Hindi umimik si daddy sa naging tanong ko.
"Dad, what the hell are you talking about? Anong kailangan nating sirain ang Dark Empire?" histerikal kong tanong dito. "We are going to save the Empire not freaking destroy it!"
"Watch your words, young lady," mariing suway ni daddy sa akin. Napapikit ako. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. My dad is the scariest of them all! Damn!
"That what's the council wanted us to do," pagpapatuloy ni daddy sa plano. "Eliminate the Dark Empire and release those Tereshlian who's living inside that darkness."
"But the Dark Empire is our home, daddy. We can't eliminate it!"
"The Council will be giving them their new home, Mellan. You don't have to worry about that," ani David na siyang nagpabaling sa akin sa gawi niya. "Iyan ang kalayaang ibibigay ng Council sa kanila."
"They can live freely, Mellan. Sa kahit saang parte ng Tereshle," si Carmina.
Napapikit ako. Pilit na iniintindi ang bawat salitang sinasambit nila. Kaya ko ba ito? Sisirain ko ang lugar na ipinaglalaban ko? Ang lugar kong saan ako ipinanganak at lumaki.
"Wala na bang ibang paraan?" mahinang tanong ko sa kanila. My heart is breaking by thought of destroying my home. Hindi ko kaya ito.
"Estella," tawag ni Kael sa akin. Nagmulat ako at tumingin sa gawi niya. "That's the best thing to do for now."
"But it's not the best for me, Kael. I promised to save them not to destroy our home," walang buhay na sambit ko at tumayo na. "Hindi ko alam kong anong nais mangyari ng Council pero hindi ko kayang gawin ang nais nila. I'll destroy those weapon they're keeping. At kung kakailanganin, kakalabanin ko din si mommy. Cause a promise is promise. Ililigtas ko ang buong Dark Empire pati ang mga naninirahan dito," sambit ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa kwartong nilabasan ko kanina.
"Estella, wait."
Rinig kong tawag ni Kael sa akin.
"Leave her alone for now, Kael. Let her clear her mind," it was daddy. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa aking mukha. Hindi ko na sila nilingon at mabilis na nagtungo sa kwarto. Pagkapasok ko, agad kong inilock iyon at nahiga muli sa kama.
What the hell is happening?
Ano ba ang nais ng Council? Oo nga't hindi sila makikialam sa laban namin pero hindi ko nagustuhan ang nais nila. How can I destroy the Dark Empire? And my mother, I know she'll do everything to protect the Empire, too. Ancestor niya ang founder nito kaya alam kong hindi ito papayag na sirain namin ito.
"Can I fight against my mother?" wala sa sariling tanong ko sa sarili.
"Estella."
Napatingin ako sa pintuan noong kumatok roon si Kael.
"Open the door, please," pakiusap nito.
Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa pagkakahiga. Tumungo ako sa pintuan at pinagbuksan iyon. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kael. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nilakihan ang bukas ng pintuan. Tinalikuran ko ito, naglakad pabalik sa kama at naupo rito.
"You okay?" he asked then closed the door. Naglakad ito palapit sa akin at napaupo sa tabi ko.
"I don't know," sagot ko sabay hugot nang malalim na hininga. "Pwede bang huwag na nating sirain ang Dark Empire?"
"That's the council's condition, Estella."
"Then I'll talk to them! Makikiusap ako, Kael! Hindi natin kailangang sirain ang buong Empire dahil lahat na naninirahan doon ay masama gaya ng ina ko!"
BINABASA MO ANG
Dark Magic
FantasyKingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siya naging malaya kasama ang taong nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, si Kael. She's different an...