Critique #7
Fiction: NovelTitle: The Beginning of the End
Genre: Action/Mystery
Author: areum_yukiNote: Critique will just based from the first ten chapters of the story.
Overview
I'll first off with the title, masyado na siyang generic for an action story. Kung ako ang reader at nags-scroll ako sa recommendations and then nakita ang story mo do you think I'll open the story? Maybe yes, maybe not. There's a 50/50 chance.
At this time, you have to stand out, be more creative. Marami na ang gumawa ng action story, kaya dapat may bago kang ioffer, so start it off with your title.
I don't know how to say it without being harsh, but I really think your Prologue is weak. But I'll just back to it later.
Habang binabasa ko ang story ay madami akong mga napansin na mapopoint out ko sa mga susunod pang category.
Characterization
Layla
- Total opposite of her twin. Ginagawa ang gusto. Nagpapakatotoo sa sarili. Galit siya sa magulang dahil feeling niya inabandona siya at itinago ng matagal na panahon. Pero ano nga ba ang goal niya aside from finding who killed his sister? Probably to be acknowledge as who she is. Pero ano nga ba ang weakness niya? Sa tingin ko, insecure siya at nagseselos din sa kakambal. But twins are twins for a reason and they should have something in common. And what is it? We'll figure it out.
The other characters are dangerous and mysterious. May soft side sila kay Charlotte but who knows? Gusto kong maglagay pa ng ibang observations ko sa ibang character but ten chapters isn't that enough to figure out who they are... and that goes with the other elements of this critique.
Dialogue
Katulad nga ng sinabi ko, ang character ng iyong tauhan ay malaking bagay sa paggawa ng dialogue. Dapat ay may flow at variety ang bawat linya at magawang malaman agad kung sino ang nagsasalita base sa tono nito.
Kaya kailangan mong magfocus sa larangan na ito; Showing vs. Telling. Telling means just telling us what is the emotion of the speaker while Showing is showing us what is her emotions.
Kailangan habang gumagawa ka ng dialogue ay isaad mo din ang kanilang nararamdaman o ang mga ginagawa nila para mas magmukhang totoo.
For example;
"I want to strangle them," I said. "They're insulting me."
Note that this scene came from the story.
As you can see, ang simple lang hindi ba? Wala kang malalaman na kahit na anong emosyon dito instead magcoconclude ka na lang na galit siya dahil sa sinabi niya.
But now, let's show the emotions;
"I want to strangle them," I grumbled through gritted teeth. "They're insulting me." Mas mababang tono na saad ko. Tinignan ko ng masama ang mga tao sa kabilang mesa.
From there, malalaman na ng readers ang emosyon na nararamdaman ng karakter kahit na hindi mo sabihing galit siya.
Marami akong nakitang ganito. Bukod pa sa paglalagay ng emosyon ay maaari mo ding ilagay ang mga ginagawa niya, mga nakikita at maging ang narinig niya para mas magmukha na totoo ang nagsasalita.
Another thing, about 'said' word. Hindi naman talaga ito bawal na gamitin kaya lamang dapat huwag lang ang salitang ito ang gamitin.
Madaming salita na maaari natin na maihalili dito. Like, confirmed, answered, protested, admitted, confessed, added, suggested, told, stated and so on and so forth. All we have to do is to read more and research more for our vocabulary.
Setting
Iikot pa lang naman sa loob ng university ang nabasa ko. May isang bagay na dapat mong tandaan sa paggawa ng setting ay magmukha din itong totoo na ginagalawan ng mga buhay mong karakter.
Unlike sa fantasy, hindi mo naman kailangan gugulin sa paglalarawan ng lugar lamang ang sarili mo pero kailangan pa din ito.
Siguro kailangan mo pa ng clear visual sa parteng ito.
Conflicts
Malinaw naman ang unang problema, namatay si Charlotte at hindi malaman kung sino ang pumatay. Si Louis ba o si Sade o kaya naman baka ibang tao?
At isa pa ay ang pagpapanggap niya bilang si Charlotte, hanggang kailan?
Dahil mystery o action ito ay madami akong ineexpect na maaaring patutunguhan ng kwento. At katulad nga ng palagi kong sinasabi sa mga ganitong genre ay pag-isipan mabuti ang konsepto para di ka magkamali.
Suspense Value
Para sa isang Mystery story, may malaking role ito. Ito ay ang bagay na maaaring makapagpagulat o makapagpamangha sa mambabasa o maaari ding ikainis.
This has something to do with the timing but we'll get to that later on.
So far, wala pa naman masyadong suspense kaya lang inilagay ko dahil pasok pa ito sa cover ko.
Plot and Structure
Maayos naman at naestablish ang plot. Walang magulong scene na nakasira sa timeline.
Kaya lang may nakita ako, is the Facebook scene really necessary to include? Let me think of this idea, mafia are mafias for a reason. Kinakailangan na nakatago sila sa mata ng gobyerno o kahit sa publiko na lang. Kinatatakutan ang miyembro ng mga ito, what more the bosses or their heirs? Kailangan silang protektahan dahil nanganganib sila.
Let's be realistic, their lives shouldn't be exposed on social media, what more that scene with Layla pointing the gun at Lafon and going viral on social media? I mean, it's contradicting with your 'mafia' plot.
Pacing/Timing
Kailangan mo ng tamang timing para sa lahat ng eksena mo para magtagumpay ka.
Kailangan na alam mo ang perfect timing ng pagpasok ng eksena.
You need to work more on this part too.
Grammar
Malinis naman ang pagkakasulat. Tama naman ang mga bantas. Kaya lang madami talaga ako nakitang wrong grammars. Siguro hindi siya mali talaga kaya lamang ay hindi tama ang ginamit na salita para umangkop sa pinaggamitan na pangungusap.
Mabuting malaman ang right word usage. Specially sa mga English na pangungusap o talata. Ang isang tip ko sa'yo, habang pinoproofread mo ay basahin mo ng malakas para makita mo iyong mga mali mo.
Also remember that less is more. Kapag siguro hindi naman na kailangan ang isang sentence o wala talaga siyang sense at all, o naging redundant ang isang talata ay pwede na nating tanggalin iyon.
Iwasan din ang taglish na pagkukwento, kapag sinimulan ang sentence na English tapusin ito ng English at kapag naman Tagalog ay sa Tagalog na salita tapusin. Alam ko na maaari ito kapag sa nagsasalita ngunit iwasan kung sa nagsasalaysay.
Ngunit sa bandang huli din naman ay nasa saiyo kung susundin mo ang mga sinabi ko.
Patuloy na magsulat!
ANSWER MY SURVEY!
Rating: 7/10
3-16-18
BINABASA MO ANG
From the Reader's POV (Open)
RandomA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon