Kabanata 22 : Light

4.6K 270 36
                                    

"Surrender your weapons properly."

Pinagmasdan ko si David at Carmina habang isa-isang kinukuha ang mga sandata ng mga kawal namin. May iilang Agents silang kasama na tumutulong din sa paglilikom ng mga sandata.

"You're good to go," ani daddy kaya naman ay napatingin ako sa gawi niya. I smiled at him then tried to stand up. Di tulad kanina, nakatayo na ako nang maayos. Pakiramdam ko'y bumalik na lahat ng kapangyarihang nagamit ko kanina sa pagsira sa dark barrier.

"Dad," tawag pansin ko dito at tiningnan ang walang malay na si Elliot. Kanina, muntik nang maglaban ang dalawa. Mabuti na lamang ay mabilis na nakapagcast ng spell si daddy at napigilan si Elliot sa balak. I know, kaibigan pa rin ang turing ni daddy dito. He can't harm him in any other way. "We need to see mommy and Marie."

"Marie?" takang tanong nito kaya naman ay hinawakan ko ang kamay nito.

"Yes, daddy. Let's go," hinila ko na ito at mabilis na tumakbo papunta sa mansyon. Maraming kawal ng Zhepria ang narito ngayon sa Empire. Lahat ng ito ay tinutulungan ang iilang taga rito na makaalis sa lugar ng ligtas. I smiled at the scene pero agad din namang nawala noong maalala ang kalagayan ni mommy at Marie. Sana ligtas lang silang dalawa.

"Mellan, slow down," sambit ni daddy kaya naman ay binalingan ko ito. Natigil kami sa pagtakbo at huli na noong mapagtantong nasa loob na pala kami ng mansyon. Ganoon kami kabilis nakarating dito?

"Daddy, you need to see mommy. Baka may injury ito! She'll be mad if she finds out na may galos ito!"

"You're being weird, Mellan," puna ni daddy.

Right! He doesn't know! Wala ba itong narinig sa naging pag-uusap namin kanina ni Elliot?

"Mommy was innocent, dad. She was being controlled by Elliot. Simula noong ipinanganak kami ni..."

Natigil ako sa pagsasalita noong makitang wala sa akin ang atensyon ni daddy. Mabilis kong binalingan ang tinitingnan niya at agad nanlaki ang mga mata noong makita si Kael na may buhat-buhat na babae.

"Oh my! Marie!" it was my twin sister! Nilapitan ko ang dalawa at hinawaka agad ang mukha ng kapatid. "Hey, wake up, please."

Dahan-dahang inilapag ni Kael ang kapatid ko. Hinawakan ko ito sa kamay at napalunok noong maramdaman ang panlalamig nito.

"Hey, hang on there. I'm here. Daddy is here. He'll save you," naiiyak na sambit ko at binalingan si daddy. "Help her, please. Please, daddy. Please," I can't lose her! She suffered enough. Kailangan kong bumawi sa kanya!

Lumapit si daddy sa aming dalawa at matamang tinitigan ang kapatid ko.

"Paanong nangyari ito?" hindi makapaniwalang tanong nito habang pinagmamasdan ang mukha ng kakambal ko.

"Save her first, daddy. I'll explain later. Please."

"You don't have to say please for a couple of times, Mellan. She's your sister. My daughter. Ililigtas ko siya kahit anong mangyari," sambit ni daddy at hinawakan ang kamay ni Marie. Unti-unting umilaw ang buong katawan nito. I never let go of her hand. Nakahawak lang ako dito hanggang makita kong naghihilom ang mga sugat na natamo nito.

Mayamaya pa ay napasinghap ito at naubo sabay bangon sa pagkakahiga.

"Fvck!" Marie cursed then looked at me. "Maria. What happened?" she asked me. Hindi ko ito sinagot. Agad ko itong niyakap nang mahigpit. I cried on her. "Hey, I don't know you're a cry baby, Maria."

"You scared me, idiot," ani ko at humiwalay sa kanya. I smiled at her. "Thank you for being alive, Marie."

"Nobody told me like that before," mahinan itong natawa. "Someone being thankful that I'm alive. It feels so good."

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon