Critique #6
Fiction: NovelTitle: Fated Lovers
Genre: Fantasy
Author: -IndieWriter-Note: Ibinase ko lamang ang critique na ito sa Limang kabanata.
Overview
Aaminin kong wala akong naging expectation ng basahin ko ito siguro dahil sa masyadong generic iyong title? Pero mukhang nagkamali ako, sobrang nagustuhan ko ang pagbabasa ng kwentong ito.Mahilig kasi talaga ako sa mga ganitong klase ng kwento lalo pa kung pangatlong panauhan ang ginamit dahil mas napapalutang ang ganda ng isang nobela, well, para sa akin. Lalo pa kung ganito ang genre.
Sa unang parte pa lamang at nakuha mo na ang atensyon ko, at nakamamangha ang paraan mo ng pagsusulat. Ganito kasi ko naisulat iyong isang story ko kaya naman nakakarelate talaga ako.
Ganoon din, naipakilala mo ng maayos ang mga karakter maging ang back story nila. Kung ako ang tatanungin mahilig kasi talaga ako sa Mythology, or sabihin na nating mahilig akong magbasa in general. Kahit anong genre binabasa ko, anaway gusto ko ang kwento na ito.
Characterization
Maganda/ Fate
- Gusto ko ang pagkakaroon niya ng paninindigan kaya lamang nandoon talaga iyong sarado ang isip niya sa pagmamahal kay Amanikable. Which is katanggap-tanggap naman. Nagtagumpay ka naman sa pagbuo ng katauhan niya dahil naging buhay siya sa isipan ko.
Amanikable/ Henry
- Lubos magmahal, Kinatatakutan, at misteryoso. Hindi ko pa talaga siya gaanong kilala dahil sa parang may tinatago pa siya na kailangan kong malaman. Gusto ko sa karakter niya na hindi siya susuko para sa minamahal niya. Ito din iyong maganda sa isang karakter, ang may naiiwan. May bagay na nais matuklas sa kung sino siya.
Sitan
- At katulad ng kay Henry, sino ba talaga si Sitan? Sa nabasa ko ay nakabuo na ang utak ko ng impresyon na tuso siya dahil ganoon ang napakita. Hindi na iyon kataka-taka kung siya ang Bathala ng Kasamahaan, kaya lamang ano ang sadyang kinagagalit niya kay Henry? That goes with, how is Sitan connected with all of this?
Dialogue
Wala na din akong masasabi sa kategorya na ito. Angkop ang mga nasabing dialogue sa kung sino sila. Walang kahit na anong sobrang eksaheradang mga sinabi ang mga karakter.
Hindi mahahaba at hindi naman maiikli, sakto lamang. May kakaibang dating din kung babasahin.
Setting
Wala akong masyadong alam sa Kaluwalhatian dahil hindi naman nabanggit pa. Kaya mas magpopokus ako sa San Roque, Laguna.
Para sa akin, sa mga ganitong klase ng storya ay mas mainam nga na gumamit ng fictional na lugar. Siguro sa modernong lugar ay mukha naman na wala akong napunang mali sa paglalarawan dahil nga sa normal lamang ito at madali na makuha.
Maliban sa oras o ang panahon ng naturang eksena o pangyayari sa isang kabanata.
So far, wala naman akong nakita na nagpagulo sa maaaring timeline ng kwento.
Conflicts
Masasabi kong authentic ito. Nagustuhan ko ang posible o ang kasalukuyang conflict, ang kinailangang patayin ni Fate si Henry para mamatay siya. Ito iyong nakakaexcite kasi mag-iisip ka na ng what ifs sa mga future chapters dahil kung ano ang pwedeng kahinatnan.
Somehow, nairelate ko siya sa Goblin, ang isa sa pinaka paborito kong Kdrama. Na dapat mabunot ni Goblin's Bride ang espada para mamatay na ang Goblin o siya ang mamatay dahil iyon lamang ang purpose niya talaga kaya siya nabuhay.
I really am looking forward for what's gonna happen next or what is the answers with my questions.
Plot and Structure
Ang ganitong klase ng istorya ay kinakailangan talaga ng masusing pag-iisip para magtagumpay. Kailangan ng consistency.
Maayos mo namang nadevelop ang plot na talagang makakahikayat sa mga mambabasa.
Sa simula pa lamang ay kakaiba na ang dating, nakatulong pa ang mga tauhan at ang paraan din ng pagsusulat.
Walang mga talon na eksenang nakakapagpagulo sa nagawa mong order ng mga eksena. Maging ang alaala o pagbabalik tanaw ay impressive din na nailagay.
As a reader, nagustuhan ko ang Plot. Hindi kasi siya generic o cliché. May mabubuo kang mga tanong at sa patuloy na pagbabasa ay parang nakakakuha ka ng sagot ngunit panibagong tanong din. Isa ito sa makakatulong sa iyo na makahikayat pa ng mga mambabasa na mga nagnanais ng katulad ng genre na ito, ang pagtuklas.
POV
Tama na napili mong gumamit ng pangatlong panauhan dahil umangkop lamang siya sa kung ano ang direksyon na patutunguhan ng kwento.
Mas naeexplore kasi ang bawat espasyo, emosyon at lugar ng mga eksena.
Grammar
Masusi ang bawat pagkakagawa sa kabanata, halatang hindi minadali. Malalalim ang mga salita. Tama din sa pangungusap ang mga salitang ginamit. Maging ang mga bantas ay hustong naiayos.
Siguro kapag lamang sa mga malalalim na Tagalog ay lagyan mo din sila ng ibig sabihin sa hulihan ng update dahil hindi maiiwasan na may mambabasa talaga na magtatanong kung ano iyon.
Naenjoy ko ang pagbabasa ng kwento at ito iyong mga klase ng kwento na dapat narerecommend at gems sa wattpad.
Siguro sasabihin na limang kabanata lamang ang nabasa ko pero positive ang review ko, but that is the point, I only read just five chapters (excluding the prologue so six) but that is enough for me to say that this book is just good.
Ang iaadvice ko lamang ay be consistent at mas lalo pang magimprove at nawa ay di lumihis sa direksyon ang kwento.
Nasa Library ko na ito at babasahin ko.
Ang critique na ito ay silbing motibasyon sa iyo na patuloy na magsulat. Don't look for numbers, look for readers and I know you'll get them in time.
Keep on writing, goodluck.
ANSWER MY SURVEY!
RATING: 10/10 🎉
TRIVIA: Wala talaga akong balak magbigay ng perfect rating pero sa tingin ko ay deserve ng kwentong ito.
3-13-18
BINABASA MO ANG
From the Reader's POV (Open)
RandomA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon