Kabanata 18 : Create

4.8K 256 2
                                        

Dalawang kawal ang nasa likuran ko.

Paakyat na ako ngayon patungo sa aking silid. Bawat hakbang ko ay maingat at walang ingay. Pinapakiramdaman ko din ang bawat kilos ng mga kawal na nasa aking likuran. At noong marating ko ang pintuan ng aking silid, agad akong tumigil at binalingan ang dalawa.

Naging alerto naman sila.

Ngumiti ako sa kanila at bahagyang inayos ang suot na damit.

"Maari niyo bang samahan ako kila Benjamin and Amanda?" malumanay na tanong ko sa kanila. Ngunit minuto na ang lumipas ay walang kumibo sa dalawa. Oh great, mukhang mahihirapan ako dito.

I only have a day to do my mission. Ngunit kong hindi ako makakasigurong ligtas ang dalawa kong kaibigan, hindi ko alam kong magagawa ko ba nang maayos ang inutos sa akin ni daddy.

"Alright, kung ayaw niyo, fine. I'm going in. Magbantay kayo nang mabuti. Baka sa isang iglap, matakasan ko kayo," I said then entered my room. Agad kong isinarado iyon at ginamitan ng dark magic upang makasigurong walang makakapasok dito. Mabilis akong nagtungo sa kama at naupo roon. I closed my eyes then concentrate.

'Benjamin? Amanda? Can you hear me?'

I tried to talk to them through my mind. Isa ito sa ability na mayroon ako. I remember when I was a child, isa ito sa naging daan ko para makapag-usap sa kanilang dalawa. Palagi akong nasa silid noon at nakakalabas lamang ako pag may okasyon sa Empire. It was a blessing ability but still, it's a cursed outside the Dark Empire.

"Benj! Amanda! Answer me!"

"Oh my God! Mellan?"

It was Amanda!

"Nasaan kayo?" I asked her.

"Nasa underground prison kami, Mellan. Benjamin was injured. He needs some aid!"

"Underground prison? Great, I'll be there! Wait for me!"

"Wait, what? Mahihirapan ka, Mellan. Mapanganib!" pigil nito sa akin.

"Ilan ang bantay na nariyan ngayon?"

"I don't know. Maybe five?"

"Alright. Pupunta ako diyan."

"Mellan, wait! Yung kapangyarihan mo..."

"I'll explain later. Gotta go!"

Iminulat ko ang mga mata at agad na tumayo sa kama.

Underground prison? Kung tama ang nasa memorya ko, nasa pinaka likod iyon ng mansyon. It will take some time before I'll arrive there. Kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na buksang muli ang pintuan ng silid ko. I dispell my dark magic on the door and ready myself to attack my guards.

Pagkabukas ng pinto ay agad kong kinumpas ang kanang kamay ko at tinamaan ang isa sa kawal. With the use of my dark magic, pinatulog ko ito.

"Young..."

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita nito. I put my hand on his shoulder then released my dark magic on him.

"Sleep, boys," ani ko at tumakbo na palayo sa kanila.

Agad kong tinungo iyong daan patungo sa pinakalikod ng mansyon. At sa bawat kawal na nadaraanan ko ay pinapatulog ko ito gamit ang kapangyarihan ko. I can't hurt them. They're just some guards who serves their Empress.

"Mellan!"

Natigil ako sa pagtakbo noong marinig ko ang boses ni Helena. Lumapit ito sa akin sabay hagod ng tingin sa aking kabuuan.

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon