Kabanata 19 : Face

4.8K 252 12
                                        

With the help of Amanda's ability, matiwasay kaming nakapunta sa gubat kong saan ako dumaan noon.

"Be careful, Mellan," bilin ni Amanda sa akin sabay hawak sa kamay ko. "I know na kaya mong harapin ang mga kawal at ang ibang tapat na alagad ng Empress pero iba pa rin ang kakayahan at kapangyarihan niya. And Elliot. He's monster. Mag-iingat ka sa kanya."

"I'll be fine. Now, go. Meet my dad and tell him to wait for my signal," utos ko dito at tumango ito. Pinagmasdan ko silang palayo sa kinatatayuan. And when I don't saw them anymore, agad akong umikot paharap sa mansyon. Ngunit agad akong naestatwa noong dulo ng espada ang bumungad sa paningin ko.

"So, you're back on the game?"

"Elliot," seryoso kong sambit sa pangalan niya.

Ngayon ko lang napansin ang pagbabago nito, physically. He looked stress and worn out. Pansin ko rin ang mga dark circles sa mata nito. Mukhang hindi nagpapahinga ang isang ito.

"Drop your sword, Elliot. Wala kang karapatang itutok sa akin iyan," I said, coldly.

He smirked. Imbes na ibaba ang sandata nito ay lumakad ito pakaliwa ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang maramdaman ko ang paglapit nito sa likuran ko.

"You don't tell me what to do, Mellan. I'm not your subordinate," anito sabay lapat ng dulo ng espada sa balat ko. "Alam mo bang matagal na kitang gustong patayin?"

"Too bad hindi mo ginawa noon, Elliot," I mocked him. "You have your chance before but you wasted them."

"Because you are her goddamn daughter!" mariing sambit nito sa likuran ko. "That's the main reason why you are still alive till now."

"Should I thank her for that? Huh, Elliot? Because right now, I don't want to be her daughter anymore. Afterall, she never become a mother to me."

"Bitch!" sigaw nito sabay hablot ng braso ko kung saan may sugat. Fvck! "You don't talk about your mother like that!"

"Fvck! Let me go!" I shouted back then tried to swayed my free hand. Agad namang lumayo si Elliot sa akin noong makita ang kapangyarihan ko sa aking kamay. "You don't tell me what to do if it comes to my mother, Elliot," ganti ko dito. "Wala kang alam."

"Poor child. Craving for a mother's love, I see," he said that makes me lose my temper. Sinugod ko ito. I created a sword using my dark magic. Agad ko itong ikinumpas noong makalapit na ako sa kanya. Our sword clashed each other. Pareho kaming napaatras dahil sa malakas na impact ng atake naming dalawa.

"Come on, Mellan. Ito lang ba ang kaya mo? Show me your true power. Let see kung kaya mong pantayan ang kapangyarihan ni Empress Melissa."

"Hindi ko siya kailangang pantayan, Elliot. All I need is to be defeat all of you."

"At paano mo gagawin iyon kung mahina ka?" humalakhak ito at sa pagkakataong ito, siya naman ang sumugod. Iginalaw ko ang kamay ko paikot sa aking harapan hanggang makabuo ako ng malaking itim na bola at ikinumpas patungo sa palapit na si Elliot. Agad itong tumalon ng mataas para maiwasan ang atake ko ngunit gumawa muli ako ng panibagong itim na bola at ikinumpas ang kamay patungo sa gawi niya. I cursed mentally when he used his sword to destroy my attack. Kaya naman ay sunod-sunod kong ginawa ang ganoong paraan hanggang masapul ko ito at bumagsak sa lupa.

Agad ko itong nilapitan at itinutok ang espada sa leeg niya. He stay still. Nakaluhod ito ngayon sa aking harapan at masamang nakatingin sa akin.

"Surrender now, Elliot and I'll talk to dad to save your ass," utos ko dito. Ngunit imbes sumunod sa nais ko ay itinaas nito ang kamay at buong lakas na sinuntok ang lupa dahilan para magkaroon ng tila lindol na siyang nagpawala ng balanse sa akin. He's dark magic immediately run towards me kaya naman ay tumalon ako paatras, palayo sa kanya.

"So, your father is back, too," malamig na turan nito. Hindi ako umimik at noong ikurap ko ang mga mata ko, bigla itong nawala sa harapan ko.

"Damn!" I cursed then run towards where he was earlier. I must say, malakas talaga si Elliot. He was one of my father's friend. He's way stronger that I thought.

Binalingan ko ang mansyon.

Malamang ay sasabihin nito kay mommy ang pagbabalik ko at ni daddy. For sure, she'll be glad because I have my powers now. But she'll be mad if she knew about my dad. She hates him now. So much.

Napatingin ako sa braso kong nagdurugo. If dad is here, he'll heal me immediately. I sighed. I need to be strong. For myself, for my dad, for my friends and for those who believes in me.

Hindi na ako nagtagal pa sa kinatatayuan ko. Tumakbo na ako pabalik sa mansyon ngunit agad akong natigil noong makarinig ng sunod-sunod na pagsabog sa pinaka-bayan ng Empire.

Mariing kong ipinikit ang mga mata at pinakinggan ang mga nangyayari roon.

"Huwag! Wala kaming ginagawang masama!"

"This is Empress Melissa's order! At kung sino man ang hindi susunod sa nais niya ay mamamatay!"

Fvck shit, no!

Mabilis akong tumakbo patungo sa bayan. Damn, paano ko magagawa ang misyon ko kung may mga ganitong nangyayari? Fvck! I won't let them hurt the innocent people here!

Bahala na!

Pagkarating ko sa bayan ay agad kong hinawakan ang kamay ng kawal na may hawak na espada at nakatutok sa leeg ng isang babaeng nakaluhod, umiiyak. Agad na bumagsak ang katawan nito sa lupa kaya naman ay inalalayan ko ang babae patayo.

"Young empress," umiiyak na sambit nito at mahigpit na humawak sa akin.

"Stop crying, you're safe now," bulong kong sabi sa kanya. Napatingin ako sa gawing kanan ko at may mga taong nakakumpol doon, umiiyak at takot na takot.

Masama kong binalingan ang mga kawal sa aking harapan.

"Sumama ka sa iba," utos ko dito na siyang sinunod naman nito agad. Muli kong binalingan ang mga kawal at walang emosyong pinagmasdan silang lahat.

"What was my mother's order?" I asked them. Humakbang ako ng isang beses na siyang ikinaatras naman nila. Kung hindi ako nagkakamali, mga sampu silang lahat na narito. Kita ko ang takot sa kanilang mga mata. "Kung ayaw niyong matulad sa kasamahan niyo, pabayaan niyo ang mga inosenteng tao."

"Sumama ka sa amin, Young empress," sambit ng isa. Ramdam ko ang takot nito kaya naman ay sinamantala ko iyon. Muli akong humakbang ng isang beses habang hindi inaalis ang matalim na titig sa kanila.

"Huwag na huwag niyo akong tawagin young empress kung hindi niyo ako kayang igalang. Sa ginagawa ninyo, lalo niyong ginagalit ang isang tulad ko. Babalaan ko na kayo, masama akong magalit."

"Young empress..."

Hindi ko na ito pinatapos, mabilis ko itong sinugod at sinakal. I released my dark magic on him at noong bitawan ko ito, bumagsak ito sa lupa. Walang malay. Agad na itinutok ng ibang kawal ang kanilang sandata sa akin.

"Don't make another move, Young Empress."

"You don't tell me what to do," mariing sambit. Dinisolve ko ang espadang hawak at ikinumpas ang dalawang kamay. I was releasing too much dark magic but I didn't care less. I swayed my hands then attacked the guards. Sa bawat contact sa itim na kapangyarihan ko, nanghihina ang mga ito at kusang bumabagsak ang mga katawan sa lupa. Kinontrol ko lang ang kapangyarihan ko para hindi ko sila matuluyan. They're still my people. Sumusunod lamang sila sa nais ng aking ina.

Speaking of her.

Binalingan ko ang mansyon.

I think it's time face her. And pagtapos noon, saka ko na sisirain ang mga sandatang pinapasira ni daddy.

"Magsibalik kayo sa mga tahanan niyo," ani ko sabay tingin sa mga tao. "Make sure na walang lalabas ni isa sa iyo. I'll finish this one. After this, malaya na tayong lahat."

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon