Critique #4
Fiction: NovelTitle: Sculpted Perfection
Genre: Romance
Author: @zzlannOverview
Nagustuhan ko ang pagsisimula mo. Detalyado ito at madaling malaman ang mga nais ipaalam o ipahayag patungkol sa naturang eksena.
Nagugustuhan ko din kung paano ka magsulat at halatang pinag-isipan at masusing ginawa ang isang kabanata bago ito maipost.
CharacterizationCentral Character
-Siana: Kakaiba siyang babae. Naipakita mo agad iyong personality niya na, maldita siya, brat but has a soft side. May pinaghuhugutan siya at may gusto siyang marating. Hindi siya basta typical na nagtataray.Other Characters
Gavin: Ilalagay ko na din sana ito sa CC but dito ko na lang muna inilagay. He's mysterious, base sa pinoportray mong character niya. Pero bakit parang nararamdaman kong hindi pa ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya. Let's see,Dialogue
Maayos naman ang pagkakagawa mo ng mga dialogue nila. Angkop naman sa mga characters kung paano sila magsalita.
Hindi gaanong mahaba at di din naman ganoong kaikli. Siguro, be careful lang kapag si Gavin na ang nagsasalita dahil dapat mapanindigan iyong pagkatao na gusto mong maiportray niya which is kinda mysterious and manly.
Setting
Nag-umpisa ang story sa isang bar, tapos tumalon na ang iyong timeframe na nasa sasakyan na siya pagkatapos noong may nakaaway siya sa bar.
Noong una kong nabasa iyon, hindi ko talaga nakita ang significance nito at all. Siguro gusto mo lang mapakita ang side na ito ni Sianna, which is okay naman.
But anaway, most of the setting na ay sa hacienda. Ito pa iyong gusto ko dahil detalyado mong nailarawan ang kabuuan ng mga nakikita ni Sianna para mapaalam sa mambabasa ang itsura ng kanilang hacienda. Na nakuha ko naman.
Wala naman akong nakitang mali dito.
Conflicts
Hindi ko na sana isasama ang category na ito dahil hindi pa naman ako sigurado sa maaaring maging conflict dahil nagsisimula pa lamang.
Pero siguro magiging konektado ito sa hacienda, pangarap ni Sianna, ang Tito niya or more on sa pamilya, at syempre kay Gavin. Medyo nakikita ko na kasi nang bahagya that something big will happen.
Plot and Structure
It is safe to say that you do develop your plot well. Madaling maintindihan ang mga eksena at hindi na kailangang balikan pa para maintindihan kaya naman smooth sailing lamang ang timeline mo.
As for the characters, naipakilala naman sila ng maayos at nabuhay naman sila sa mundong ginawa mo para sa kanila.
So far, wala naman akong nakitang loop hole o maaaring makapagpaconfuse sa akin o sa iba pang mambabasa. Mahahaba din ang mga chapters, hindi ganoong bitin at hindi din naman nakakaboring.
POV
First POV lang naman ito kaya wala akong nakitang maling word. Magaling din magsalaysay si Sianna at nakakatuwang basahin ang mga nailalabas niyang emosyon at naiisip niya.
Voice/Tone
Muli, sasabihin ko na angkop naman ang mga sinasabi ng mga characters sa kung sino sila at wala pa namang over acting or exagerrated na scene.
Maganda din ang pagkakasulat at naipahayag ang mga emosyon na nararamdaman ng mga tauhan. Nadetalye ang mga physical details at gestures na mas nagpabuhay pa sa mga tauhan.
Pacing/Timing
Ito na ang sa pacing at timing ng mga eksena.
Sunod sunod naman at walang talon na makakagulo sa sequence. Wala pa naman kasing sobrang suspense scene or romance kaya naman hindi ko pa maididiscuss ang about sa timing.
Grammar
Honestly, wala talaga akong nakitang mali. Tama ang mga salitang ginamit, malinis basahin, maging ang mga punctuations ay nakaayos. I mean, wala talaga akong mairereklamo.
Wala akong edit recom since wala naman talaga akong nakitang kailangang iedit. Siguro ganoon lang ulit, ayos ka na sa technical side just be more focus at pag-aralan pa ang maglaro sa emosyon.
Iyong tipong makakaramdam talaga ang mambabasa na nasa ganoong sitwasyon sila.
Favorite scene so far? Iyong sa huli, na napasandal siya kay Gavin. Ang cute lang. At saka iyong sa kwarto na ginising siya ng maid tapos biglang naging si Gavin na. Ang cute din.
Keep on writing at goodluck!
PLEASE DO ANSWER MY SURVEY!
Rating: 9/10 🔥
3-11-18
BINABASA MO ANG
From the Reader's POV (Open)
RandomA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon