Kabanata 4 : Special

6.3K 309 16
                                    

"A woman?"

"Oo, Kael. Yung babae sa restaurant kanina! Nandito siya!" kwento ko sa kanilang tatlo. Nasa silid pa rin kami kung saan nakita at nakausap ko ang babae.

"Anong sinabi niya sayo?" it was Carmina. Napaupo ako sa gilid ng kama at inaalala ang nangyari kanina. Umiling ako noong napagtantong wala naman kaming naging pag-uusap ng babae.

"I asked her if who she was pero hindi niya ako sinagot. But she told me that I felt her presence which is not true. Narinig ko ang bawat galaw niya kaya naman ay nahanap ko siya sa silid na to."

Hindi nagsalita ang tatlo tila ba'y may malalalim na iniisip ang mga to. Mayamaya pa ay si Carmina ang bumasag sa katahimikang mayroon kami.

"Babalik ako ng Tynera. Tingnan ko kung ano ang makakalap kong impormasyon tungkol dito," aniya at binalingan ako. "Be careful next time, Mellan."

Tumango ako dito at lumabas na siya sa silid. Pero teka nga, Tynera? Is she an Agent?

"Mellan," tawag pansin ni David sa akin. "I think they're after you."

"David, we're not sure about that," si Kael na mataman nakatingin lamang sa akin.

"Kung pagbabasehan ang mga nangyayari, alam kong ito rin ang nasa isip mo, Kael," naiiling na sambit nito at nilapitan ako. Naupo ito sa tabi ko at kinatitigan ako.

"You're a blank slate, Maria Estellan. Kung tama ang hinala ko, nasa panganib ang buhay mo."

Nanlamig ako sa kinauupuan ako at wala sa sariling napatingin kay Kael.

"Walang mangyayaring masama sa kanya," madiing sambit ni Kael sa kaibigan.

"Kael, ano ba! Buhay ang pinag-uusapan natin dito! Huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo!" nagtitimping wika ni David dito. Nagpatingin ako sa dalawa. Pareho silang seryoso habang nagkakatitigan.

Kahit na hindi ko pa lubos naunawaan ang mga nangyayari, I have a clue.

David said I was a blank slate. Blank. Walang attribute. Maliban sa hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, ano naman ang mapapala ng babaeng yun sa akin?

"Let's go, uuwi na tayo," biglang sambit ni Kael na siyang ikinagulat ko.

"No, Kael. Hindi kayo pwedeng maglakbay!" pigil ni David sa kaibigan.

"It was my fault, David. Ako ang nagdala sa kanya dito. If we stay here, mas lalala ang sitwasyon," ani Kael.

"What's really the situation here, Kael?" lakas loob kong tanong dito. Kita kong natigilan ito sa naging tanong ko sa kanya. Pumikit ito nang mariin at matamang tinitigan ako.

"You don't have to worry about it, Estella. Pack your things, babalik na tayo sa mansyon."

"Kael," angal ni David sa naging desisyon ni Kael.

"Let's stay for awhile here, Kael," I said. Napabaling ang dalawa sa akin. Umiling si Kael at muling ipinikit ang mga mata. "Kung tama ang hinala niyo, mas makakabuti atang manatili ako sa isang lugar. Somewhere safe."

"This place is not safe anymore," ani Kael.

"Because you let her unsafe," si David.

Hindi nagsalita ang dalawa.

I sighed.

"Kael," tawag pansin ko dito. Bumaling siya sa akin na siyang nagpagulat sa akin. His eyes. It tells every emotions he's feeling right now. Napalunok ako at nagsalitang muli. "It's not your fault."

"Estella."

"It was no one's fault. Hindi natin alam na mangyayari ito. And in the first, ako ang nais sumama saiyo sa paglalakbay na to. It's okay. I'll be fine," ani ko at ngumiti sa kanya. Tumingin ako kay David at mukhang nakuha niya ang nais kong mangyari. Tumango ito sa akin at umalis na sa kinauupuan. Lumabas ito sa silid at mahinang isinarado ang pintuan. Bumaling ako kay Kael na ngayon ay nakatayo pa rin. I sighed again then stand up. Naglakad ako patungo sa kanya at walang pag-alinlangang hinawakan ang kamay nito.

Napaangat ako ng tingin sa kanya noong maramdaman ang lamig ng kamay nito.

"Kael," tawag ko dito at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"The moment my eyes laid on you, almost dying, I know you're special," ani Kael habang hindi nakatingin sa akin. "Now this things are happening, hindi ko alam kung paano kita propretekhan. Without caging you. Like what your father did."

Bigla akong nawalan ng lakas at napabitaw sa kamay ni Kael. Hearing his words, talking about my father, hindi ako makahinga nang mabuti.

"David was right. You are a blank slate. For a Tereshlian without an attribute, you are special. Very special. At hindi ko alam kung ilan ang magnanais na makuha ka."

"Am I that special?" mahinang tanong ko at naupong muli.

"Yes," si Kael at nilapitan ako. Naupo ito sa tabi ko at walang imik na inahawakan ang ulo ko at ipinahilig sa balikat niya. I closed my eyes. Bakit ganon? Kahit may banta sa buhay ko ngayon, I feel so safe. He's with me and I feel so secured.

Naalimpungatan ako sa mahihinang ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Nakatulog ako?

Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding ng silid at laking gulat noong makitang alas dos na ng madaling araw. Ganoon kahaba ang tulog ko?

Napabaling naman ako sa gawing kanan ko noong makitang nakahiga at mahimbing na natutulog sa mahabang sofa si Kael. I smiled weakly. Kael, the one who's always keeping his words. Hindi niya talaga ako iniwan sa silid na to.

"What have I done to deserve this kind of treatment from you, Kael?" mahinang bulong ko sa sarili at napangiti na lamang.

Agad naman akong naging alerto noong makarinig na naman ako ng mahihinag ingay. Footsteps. I closed my eyes and focus. One. Two. Three. Tatlong iba't-ibang mga yapak. Tatlong mga tao!

"Estella," napamulat ako noong marinig ang boses ni Kael. Nasa tabi ko na ito at sinenyasang huwag gumawa ng kahit anong ingay. Tumango ako dito at kinagat ang mga labi para hindi makapagsalita man lang.

Marahil ay naramdaman na din ni Kael ang mga presensya ng mga tao sa paligid kaya ay nagising na ito.

"We're leaving this room," bulong ni Kael na siyang nagpataranta sa akin.

"How? Tatlo sila Kael. How can we escape from them?" mahinang tinig ko.

"Tatlo?" kunot noo nitong tanong sa akin at inalalayan akong tumayo.

"Yes," sagot ko dito at tiningnan ang pintuan. "I can hear three different footsteps."

"Damn it," bulalas niya at hinawakan ang kamay ko. "Listen, we need to go to David's room. Third floor. Kung may makasalubong tayo, tumakbo ka na papunta doon. Nag-iisa lang ang pintuan sa palapag na yon."

Kahit kinakabahan, tumango na lamang ako sa nais mangyari ni Kael. I trust him. Walang mangyayaring masama sa akin.

"Let's go," aniya at marahang hinila na ako. Dahan-dahan, binuksan niya ang pintuan. Tahimik ang buong mansyon pero rinig na rinig ko ang mga yapak na siyang nagpakaba sa akin.

"Nasa baba pa sila," ani ko at nagsimula na kaming maglakad ni Kael. "They're moving towards the staircase, Kael," humigpit ang hawak ni Kael sa kamay ko kaya naman ay napalunok ako dahil sa kaba. What if hindi si Kael ang kasama ko ngayon? Kaya ko kaya ang mga nangyayari sa akin?

Kakayanin ko kaya?

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon