tried everything but... I'm starting to get tired. I love my wife and I don't know anymore. Cover by: @mariawhyyy