Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko ngayon.
Bawat pahina, para akong nalulula sa mga impormasyong nalalaman. Sabi ni David, ang librong ito ay ginawa ng kanyang pamilya. It was only a researched at hindi na naipagpatuloy pa. Maging siya man din ay di naniniwala dito at hanggang pagbasa lang ang nagawa niya. Hindi niya ito pinagtuonan ng pansin dahil alam niyang hindi naman ito totoo. It never exist. Just a theory.
Not until the day he met me.
'Dark Magic. A cursed and a gift.'
Am I cursed? Becaused I'm pretty sure that I don't have this gift on me. Wala akong attribute. I'm powerless.
Or not.
Isinara ko ang librong hawak at tumayo mula sa pagkakaupo. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid ni David. Puro aklat ang nakikita ko. Mas malaki ito kaysa sa library ni Kael sa mansyon niya.
Nagtungo ako sa bintana ng silid at pinagmasdan ng tahimik ang paligid.
Nasa baba lamang ang tatlo. Kanina, habang pinagmamasdan ko ang walang buhay na mata ni Kael ay nanghina agad ako. Kael's expression was slowly hurting me. Yung mga mata niya, noon pa man ay hindi ko na mabasa ang nais ipahiwatig nito. Pero kanina, basang-basa ko iyon. Malungkot ito. Takot at galit. At alam ko na ito ay dahil sa akin. I felt so useless!
"Dark magic," wala sa sariling sambit ko. "Someone's after me?" Napakagat ako ng labi noong maalala ko ang nangyari kanina. Muntik na akong makuha. If it wasn't for David, malamang ay wala na ako ngayon. Pero ano ang nais nila sa akin?
Palaisipan talaga sa akin ang mga nangyayari. Mula noong mapunta ako dito sa Zhepria, naging magulo muli ang tahimik kong mundo. Tama nga marahil si Kael. Dapat ay hindi na ako sumama sa kanya.
I closed my eyes. Trying to clear my mind.
Napaawang bigla ang labi ko noong may naalala ako. Base sa libro, this magic, dark magic, was in born or created. Maaring may Tereshlian na nagtataglay nito mula nong ipinanganak ito o di kaya may gumagawa ng paraan para magkaroon nito. And in my case, mukhang wala ako sa dalawa. I wasn't born having this magic at malamang sa malamang, di ko nanaisin na magkaroon nito. Dark magic is dark magic. Mapanganib.
'You're a blank slate, Mellan.'
Napailing ako noong maalala muli ang mga katagang sinabi ni David sa akin. He said that I was blank. Walang attribute na taglay. And if that's the case, it's not possible for me to have one? No way. Hindi ko nanaisin iyon. I don't want to possessed something like that. Okay na ako sa kung anong mayroon ako.
I sighed again. Damn it! Hindi yata ako titigilan nitong iniisip ko.
"Create," bulong kong muli at napatingin sa may bintana.
Wait a minute!
Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako halos makahinga sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko. Sabi ni David kanina, naramdaman niya ang kapangyarihang tinutukoy sa libro. Marahil ay nasa paligid lamang iyon, nagmamasid, dahil impossibleng ang mga lalaki ang may-ari noong kapangyarihan. They were bunch of Zheprians only. Wala kakaiba sa kanila base sa sinabi ni Carmina kanina. At kung tama ang hinala ko, they wanted me because they needed me.
My body?
I am blank and they'll definately put something on me!
Creation. Damn! It could be that magic!
Akmang tatakbo na ako palabas ng silid para makausap ang tatlo noong bigla akong natigilan dahil sa presensyang naramdam. Agad kong inilibot ang paningin sa buong silid at napako ako sa kinatatayuan noong makitang muli ang babaeng pumasok sa aking silid kanina.
I held my breathe.
Anong ginagawa niya dito? At paanong nakapasok ito dito sa silid ni David na hindi ko man lang nalalaman?
"Maria Estellan."
Nanlamig ako noong marinig ang malamig na boses ng babae. Humakbang ito ng isang beses kaya naman ay napaatras ko.
"Don't be scared. I'm not here to hurt you," aniya at humakbang muli.
"What do you want?" I managed to ask her. Kalmado ang boses ko pero halos nanlalambot na ang buong katawan ko dahil sa kaba at takot. Kael, please, puntahan mo ako ngayon!
"Nothing," aniya at naupo sa upuang malapit sa kinatatayuan niya. "I'm just here to watched over you."
"What?" gulong tanong ko dito.
She smiled. Gustuhin ko mang matakot sa uri ng ngiti niya ay hindi ko magawa. She smiled at me genuinely. Nagpakurap-kurap ako dahil sa palagay ko ay dinadaya lamang ako ng mga mata ko.
"Do you want to know who you are, Maria Estellan?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Maria Estellan, the daughter of Melissa and Eugene Estellan," aniya at tumayo. Hindi nito inalis ang mga titig sa akin. Napalunok ako. And she freaking knows my parents! "The heir of the Dark Empire," dagdag pa niya.
What?
"Looks like wala kang idea kung sino ka talaga, Mellan. Inilihim talaga ng traydor mong ama ang lahat sayo."
"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko dito. Heir? Ako? Kalokohan. "At kailan pa naging traydor ang ama ko? He's just an ordinary Randus!"
"He's not, Mellan. Trust me, he's more than what you think," sambit niya sabay ngisi. Humakbang pa ito ng isang beses palapit sa akin.
"Stop!" sigaw ko. "Huwag kang lumapit!"
"Estella!"
Nanlaki ang mata ko noong marinig ang boses ni Kael sa labas ng silid. Akmang tatakbo na ako papunta doon noong biglang ikinumpas ng babae ang kamay niya. Napanganga ako noong makita na napalibutan ang buong silid ng itim na kapangyarihan. Shit!
"Estella! Open this goddamn door!" sigaw muli ni Kael.
"Kael!" I tried to take a step but I can't even move. Napabaling ako sa babae at masamang tiningnan ito. "Pakawalan mo ako!" sigaw ko dito. Umiling siya sa akin at muling ikinumpas ang mga kamay.
"Maria Estellan!"
Pumikit ako noong marinig muli ang sigaw ni Kael sa labas.
"You need to come with me," seryosong sambit niya at tuluyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso na siyang nagpakaba sa akin ng husto.
"No," mariing pagtutol sa nais niya. "Hindi ako sasama sayo."
"You don't belong here, Mellan. Kailangan mo nang bumalik sa atin bago lumala ang lahat."
"I said no!"
"Mas magkakagulo at mapapahamak ang mga kaibigan mo kung mananatili ka sa tabi nila, Mellan," wika niya na siyang nagpatigil sa akin. "You need to stay away from them."
Napakagat ako ng labi at napabaling sa pintuan. Panay ang kalabog noon. Malamang sila Kael ang nasa kabila, he'll do everything to enter this room. To save me. Again.
"Malakas sila. Hindi sila mapapahamak," halos bulong na sambit ko at napayuko na lamang. Tama. Hindi mapapahamak sila Kael. Malakas sila. Ako lang naman ang mahina. Walang kapangyarihan. Walang kwenta.
"You need to gain your power again, Mellan," mariing sambit niya na siyang nagpaangat ng tingin sa kanya. "You're not powerless. You're the heir of our empire."
"Stop talking nonsense," naiiling na sambit ko sa kanya. "Pakawalan mo na ako. Please," pagmamakaawa ko.
"I won't do that, Mellan. My mission is to bring you back to the Empire kaya sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo," aniya at mas hinigpitan ang hawak sa akin. Kita ko ang pag-angat ng kamay niya at ikinumpas sa harapan ko.
Napailing ako dahil sa bigla akong nahilo sa hindi malamang dahilan.
"Sleep for a while, Mellan."

BINABASA MO ANG
Dark Magic
FantasyKingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siya naging malaya kasama ang taong nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, si Kael. She's different an...