Batch 2 #1

83 12 2
                                    

(Please take note that I'm still trying this new format so bare with my errors. All mistakes are mine.)

Critique #16
Fiction

Malaya by modernpeculiar, TeenFiction

Ang Malaya ay isang kwento patungkol sa highschool love na tinatalakay kung paano magmahal ang isang kabataan. Isinasaad din sa libro ang kwento ng pag-ibig sa pagitan ng matalik na magkaibigan.


Opening

Nasimulan siya sa lyrics ng isang kanta at sinabi na inspired ito sa kanta ni Moira.

Ang pagsisimula o ang Prologue ay hindi masyadong nakakakuha ng atensyon sa malakihang klase ng mambabasa. Napakita din kasi agad na isa lamang itong typical na istorya.

Bagaman, nailagay naman agad ang pinaka-problema para sa pangunahing tauhan.

Overall Evaluation

Ang librong Malaya ay masasabi kong hindi na bago dahil sa nagamit na konsepto patungkol sa bestfriend relationships. Maging sa kung paano makwento ang mga pangyayari ay normal lamang at hindi ganoong naiiba sa mga kwentong may kapareho ng konsepto.

Summary of the Beginning of the Book

Nasimulan ang kwento sa eksena na gumagawa si Mikaela ng tula at pinagsabihan niya ang sarili na dapat gawin na niya ang kanta para sa Music Fest.

At makaraan lamang ng sandali ay nagtext sa kaniya si Alex, ang best friend niya na lihim niyang minamahal at sinasabing mahuhuli ito sa practice dahil kasama si Maxine, probably her girlfriend.

Nakarinig na nga siya ng mga tawanan sa labas ng kung nasaan siya, nakita niya doon ang dalawang nagtatawanan. Kaya naman nagpasya na lamang siyang matulog at nagset ng alarm para magising kapag oras na ng practice nila.

Isinaad na din sa pamamagitan ng panaginip ang nakaraan kung paano sila nagkakilala.

Setting

Sa school lang naman nangyari ang mga unang eksena kaya parang normal lang naman ito. Ngunit bahagya kang kinulang sa paglalarawan ng background sa school kabaliktaran naman nang nasa bahay na siya dahil sumobra ka naman sa paglalagay ng deskripsyon sa mga bagay-bagay sa paligid niya.

May dalawa kasing maaaring mangyari, kapag kinulang ka sa paglalarawan ay parang walang kulay ang ginawa mong mundo o wala itong magiging mukha sa mga mambabasa.

Kaya lamang kailangan din na maghinay tayo sa paglalagay ng napakaraming deskripsyon na parang nakakabagot na basahin lalo pa kung wala naman itong magiging kinalaman sa eksena.

Ang mambabasa wala iyang pakielam sa kung ano ba ang kulay ng kuwarto mo, sa kung anong kulay ng damit na nakakalat sa kwarto mo, ilang picture frames ang nasa ibabaw ng cabinet mo o ang nakasabit sa dingding mo... unless, kasama ito sa eksena mo at may malaki itong magiging role dito.

Matuto tayong magtanggal ng mga unnecessary descriptions na kung iisipin mo ay wala naman talagang kwenta sa eksena. Kaya ang pagbabalanse ay isang factor dito at sa iba pang element ng kwento.

Characterization

Malinaw mo namang napakilala ang mga tauhan. Nalaman din naman ang personalidad nila Mika, Alex, Lucio at ng iba pang mga karakter.

Pati ang mga relasyon nila sa isa't isa, maging ang attitudes and values.

Kaya lamang, masyado silang normal. Not that being normal is not good but it's just not that interesting.

From the Reader's POV (Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon