Epilogue

9.2K 398 132
                                    

"Mellan, nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay mommy noong magsalita ito. Matalim itong nakatingin sa akin na siyang nagpakabog ng dibdib ko.

She's mad at me. Again.

"Sorry, mom"

"What the hell is happening with you? Kung hindi mo seseryosohin ito, paano ka magiging isang epektibong Empress!" galit na sambit nito sabay bagsak ng kamay sa mesa.

Napalunok ako.

"Daddy! Help! Mommy's mad at me!"

Ganito lagi ang senaryo dito sa mansyon. Tuwing nagsasanay ako at hindi nagugustuhan ni mommy ang ginagawa ko, humihingi ako ng tulong kay daddy. Siya lang ang kayang magtanggol sa akin laban sa sariling nanay ko.

Naiiyak na ako ngunit pilit kong pinipigilan ang mga luha ko. Mas lalong magagalit ito kung iiyak ako sa harapan niya.

"You're losing it again, Melissa. She's still a kid. Give her a break," anito at pumasok sa silid kong saan ako nag-aaral. Tumabi ito sa akin at hinalikan ako sa ulo.

Daddy!

"Oh shut up, Eugene!" sigaw ni mommy sabay tayo. Masama itong nakatingin sa amin at walang imik na lumabas sa silid.

"She hates me, daddy," naiiyak na sumbong ko kay dad. Niyakap ko siya at doon ibinuhos ang lahat ng hinanakit sa ina.

"Hush it, Mellan. Your mom loves you," alo nito na ikinailing ko lamang.

"But she's always mad at me. Kahit anong gawin ko, hindi ito natutuwa sa akin. Kahit ibinibigay ko na ang lahat ng makakakaya ko, still, wala pa ring kwenta sa kanya. She hates me. So much."

"Mellan, your mom is just having a hard time. Let's just understand her," sambit nito at hiniwalay ako sa kanya. "My princess, listen to me. Whatever happens, always remember we love you. Don't forget about that."

Tumango ako dito. Kahit hindi ako naniniwalang mahal ako ni mommy, pilit kong inintindi iyon dahil nagtitiwala ako sa mga salita ng aking ama. Na kahit halos ipagtulakan ako nito pagnagkikita kami, alam kong mahal niya ako. I'm still her daughter. I'm still her princess.

Maingat kong inilapag ang isang kumpol na bulaklak sa puntod niya. I smiled when I felt a familiar chill. Malamig na lumapat ang hangin sa aking balat.

I took a deep breathe then calm myself.

"Hi, mom," bati ko dito habang malungkot na tinitingnan ang larawan niya. Hinaplos ko ito at kinagat ang pang-ibabang labi. "I missed you."

It's her death anniversary today.

Gaya nang nakagawian namin, dumadalaw kami dito para makasama siya. Every year, kahit busy kami sa kanya-kanyang mga buhay, inilalaan namin ang araw na ito para sa kanya. Muling umihip ang hangin at alam kong narito na rin siya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binalingan ito.

"Dad."

"Mellan," ani daddy at nilapitan ako. He hugged me then kissed my head. "How are you, my princess?"

"I'm doing good, dad," sagot ko at gumanti sa yakap niya. "I missed you."

"I missed you, too, daddy!"

Napatingin ako sa gawing kanan namin at nakita ang nakangiting si Marie. Humiwalay ng yakap si daddy sa akin at sinalubong ang kapatid ko.

"I'm sorry I'm late. Ang daming gawain sa Academy! May mga bagong estudyante and I was assigned to handle them," paliwanag nito at hinalikan ako sa pisngi. "How are you my beautiful, sister?" tanong nito at hinaplos ang tiyan ko. I smiled at her gesture. "And how's our little baby doing there? Huwag masyadong pahirapan si mommy, ah. Baka pumangiti ito!" aniya at humagikhik.

"Stop it, Marie," suway ko dito na siyang ikinatawa niya lang. Hinaplos ko ang tiyan ko noong maramdaman ang pagsipa ng anak ko sa loob nito.

"Oh my! He kicked!" gulat na sabi ni Marie. "Daddy! He kicked!"

Natawa si daddy at nilapitan kaming dalawa.

"Huwag kasing masyadong maingay, Marie. Nagising tuloy ang pamangkin mo."

"Oops, my bad. I'm just excited!"

Nailing na lamang ako at muling binalingan ang putod ni mommy. If she's with us, paniguradong mas magiging masaya kami. Hindi na marahil maninirahan si daddy mag-isa sa Mount Helgion.

"Hey, Maria, stop it," natigilan ako noong magsalita si Marie sa tabi. Bumaling ako dito at nginitian ito. Marahil ay narinig na naman nito ang mga iniisip ko. Her special ability is way better than mine. "Don't think too much, dearest sister."

"I just missed her," naluluhang sambit ko.

"I'm sure mommy missed you, too. Huwag ka nang malungkot diyan," alo niya at niyakap ako sa gilid ko.

Natahimik kaming tatlo. Dinama namin ang lamig ng hangin at noong malapit nang mag-gabi ay napagdesisyonan naming umuwi na. Nagpaalam si daddy na babalik na sa Mount Helgion samantalang sa mansyon namin ito tutuloy ngayong gabi.

Pagkarating namin sa mansyon ay naabutan naming nasa sala si Kael. Tumayo ito noong makita kaming dalawa ng kapatid ko. Looks like he's been waiting for us.

"Hi, Kael!" masiglang bati ni Marie habang lumapit namin ito sa akin. Hinawakan ako nito sa bewang at hinalikan sa pisngi. "Wala man lang response?" masungit na tanong ng kapatid ko na siyang nagpatawa kay Kael.

"I'm sorry, Marie. I just missed my wife," anito na ikinairap ni Marie.

"Bakit ba ako narito sa mansyon niyo? Nakakainis, ah!" reklamo niya sabay tungo sa kusina.

Natawa na lamang sa inasal ni Marie. For the past years, nasanay na ako sa ugali nito. She's very cheerful. Everyone adored her for being like that. Hindi halatang lumaki ito na hindi nakikipagsalamuha sa mga tao.

"How's your day?" tanong ni Kael na siyang nagpabaling sa akin sa kanya.

"It was good. Maraming kwento na naman si Marie," sambit ko at yumakap sa bewang ni Kael.

"You look tired. Come on, let's have our dinner para makapagpahinga na kayo."

Tumango ako dito pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Nanatili akong nakayakap sa bewang niya at ipinikit ang mga mata.

"Kael," tawag ko dito

"Hmmm?"

"I love you," sabi ko at hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

"You know I love you, too. Come on, kumain na tayo," yaya niya pero hindi pa rin ako gumalaw.

"Estella..."

"Say my real name, Kael," utos ko na ikinatigil niya. Naramdaman ko na lang na inilayo niya ako sa kanya kaya naman ay iminulat ko ang aking mga mata. Kita ko ang seryoso nitong titig kaya naman ay ngumiti ako dito. Ang ganda niya kasing pagmasdan pagganitong masyadong malalim ang tingin niya sa akin. Lalo akong nahuhulog sa kanya.

"What is this all about, hmm?"

"Just do it, Kael."

Kahit nakakunot ang noo nito, ginawa pa rin niya ang nais ko.

"Maria Estellan."

I smiled. How I loved it when he's the one saying my real name.

"Maria Estellan," pag-uulit niya na lalong ikinangiti ko. Slowly, I reached his lips. Dapat ay isang mabilis na halik lamang iyon ngunit noong hihiwalay na dapat ako ay agad na hinawakan nito ang batok ko at pinalalim ang halikan naming dalawa.

I almost moan when he tried to enter his tongue. Mabilis akong umiling dito kaya naman ay kinagat nito ang pang-ibabang labi ko na siyang ang ikinagulat ko.

"What the hell, lovers! The foods are ready!" sigaw ni Marie na siyang nagpahiwalay sa aming dalawa. "Mamaya niyo na ipagpatuloy yan at baka maibato ko sa inyo ang mga pinggang inihanda ko sa mesa!"

Pareho kaming natawa ni Kael sa sinabi ng kapatid ko. Inaplos nito ang buhok ko at inilapat ang bibig sa aking kanang tenga.

"Laters, Maria Estellan."

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon