Critique #8
Fiction: NovelTitle: Unexpected
Genre: Teen Fiction
Author: hakzxxOverview
Simple lamang ang title at generic na ito o cliché. Nang mabasa ko ang kwento ay ang naging impresyon ko ay isang normal lamang itong 'TeenFction' story.
Bakit normal? Ang dahilan ay wala akong nakitang bago o masasabing makakapagstandout sa kwento.
Una ay sa Prologue, ang isang dapat tandaan ay ang Prologue ay hindi ang pagsisimula ng kwento. Ito ay ang magsisilbing teaser lamang at ang nakapaloob dito ay maaaring ang back story, mangyayari sa mga future chapters o di kaya'y ang konsepto ng nobela. Sa totoo lang ay mahirap talagang gumawa ng prologue, kaya kung di naman kailangan ay maaaring hindi na maglagay.
Characterization
Rayner
- Isang typical na badboy, playboy, walang modo, mayabang, at masungit. Ang character niya ay ang personalidad na paulit-ulit na lamang na mababasa mo sa wattpad. Again, walang bago. I think, you have to still make him unique. Put something that can make his character different. Pwede mo pa ding magstick ka sa totoong karakter niya pero maglagay ka ng iba, iyong kakaiba.
Cindy
- mabait na ate. Sa pisikal ay bulag siya. Wala pa akong naobserba dahil hindi pa siya nabanggit ng madami pero ganon ulit, make her character unique.
Dialogue
Una kong napansin ay wala kang bantas sa bawat hulihan ng dialogue, kailangan mo itong lagyan. Maaaring ilagay ang 'point' o 'comma' sa bawat magtatapas na dialogue bago ang quotation marks.
Kinulang ka din sa pagsasaad ng mga emosyon sa mga bawat nagsasalita. Mas nakagaganda ito ng isang akda. At napapalutang ang pagiging totoo ng mga karakter mo.
Halimbawa,
"Bakit hindi ka sumipot? Nagmukha akong tanga kakahintay sa'yo sa restaurant. At iyon pala nandito ka lang sa condo mo at naglalaro ng video games?" Mahabang litanya niya.
Sa isang dialogue sa taas, wala akong inilagay na kahit na anong verb hindi ba? Hindi mo mawawari kung galit siya o masaya. Well, in this case, you will relay on the sentences and base on that you can say she is mad. Masyadong simple lang din ang mga pangungusap.
But now, subukan nating dagdagan ng mga salita at ng mga nararamdaman o ginagawa niya habang sinasabi ito.
"Bakit hindi ka sumipot? Nagmukha akong tanga kakahintay sa'yo sa restaurant." Madiin at halatang nagpipigil na sigaw niya sa akin. Hindi ako sumagot at nanatiling nakasandal sa couch na kinauupuan ko. "At iyon pala nandito ka lang sa condo mo at naglalaro ng video games?" Halos hindi makapaniwala na saad niya habang nanlilisik ang mga matang pinasadahan ng tingin ang lamesa kong makalat.
Ngayon naman sa pangalawang eksena ay mas naging malinaw na galit ang nagsasalita. Nalaman mo din kung nasaan sila.
Nakakatulong din ito para mas lalong magmukhang buhay ang mga tauhan sa mundo na nilikha mo.
Conflicts
Normal na lang din ang back story. I mean, madami na kasi akong nabasa na ganito.
Pero magfocus ka sa mga susunod pa lalo na sa 'love' thing na sana ay bigyan mo ng bago.
Plot and Structure
Nakulangan lamang ako sa kung paano mo naexecute and eksena na halata talagang may nawawala pa sa loob non.
Ang Plot ay hindi bago. May mga anggulo din na hindi ko maintindihan. Maging sa mga eksena ay may mga bahagyang pagtalon. I think, you still have to know the outline of your concept.
Ang iaadvice ko sa iyo ay magplotting ka o kaya naman mag mapping para iyong thoughts mo makuha mo ng buo.
Pacing/Timing
Ang story mo ay may parts na masyadong mabilis iyong pacing at mayroon naman na ang bagal.
May mga consequences ang mga ito, kapag mabagal nakakaboring iyon. At kapag mabilis naman ay nakakaconfuse. Kaya mabuti na balansehin mo.
Grammar
Sinabi ko na kanina ang tungkol sa tamang paggamit ng bantas kaya hindi ko na ito isasali dito.
Una, iwasan ang taglish sa pagsasalaysay. Sa pagsasalita ay ayos lang ito. Kapag nagsimula sa Tagalog ay tapusin sa Tagalog, kapag naman sa English ay tapusin sa salitang din ito.
Lalo pa kung lalaki ang nagsasalita o nagsasalaysay o may POV dahil nawawala iyong pagiging lalaki nito.
May mga nakita akong mali sa nang-ng .
Atsaka = At saka , may space.
madada= madaldal, buuin.
Hoi = Hoy, y hindi I
Tanggalin na din ang sound effects, ilarawan na lamang ito.
At sa huli ng Kabanata 3, may mahabang spaces. Tanggalin na lang siguro iyon. I know, you want it to be suspence. But I tell you, it doesn't help at all. Use your words instead.
Ang mga edit recommendation ko lang ay siguro iyong Prologue, title, ang mga nakita ko sa Grammar, ang characterizations. Proofread it and you'll see the progress.
Ito ba ang unang kwento mo? Marami kang concept na pwedeng madagdag during the run and I know you can do it!
Keep on writing!
Answer my SURVEY!
Rating: 6/10
3-16-18
BINABASA MO ANG
From the Reader's POV (Open)
RandomA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon