Batch 2 #5

46 4 2
                                    

Critique #20
Fiction

Both Sides by smiley015 Short Story

Overview

Habang binabasa ko na lang narealize na short story pala ito. Hindi ko kasi agad naicheck, but anaways, gusto ko lang sabihin na hindi talaga ako nagbabasa ng short stories or even one shots even though I make one sometimes.

Ayoko kasi talaga sa mabibilis na development or more like the pacing dahil kailangan pagkasyahin in just a span of just a couple of chapters or so.

I hope this critique still helps though.

I'll talk about the title first, it's something that can be catchy or not... in between of the two.

It isn't unique but doesn't that overused either, again it's in between.

Ang description naman, nakuha mo ako dito. Nagustuhan ko kasi kung paano mo ito naisulat na mapapangiti ka na lang and at the same time nakakacurious sa kung ano ba ang nakapaloob doon.

Sasabihin ko lang na maikli lang ang critique na ito at sinabi ko lamang ang aking opinyon.

Characterization

Relatable naman iyong mga characters, lalo na sa millenials.

Maikli lang kasi iyong story kaya hindi ko talaga nakilala sila and confusing pa iyong descriptions nila.

Si Gleanna mabiro na hoping, madali siyang nainlove? Si Nathaniel naman medyo ayos pa ako sa character niya noong una pero sa bandang huli parang naweirduhan ako.

Nakulangan ako sa pagpapatibay sa kung sino ba sila at ano ang purpose nila sa characters nila, sa isa't isa at sa story.

I think it's really hard to pin point their strengths and weaknesses as a character but you still can't do it by analyzing them and putting their own unique character or even relate with the real traits of people.

Settings

As for this one, hindi naman na pansinin pero kailangan pa din na mailagay ang detalyeng hininlhingi ng bawat eksena.

POV

May transition naman sila ng POV, nagustuhan ko naman iyon. Wala din namang kapansin-pansun dito kasi nasabi naman ng malinaw kung sino na iyong nagkukwento.

Plot

Nabasa kong binase mo ito sa panaginip mo which is really amazing. Madaming sikat na writers at libro na minsan lang na napanaginapan ng manunulat at sumikat.

Ang pinaka genre talaga nito ay TeenFiction kaya alam ko naman na tinatarget mo iyong feelings ng isang kabataan.

Yes, it's normal for us, teenagers, to fall easily or even just with the looks right? Iba kasi iyong magic na nagagawa kapag may inspirasyon ka o crush.

May isa lang akong napansin, given na ang mabilis na pacing, pero sobrang bilis naman niya atang nagustuhan si Nathaniel. For real, unang kita pa lang?

Habang binabasa ko, wala iyong magic, wala iyong tamang timpla na hinahanap ko sa isang teenfiction story. It seems too unrealistic, too dreamy.

Given he's handsome, but technically you can't overheels with the person you barely know or just know.

Another thing is the dreamy and like poetic descriptions, lalo na iyong dindescribe iyong babaeng gusto ni Nathaniel.

Ganoon ba talaga ang guy? Or even relate it to yourself kapag ba nagkagusto ka sobra na iyong paglalarawan mo sa kaniya? Lumiliwanag ba talaga ang mga mata niya, kumikinang sa sinag ng araw at nagkukulay rosas ang mga labi. Not really. You have to be natural, maging normal at natural ka lang.

Sa pacing naman sobra talagang nabilisan ako, nawala ang impact ng plot at story sa akin.

Plot twist. Predictable siya. Hindi ako ganoong namangha pero ayos pa din especially na hindi iyong bida pinili niya.

I think the plot itself isn't strong and convincing enough to me.

Grammar

Wala naman masyado. Iyong sa masyadong sumobrang paglalarawan lang at word usage na hindi maganda basahin kapag malakas.

Ipapasok ko na din iyong sa pagpapakilala sa bida, Hi I'm Gleanna blavla is not really creative and overused.

Show vs. Tell

Napansin ko kasi ito kaya sinama ko na. Nagkukulang ka sa pagsasaad ng nararamdaman o maging galaw ng karakter.

Huwag mo lang sabihin na nasasaktan siya, iparamdam mo sa amin na nasasaktan siya.

Don't just tell us what he or she feels... show us.

Thank you and sorry for the late critique. Patuloy na magsulat.

Answer my Survey.

My rating: 7/10

5-7-18

From the Reader's POV (Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon