Kabanata 11 : Back

5.1K 267 6
                                    

Napamulat ako ng mga mata ko noong makaramdam ako ng matinding sakit sa aking paa.

Agad akong napabangon noong maalala ang nangyari. Iyong lobo, iyong pag-atake ko dito at iyong pagtarak ko ng sangga sa ulo nito. Agad akong nakaramdam ng kakaibang lamig sa buong katawan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at natigilan bigla noong maalala kong nasaan ako.

Mabilis akong nagmulat muli ng mga mata at napaawang na lamang ang labi noong mapagtatantong nasa isang di pamilyar na silid ako.

Where the hell I am?

Agad kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan at umalis sa kamang kinahihigaan.

"Shit!" bulalas ko at napaupo sa sahig noong maramdaman ang sakit sa aking paa. Napatingin ako dito at hindi na ako nagulat noong makita ang pamamaga nito. Mukhang napasama ang lagay nito sa ginawa ko sa lobo kanina. Kagat labi akong tumayo habang iniinda ang matinding sakit. Naupo ako sa gilid ng kama at napatingin sa pintuan ng silid noong bumukas iyon.

"At last, your awake," ani ng isang matandang babae habang may dalang tray na may lamang mga dahon ng mga halaman. Hindi ako kumibo. Mataman lamang akong nakatingin sa kanya. "Dalawang araw ka ng walang malay. Nag-aalala na kami ng asawa ko dahil walang epekto sayo ang gamot na ibinibigay namin sa iyo."

Dalawang araw? Ganoon katagal akong nawalan ng malay? Fvck! Hindi maaring mangyari ito! I wasted two fvcking days of my life!

"Where am I?" I managed to ask. Naglakad ang matandang babae papalapit sa akin at inilapag ang hawak na tray sa mesa na nasa gilid lamang ng kama.

"Nasa bahay ka namin. Dito sa Enthrea. Mangangaso ang asawa ko at nakita ka niyang walang malay at sugatan sa bungad ng isang masukal na gubat."

Enthrea? Great! Hindi Zhepria ang napuntahan ko!

"Kailangan ko na pong umalis," ani ko at pilit na tumayo. I can managed the pain. Kaya ko. Kailangan ko nang makausap si Kael. Hindi na ako maaring magsayang pa ng oras! By this time, malamang ay alam na ng aking ina ang pagkawala ko sa Empire. Benjamin and Amanda will be in danger if she finds out about my escape plan!

"Pero hindi pa hilom ang mga sugat mo. Maging ang iyong paa ay namamaga pa," pigil nito sa akin sa pagtayo.

"Kailangan ko pong makabalik sa Zhepria!"

"Malayo ang Zhepria sa lugar na ito. Kailangan mo ng sapat na lakas kung nais mong makarating doon," aniya sabay kuha ng isang dahon sa tray at inilapat sa aking braso. Napatingin ako doon at laking gulat ko noong makakita ako ng sugat roon. "Malalim ang sugat na ito, iha. Mukhang isang mabangis na hayop ang nakaharap mo sa gubat na pinanggalingan mo."

Hindi ako nakaimik. So, I was wounded afterall. Hindi lang pala iyong paa ko ang injury ko.

"Wala po bang healer sa lugar na ito?" I managed to asked. This is Enthrea. Sa pagkakaalam ko, maraming healers ang naninirahan sa division na ito.

Nakita ko ang pag-iling ng matanda.

"Malayo tayo sa sentro ng Enthrea," sambit nito na. "Ngunit umalis ang asawa ko kaninang umaga. Pumunta siya sa sentro at nag baka sakaling may mahanap siyang magaling na manggagamot na maaring sumuri saiyo. Marahil ay pabalik na iyon ngayon."

Lumuhod ang matanda at sinunod na nilagyan ng dahon ang namamaga kong paa. Noong matapos ito ay naupo ito sa tabi ko. Hindi ako kumibo. Gusto kong magpasalamat pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Kung kanina ay iyong paa ko lang ang iniinda ko, ngayon naman ay buong katawan na. Para akong nabugbog. Idagdag mo pa ang malaking sugat sa aking braso.

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon