Mangha akong napatingin sa mga gusaling nadaraanan.
Nasa Zhepria kami ni Kael ngayon, isa sa apat na bayan ng Tereshle. I know this place. Nabasa ko rin ito sa mga librong nasa library ni Kael. Wind attributers. Iyon ang taglay na kapangyarihan ng mga Zheprian. Napatigil ako sa paglalakad noong makakita ako ng mga batang naglalaro sa isang parke. They were running around the park, playing, smiling and laughing.
May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib. I never have a childhood memory like that. Ni hindi ko naranasang maging bata sa ganyang edad.
"Estella," pukaw ni Kael sa akin. Bumaling ako sa kanya at ngumiti. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya.
"Ang ganda dito, Kael," komento ko.
"Zhepria is one of the best division of Tereshle. Tahimik at payapa. The Stones really did a good job ruling this place," ani Kael. Tumango-tango sa kanya. "Are you hungry?"
Umiling ako.
"Hindi pa naman, Kael. Pero kung gusto mo nang kumain, then we'll eat," nakangiti akong tumingin sa kanya. Tumango lang ito sa akin at di na nagsalita pa. Tinalikuran na ako at nagsimulang maglakad muli.
Napalabi ako.
Minsan ay hindi ko mabasa ang nasa isip ni Kael. Puno ito ng misteryo. Ang kilos nito ay minsan taliwas sa mga sinasabi. He acted cold pero alam kong may paki naman ito sa akin at sa mga bagay sa paligid niya. Minsan lang din itong magsalita kaya kailangang may baon akong kwento pag magkasama kaming dalawa. Ang mga mata nito, marami ang ipinapahiwatig nito. Minsan isang tingin ko lang sa mga mata nito, nalalaman ko ang nasa isipan niya. At minsan naman, well, most of the time, kahit anong gawin ko, hindi ko ito mabasa. Hinding-hindi.
Pumasok kami ni Kael sa isang kainan sa sentro ng Zhepria. Sinalubong kami ng nakangiting babae at iginaya sa bakanteng mesa na may pang dalawang upuan. Si Kael na ang umorder ng pagkain naming dalawa. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga taong nasa loob ng kainan. May iilang nagkwekwentuha at nagtatawanan. May nag-iisa din sa mesa, tahimik lamang kumakain. Dumako ang paningin ko sa isang babaeng nakaupo sa pinakasulok ng kainan. Mag-isa lamang ito. Naka kulay itim itong damit at nakasuot ng isang kapa. Natigil ako sa pagmamasid sa kanya noong biglang nag-angat ito ng tingin sa akin kaya naman ay agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Stop doing that," rinig kong sambit ni Kael sa aking harapan. I smiled at him. "Let's eat," aniya pa. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa mga pagkaing nasa mesa. Dumating na pala ang inorder niyang pagkain. How come hindi ko iyon naramdaman kanina? Masyado yatang naging focus ko ang pagmamasid kanina.
"We'll meet an old friend later. Doon tayo magpapalipas ng gabi," ani Kael na siyang tinanguhan ko lang. Kael travels alot. Hindi ito mapirmi sa isang tabi kaya alam kong marami itong kakilala sa kahit saang panig ng Tereshle. Hindi ko nga lubos maisip kong bakit nasa isang maliit na bayan ng Aundros nakatayo ang mansyon nito. He has wealth and power and living on that mansyon doesn't suite him. Kaya marahil ay hindi talaga ito namamalagi doon. At mabuti na lang talaga ay natagpuan niya ako sa gubat at dinala sa bahay niya. At least, may nagmamaintain sa ganda ng mansyon niya.
Pagkatapos naming kumain at magbayad, lumabas na kami roon. Sukbit ang isang bag na siyang kinalalagyan ng aking mga damit, tahimik kong sinundan si Kael. Nasa unahan ko ito. Hindi ko magawang sabayan ito sa paglalakad dahil, gaya kanina, nawiwili na naman ako sa pagmamasid sa paligid. I wonder kong noon pa lamang ay mulat na ako sa totoong mundo. Siguro ay hindi ako magiging ganito ka-ignorante. I wanted to explore the whole Kingdom pero bata pa lamang ako ay ipinagkait na iyon sa akin. Kaya talagang malaking pasasalamat ko at nakita at nakilala ko itong si Kael. At mas lalo akong nagpapasalamat sa kanya dahil isinama niya ako sa kanyang paglalakbay.
This is everything for me.
Natigil ako sa paglalakad noong makaramdam ako ng parang may nakamasid sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya naman ay binilisan ko ang paglalakad at sinabayan si Kael. Tahimik ko siyang sinabayan at pasimpleng nilingon ang aking likuran. Wala. Normal lang ang mga bawat galaw ng mga Zheprian. Guni-guni ko lang ba iyon.
"I told you to stop doing that, Estella."
Napatingin ako kay Kael. Seryoso itong nakatingin lamang sa harapan. Napanguso ako.
"Para kasing..."
Hindi ko na natapos ang pagsasalita noong tumigil si Kael sa paglalakad at tumingin sa akin. Napatigil din ako at napalunok. He's eyeing on me. Bigla tuloy akong nanliit sa ginawa niya.
"I think I was wrong that I let you joined me," seryosong sambit niya na siyang ikinataranta ko. Nadagdagan din ako kaba ko noong makarinig ako ng mahinang mura niya. Oh, no! Baka biglang iuwi niya ako sa kanyang mansyon! Hindi pwede!
"Uhmm, sorry," I said then bowed my head. Shit, Mellan! Behave. Minsan lang akong makalabas at mukhang nabigo agad akong magtagal sa labas ng mansyon ni Kael. "Sorry na, Kael. Hindi na ako magmamasid sa paligid."
"It's not what I'm being pissed right now," mas mariing sambit niya. "Everyone's looking at you."
Napaangat ako ng tingin sa kanya, nakaawang ang labi. Kita ko ang frustration sa kanyang mukhang. Seryoso pa rin ito ngunit alam kong galit na siya. Napabaling ako sa paligid at tama nga siya, may iilang nakatingin sa akin. Ang iba pa ay nag-iwas ng tingin noong namataang nakatingin na din ako sa kanila.
"Is it bad?" wala sa sariling tanong ko. Ipinilig ko ang ulo ko pakanan at kunot noong tiningnan ang paligid. Hindi naman masaya iyon diba? Marahil ay nagtataka sila kung sino ako? Ngayon lang talaga ako nakalabas sa loob ng isang taon kaya marahil ay nagtataka ang mga tao dahil ngayon lang nila ako nakita?
Hindi nagsalita si Kael kaya naman ay napabaling ako sa kanya. Nagulat ako noong mataman itong nakatingin pa rin sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigan kaya naman ay umiwas na ako ng tingin sa kanya. He's intense eyes are making me weak for no reason.
"Come on, Estella, my friend is waiting for us," sambit niya sabay hawak ng isang kamay ko. Hinila niya ako at nagsimulang maglakad muli.
Napatanga ako sa mga kamay naming magkahawak. My heart beats for a second and it hurts. Mula sa aming mga kamay ay dumako ang paningin ko sa mukha ni Kael. Seryoso pa rin ito, deretso ang tingin sa harapan. Akmang magsasalita ako para punain ang ginawa niya noong bigla akong nakaramdam ng kakaibang kilabot sa paligid namin.
Napalingon ako sa likuran namin ngunit tanging itim na usok lamang ang nahagip ng mga mata ko.
Strange.
Napailing ako.
What was that?
BINABASA MO ANG
Dark Magic
FantasiKingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siya naging malaya kasama ang taong nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, si Kael. She's different an...