#14

42 13 1
                                    

Critique #14
Fiction: Novel

Title: Love of Aryana
Genre: Fantasy
Author: LovelyOga

Overview

Sa isang fantasy genre madami ka talagang kailangan na isaad o ilarawan lalo pa ang mundo na ginawa mo sa kwento.

Mas nagfocus ako sa punto na ito at saka sa kung naisulat ang kwento.

Characterization

Kay Aryana lang ako magfofocus dito. 10 chapters lang kasi ang nabasa ko at hindi ko lubusang maintindihan pa ang kaukulang pagkatao ng ibang karakter.

Medyo inosente siya dahil unang pagkakataon niya iyon sa kakaibang mundo. Mabait na apo, though hindi niya talaga ito lola. May kakaibang kapangyarihan, may kadaldalan at takaw sa gulo.

Ngunit may nais pa akong malaman sa kaniya na kung ano talaga siya o bakit siya mahalaga. Hindi ko mahusgahan ang purpose siya kasi di pa stated sa nabasa ko.

Setting

Dito na sa setting. Kinulang ka sa parteng ito. Hindi ko gaanong nabuild-up ang mundong ginawa mo sa isip ko. At iyon ang kinakailangan para magtagumpay ka sa genre na ito, na ang mga mambabasa ay gumana ang imahinasyon at madala mo sila sa ginawa mong mundo.

Bilang mambabasa, hindi ko naramdaman ito. Oo, nagsasaad ka ng mga nakikita, may kalaliman ang paglalarawan at may mga bahagyang ligoy ngunit hindi ito sapat dahil wala itong masasabi kong visual impact sa akin.

Dapat ay magmukha itong buhay sa amin, na iyong mundo na ginawa mo totoo na nageexist ito.

Siguro kailangan mo lang na mas malinaw na presentasyon sa isip mo at maaadopt mo iyon sa pagsusulat hanggang sa mapasa sa aming nagbabasa. Hindi mo naman kailangan din na ultimo kapira-pirasong insekto ay isaad mo, basta lamang malaman ang lugar na kinaroroonan niya.


Dialogue

Naiintindihan naman ang mga ito at maayos na naisulat. Kaya lamang ay may pagkakataon na nawawala ang emosyon dito. Kinakailangan din kasi minsan na isaad ito at ang galaw na ginawa niya para mas magmukha itong buhay.

Karamihan talaga ay sa ganitong parte nagkakamali o kinukulang. May dalawa kasing maaaring mangyari, kapag kinulang sa pagdetalye ay nawawala ang emosyon na maaaring maramdaman ng mambabasa ngunit kapag sumobra naman ay hindi din maganda kasi mababagot ang mambabasa. Kaya kinakailangan na balanse ka lamang.

May hindi din kaangkupan ang ilang nasabing salita sa isang dayalogo pero babalikan ko ito mamaya.

POV

Magandang desisyon na gumamit ka ng pangatlong panauhan dahil ito ang nababagay sa ganitong klase ng kwento. Maaari din naman ang una ngunit mas malaya mong magagamay ang bawat sulok ng eksena.

May isang bagay lang akong napansin, minsan kasi ay nawawala ka sa nagawa mong tiyempro o nalilihis ang direksyon ng eksena. Bumase kasi ito sa (muli) sa tamang paggamit ng mga salita.

Ang ginagawa mo kasi ay sa una ay mukhang pormal ngunit dadating sa punto na nawawala ito at nagiging impormal. Kung saan mo inumpisahan ay doon mo tapusin.

Conflict

Ang pinaka malinaw na maaaring maging conflict ay ang kung ano ba talaga ang katauhan ni Aryana sa mundong iyon. Pwede ding maipasok ang buhay pag-ibig niya at ang nakikinita kong labanan sa angkan?

Malinaw naman ito sa akin.

Plot and Structure

May kaunting hindi malinaw sa plot mo. Katulad na nga ng mga nasabi ko kanina ay kinakailangan mo itong maayos.

Ngunit sunod-sunod naman ang mga eksena sa bawat kabanata na wala namang naiwan.

Mukhang ang focus ay sa mismong kay Aryana pero nakakita din ako ng kaunting glint ng romance.

Pacing/Timing

May kabagalan ang pacing mo. Kung ganito naman talaga ang timeline mo ay wala ako ditong problema.

Dahil fantasy naman ay kailangan din talaga ng pagpapakilala para maging pamilyar ang mambabasa.

Kaya lamang muli, may masama itong epekto. Kung nasa kabanata sampu na at wala pang nangyayaring kakaiba, sa tingin ko ay masyado na itong mabagal.

Kinakailangan ng rason ng mambabasa para magpatuloy magbasa at ikaw ang magbibigay noon sa pamamagitan ng kwento mo.

Grammar

Wala naman akong nakitang mali at masasabi kong malinis naman ang pagkakasulat.

Ngunit babalik ako sa sinabi kong tamang paggamit ng mga salita.

Ang mga salita din kasi ay kailangan na may tamang kombinasyon sa paggagamitan mong pangungusap.

Malalalim naman ang mga salita ngunit minsan ay hindi talaga ito umaangkop sa pangungusap. Naiiba kasi ang tunog o hindi maganda pakinggan.

Gawin mo siguro ay basahin mo ito ng malakas habang iniedit mo.

Paganahin ang imahinasyon, patuloy na magsulat!

Answer my Survey!

Rating; 8/10

3-23-18

From the Reader's POV (Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon