Tahimik akong umiiyak habang nakatingala sa madilim na kalangitan.
Nasa Zhepria na ulit kami ngayon. Pagkatapos ng tagpo ng pamilya namin kanina, daddy decided to go back here. Kasama namin si Marie, na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari sa aming ina. Ako man din, I was so shocked. I hated her for being cruel towards her own daughter and I hated her for a wrong reason.
"Nandito ka lang pala," napalingon ako sa nagsalita. It was my sister. Bahagya akong ngumiti sa kanya noong naupo ito sa tabi ko. Nasa garden kami ngayon sa mansyon ni David. At sa pagkakaalam ko, wala sila ngayon dito sa Zhepria. Together with our dad, they went to Aundros and meet the Council.
"You okay now?" I asked Marie. Namamaga pa rin kasi ang mga mata nito.
"Ubos na ang luha ko. Kailangang mag-ipong muli," biro nito sabay buntong hininga.
Katahimikan.
Walang ni isang nagsalita sa amin. Nakatingala lamang kami at dinadama ang lamig ng hangin.
"Kung hindi tayo pinaghiwalay ni Elliot, sa tingin mo aabot tayo sa ganito?" Marie asked.
I sighed.
"I think it will be beautiful. I can picture us as a happy family. You, me, dad and mom," ngumiti ako sa sinabi. "But still, gugustuhin ko pa rin ang kalayaan para sa ating lahat."
"You badly want freedom, huh?"
"Yes," agarang sagot ko. "Bata pa lamang ako, palagi ko nang pinapangarap na makalabas ng Empire. I was a prison too, just like you. I wanted to see what's behind the dark barrier. I wanted to cross the dangerous forest and see how beautiful Tereshle is."
"Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay sasama ako sayo sa kahit saan ka pumunta," mahinang sambit ng kapatid ko. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti ito pero kita ko ang kalungkutan sa mukha nito.
"Really?" I asked her. Nanginginig na naman ang mga labi ko.
"Oo naman. We are twins. We are destined to be each other's companion," anito at binalingan ko. "Thank you, Maria."
Ngumiwi ako.
"Mellan," sambit ko. "That's what they call me."
"Oh really? But that Kael guy called you Estella," tumaas ang kilay nito. "And Maria is cute. So, iyon ang itatawag ko sayo."
"Whatever you want," nailing na sambit ko.
"But seriously, thank you," ulit nito. "Thank you for accepting me as your sister. I know it was hard for you. Hindi mo alam na nag-eexist ako. Unlike me, I was updated on everything about you. And I was thankful too that Elliot did that. Para na rin akong lumaki kasama mo."
Pagkatapos naming mag-usap ni Marie ay pumasok na kami sa loob ng mansyon. Malalim na ang gabi. I've checked the wall clock and it says it's alrealy eleven in the evening.
I sighed.
Marahil ay bukas pa babalik sila Kael. I need to talk to him. I wanted to thank him, David and Carmina. We never had a chance to talk earlier. Masyado akong wala sa sarili na kahit na nakabalik na ako sa Zhepria ay nasa nangyari kay mommy pa rin ang isipan ko.
Tahimik akong nahiga sa tabi ni Marie at blankong tumingin sa kisame.
Everything happened too fast.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari. And my mom, I never had a chance to tell her how much I loved her. Kahit na may galit ako sa kanya, still, she's my mom. Hindi na magbabago iyon.
Dahil siguro sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lamang ako noong makarinig ng iilang pag-uusap sa labas ng silid.
"Lower down your voices. She has a sharp hearing sense. Baka maistorbo niyo ang pagtulog niya." it was Kael's voice.

BINABASA MO ANG
Dark Magic
FantasyKingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siya naging malaya kasama ang taong nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, si Kael. She's different an...