#13

62 14 16
                                    

Critique #13
Fiction: Novel

Title: Catching Ms.Suplada
Genre: Romance
Author: CaraAlthea

Overview

Wala akong expectation sa story dahil kasi parang ang cliché na base pa lamang sa title pero nagulat ako kasi sobrang malayo sa impression ko sa title ang naging content.

'Catching Ms.Suplada' is a title that kinda overused or generally not catchy. Kabaliktaran siya sa kabuuan ng kwento mo.

Sabihin na nating nagkamali ako sa pagjudge agad base sa title pa lamang pero huwag nating itangging halos lahat naman ng readers ay may ganitong katangian. So, what you have to do? Change the title. Alam ko na isa sa pinakamahirap gawin ay ang titulo ng nobela dahil ito ang magsisilbing brand mo, alam ko iyan.

Kaya sinasabi ko ito sa'yo dahil may potential talaga ang kwento mo at maging ikaw.

Characterization

Mara
- may pagkadalagang pilipina siya at hindi kataka-taka iyon dahil probinsyana siya. Nagugustuhan ko ang karakter niya dahil pinapakita niya na hindi lahat ng sinasabing probinsyana na katulad ng sa ibang kwento na 'naive' o napakainosente lalo na sa mga lalaking gwapo.

Timothy
- mayabang? Hindi ko iyon nakita sa kaniya katulad ng nasabi ni Mara dahil siguro ganoon lang ang tindig niya dahil tumira siya sa ibang bansa. Pero masasabi ko sa pagsasalita niya ay medyo may kapreskuhan nga siya taliwas sa akala ko na baka suplado siya dahil sa simula. May naiisip din ako na baka coping mechanism niya lang ang lahat ng pagkamasayahin siya after all galing lang siya sa isang 8 year relationship breakup.

Ang isang gustong-gusto ko sa mga karakter nila ay madami ka pang kinakailangan malaman para lubos silang makilala at isa iyong asset para magbasa pa ang reader.

Setting

Hindi sinabi sa umpisa ang probinsya, ang akala ko nga sa Batangas dahil sa punto then later on, nasabing sa Laguna. I am from Laguna hindi naman kasi ganoon ang punto sa amin pero baka sa ibang lugar ganoon.

Mabuti hindi mo sinabi kung saan mismo ang lugar lalo pa kung hindi ka dito pamilyar, dahil kinakailangan mo si Google. Wala naman akong naging problema dito dahil magaling ka namang magkwento.

Dialogue

Isa ito sa pinaka-nagustuhan  ko sa kwento. Naaaliw kasi ako sa dayalektong ginagamit. Magaling din ang pagkakasulat na parang buhay lang ang nagsasalita. Tuloy-tuloy lang at maganda siyang pakinggan lalo kung binasa mo ng malakas.

Angkop din talaga sa personalidad nila kung paano nila ideliver ang dialogues. Kumpleto din kasi detalyado ang mga galaw at nararamdaman ng karakter.

Conflict

Ang isang nakita kong conflict base sa description ay ang sa ex-girlfriend ni Timothy. Nandoon din ang tanong na bakit nga ba nakipaghiwalay ito sa kaniya. Isa din ito.

Sa kung paano din ang magiging relationship nila Mara at Timothy. Marami kasing posibleng maipasok at nagugustuhan ko iyon dahil isa lang ibig sabihin noon hindi matutuyo ang kwento.

Plot and Structure

Matagumpay mong naestablish iyong plot kasi wala talaga akong nakitang maaaring makagulo sa kwento. Katulad ng sinabi ko ay maganda ang pagkakahubog mo sa iyong mga karakter.

Halatang pinag-isipan din base sa pagkakasunod sunod ng mga eksena.

Hindi na masyadong bago iyong napiling plot pero nagawa mo na iyong iyo sa kung paano mo sinulat ang kwento mo. Maganda siya actually.

Voice/Tone

Namamangha talaga ako sa kung paano mo isinulat ang kwento. Detalyado ito at madaling naipaparating ang nais na ipahayag ng eksena sa mambabasa.

Maging ang mga tauhan ay maayos ang pagkakagawa ng deskripsiyon at maging kung paano sila magsalita.

Naisulat din ang body languages, gestures at madaling nalalaman ang tono na nais ipahawatig ng naturang eksena.

POV

This is very well done. I love how you wrote the story in Third person's and it's very effective.

Madali mo kasing naeexplore ang bawat sulok ng kwento at talagang maganda kung paano mo napag-papalit sa dalawang kamalayan ng mga karakter ang pagsusulat mo.

Maganda at wala kang mali. Minsan kasi nagkakamali talaga sila sa 'ko' at 'niya' at sa iba pa.

Nagsusulat ako sa unang panauhan pero masasabi kong mas nadadalian o mas gusto ko ang pangatlong panauhan.

Pacing/Timing

Tama lang ang pacing at ang pagpapasok ng mga eksena. Nagustuhan ko kasi hindi talaga ako nabagot dahil maganda ka kasi magdetalye. At dahil sa Third POV ay nakatulog iyon sa mabagal na pag-usad ng kwento dahil nga sa napagpapalit mo naman sa dalawang karakter.

I love the rhythm from the start and I hope you'll continue it until the end.

Grammar

Actually, malinis ang pagkakasulat. Wala naman akong masyadong napansing mali sa grammar pero may ilan.

(1) Uunahin ko na ang ibang impormal na salita. Nagbigay ka na kasi ng impression na may kalaliman ka magsalaysay at may pagkapormal.

Kaya ang andito at sya ay impormal at nawala sa impresyon na iyon.

Mabuting gamitin ang tamang grammar na nandito at siya.

(2) Ang pangalawa ay ang apostrophe.

Hindi ko alam bakit sobrang nakikita ko iyong ganitong error lately. Tama naman siya kapag ginamit sa mga pinaikling salita katulad ng ako ay magiging ako'y.

Pero babae'ng, po'ng at pagkakatao'ng ay mali at hindi dapat nito gamitan. May iba pa sa kwento at iedit mo lang iyon.

(3) Ang huli ay sa bantas. Generally, maayos naman at tama naman kaya lamang may isa ang; !... o ?... mali ito. Kapag may bantas na padamdam o patanong na ay huwag ng ilagay pa ang mga ellipsis.

In summary, nagustuhan ko naman ang kwento. May iba ka lang aayusin lalo na iyong sa scene na sinampal ni Mara si Ador at nang magkita si Timothy at Mara. Other than that, ay naenjoy kong talaga.

I hope na maiconsider mo ang tungkol sa suggestion ko sa title.

Patuloy na magsulat!

Answer my survey.

Rating: 8/10

3-20-18

From the Reader's POV (Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon