"Maria!"
Napatingin ako kay Marie noong tinawag niya ako. Napataas ang kilay ko noong makita ang itsura. Nakangiti itong lumapit sa akin at kinawit ang braso sa braso ko.
"How do I looked?" tanong nito at hinawakan ang buhok.
"Anong hangin ang nalanghap mo at pinagupitan mo ang buhok mo?" I asked her. Humiwalay ito sa akin at umikot sa harapan ko.
"Come on, sis! Just tell how do I looked! It's the Annual Ball tonight! Dapat maganda ako mamaya!"
Natawa ako sa sinabi ng kapatid.
It's been a year since we enroll here in Tereshle Academy. Noong una, nahirapan kaming makipagsalamuha sa mga student na naririto. They're all strong and their attributes insecure us. But it only took us just a couple of months before discovering what do we have. Dahil sa halos walang pahingang training at pag-aaral, we managed to unleased our own attributes. And guess what? We are wind attributers! Kaming dalawa ni Marie! Actually, inaasahan ko na iyon. Pagkapasok pa lang kasi namin sa paaralang ito, palaging pinag-uusapan nila si daddy. They called him Sheprid, a wind attributer and also the cursed wizard.
Walang oras kaming sinayang ni Marie sa loob ng isang taon. Sa bawat training namin, we always do our best hanggang mapunta kami sa Shiendra class ng Tereshle Academy, the highest rank here.
We also managed to have friends here. Pero ramdam pa rin namin ang pagkakailang nila dahil sa taglay naming dark magic. But we just ignored it. Hindi namin maaalis sa pagkatao namin ang nakaraan namin. Dark magic is a part of us. At tanggap namin iyon. We embraced it. Sa katunayan ay hindi namin nagamit ni Marie ang kapangyarihan namin sa loob ng isang taon. Nakafocus kasi kaming dalawa sa attribute at special ability namin.
"You looked gorgeous," nakangiting sambit ko sa kakambal. "Bagay sayo iyang maikling buhok mo."
"Please don't tell me you're cutting your hair, too."
Tumawa ako. Sa loob ng isang taon, Marie was my happy pill. Sa tuwing nalulungkot ako, palaging gagawa ito ng mga bagay na ikatatawa ko. I'm such in luck to have her as my sister.
"Of course not," tugon ko dito. "Let's go. Maglibot lang muna tayo. Ilang oras pa naman bago ang Annual Ball."
"But we need to prepare!"
"Marie, you've been preparing for this night like a couple days ago," naiiling na komento ko dito.
"Yes, I was and I'm so excited!" she jumped. Dumistansya ito sa akin at kinawayan ako. "Sorry, sis. Babalik na ako kwarto," aniya at tumakbo na pabalik sa dorm namin.
Pinagmasdan ko lamang ang palayong bulto ng kapatid ko at noong hindi ko na ito nakita ay pinagpatuloy ko ang balak kanina. Ang maglibot sa buong Academy. Naglakad na ako patungo sa sentro nito. May iilan akong estudyanteng nakikita pero mga aligaga ang mga ito, lalo na ang mga babae. It looks like ako lang ang hindi excited sa magaganap na ball mamayang gabi.
Naiiling akong naupo sa isang bakanteng bench dito sa sentro. Kinuha ko ang libro sa bag ko at inilapag sa hita ko. Inangat ko ang kamay at sinundan ang nakaukit na title nito.
Creation.
This is the book of Creation. Iyong librong nasa library lamang sa mansyon ni David. Kahapon, noong nasa library ako ng Academy, nakita ko ito sa pinakatagong parte ng library. Hiniram ko ito at ngayon, ikatatlong ulit ko nang babasahin ito. Halos lahat ng impormasyong narito ay totoo, lalo ang tungkol sa aming may mga dark magic.
"A blessing or a cursed," basa ko sa unang pangungusap na nakita ko noong buklatin ko ito. A blessing, yes, sa marunong gamitin ito. And it will be only a cursed if you use this magic to harm others.

BINABASA MO ANG
Dark Magic
FantasyKingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siya naging malaya kasama ang taong nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, si Kael. She's different an...