Prologue

28.8K 550 84
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang magagandang bulaklak na aking pananim. Masyadong payapa ang mga ito. Sumasabay at sumasayaw lamang ang mga ito sa bawat ihip ng hangin.

Kumuha ako ng isang bulaklak at pinitas iyon. Inilagay ko iyon sa aking ilong at inamoy. I smiled. Ito ang buhay na pinapangarap ko. Payapa. Walang problema. Walang gulo.

Minsan nga ay napapaisip ako, kung hindi ako umalis sa pangangalaga ng aking malupit na ama, marahil ay wala ako sa kalagayang ito. Marahil ay nagtitiis pa rin ako sa sakit dulot ng kanyang mapangahas na kamay, sa kanyang kalupitan.

"Estella."

Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. A man a wearing a dark shirt, dark pants and a boots, walking with all his might towards me. Nakangiti ko itong pinagmasdan at sinalubong.

"Nakauwi ka na pala," ani ko sabay baba ng bulaklak na pinitas. Nagpagpag ako ng kamay at pinagmasdan siya. It's been a year since I left home. And it's been a year since I live with this man. The man who saved my life.

"Estella, you okay?" pukaw niya sa akin kaya naman ay napatango na lamang ako. This always happened to me, tuwing nariyan siya. Tila ba'y palagi akong nawawala sa sarili kapag kaharap ko siya.

"Sabi ko naman sayo na Mellan na lang ang itawag mo sa akin," sambit ko at nagsimula nang magligpit sa mga gamit na siyang ginamit ko sa paglilinis ng hardin. Kita kong tumulong siya sa akin at kinuha ang hawak-hawak kong walis.

"I like Estella more," aniya sabay lakad patungo sa pinaglalagyan ng mga gamit. I gently put it down then walk towards me again. Nakatanga lang ako sa kanya. Everyone calls me by my nickname, Mellan, and here this man, pinagpipilitang tawagin akong Estella.

Maria Estellan, that's my name.

Umiling na lamang ako dito at nagsimula nang maglalakad papasok sa bahay. Pagkapasok namin, sinalubong kami ng katahimikan nang buong kabahayan. Ganito naman lagi dito. Kung hindi lang ako nanirahan sa bahay na ito, malamang ay palaging walang buhay ito dahil palaging nasa paglalakbay itong si Kael.

"How's your day? It's been three days, ah," he casually asked and said as he sit down. Pinaghanda ko siya ng agahan at isa-isang inilagay ang mga pagkaing iniluto ko kanina bago maglinis ng hardin.

"It was fine," I answered back. Nong makumpleto ko ang pagkain ay naupo na rin ako. "May bago akong librong binabasa ngayon," kwento ko habang kumakain. Tahimik lamang si Kael na nakikinig sa bawat salita at kwentong ibinabahagi sa kanya. "Mabuti na lang talaga marami kang libro sa library. Nako, kung wala iyon, I'll be laying on my bed, patiently waiting for you to come home."

Tumango-tango pa ako sa mga sinabi ngunit natigilan din noong mapagtanto ang mga salitang binitawan. Napansin ko ding natigilan si Kael sa sinabi ko kaya naman ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso itong nakamasid sa akin kaya naman ay hilaw akong ngumiti sa kanya. Hindi ko kasi gusto ang ganoong uri ng tingin niya sa akin. Nakakatakot. Lalo na pag salubong ang kilay nito.

"Kain ka na," I awkwardly said then continue my thing. Hindi na ako nagsalitang muli. Pinagpatuloy ko ang pagkain at maging si Kael. Katahimikan. Tanging ang tunog ng kutsara't tinidor lamang ang aking maririnig hanggang matapos kaming kumain. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at magsisimula na sanang magligpit sa kinainan namin noong magsalita si Kael.

"You don't like staying here," he said with a cold tone. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumaling sa kanya. Para naman akong napaso noong magtama ang aming paningin. Napalunok ako at umiling.

"Of course not," sambit ko. "I like it here, Kael. Wag mo na lamang pansinin ang mga sinabi ko kanina. It was nothing."

"No, it wasn't," aniya.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa tinuran niya. Kinuha ko na ang mga pinggan at inalis sa mesa. Tinungo ko ang lababo at dahan-dahang inilapag ang mga iyon. Nanatili muna ako ng saglit roon at pilit nag-isip ng maaring sabihin kay Kael. Is he mad? Oh great! Ang daldal mo kasi Mellan! Iyan tuloy! Mukhang nagalit pa yata sa akin ang isang iyon.

Sumimangot ako sa sariling iniisip.

"You can always come and join me if you want."

Halos mapatalon ako noong marinig ko ang boses ni Kael sa aking kanan, hawak-hawak ang mga basong ginamit namin at ibinaba sa lababo. Napatingin ako sa kanya at pilit inintindi ang sinabi.

"I know you'll be bored in this mansion. I was just waiting for you to asked me, Estella," sambit nito sabay hugas ng kanyang mga kamay. Pinagmasdan ko lamang siya, hindi ako kumibo. "And if you're afraid that someone will take you away again and hurt you the way it happened a year ago, don't worry, I'm here. Hindi ko hahayaang mangyari iyong muli."

"Kael," iyon lamang ang nasabi ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong mali iyon. It will just add the awkwardness I'm feeling right now.

"Pack some of your things," aniya at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina. "We'll be leaving tomorrow."

Pinagmasdan ko lamang ang malapad na likod ni Kael hanggang tuluyang mawala ito sa aking paningin.

I smiled.

Sa wakas, makakalabas din ako sa mansyon. Makakalabas din ako sa bayan na to!

A/N:

Hello, fellas!

Dahil malapit nang matapos ang #TheLastWarrior, yes, matatapos ko na din sa wakas, I'm posting this story na. This not a sequel of the first four stories. It's like a prequel. About, of course, dark magic.

Thank you for reading Kingdom Of Tereshle stories!

Enjoy!

Love,
xxladyariesxx

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon