Notice: Hi @MissShaleh, please messaged me I can't search you so I have to move on for the next request.
Kung magpapalit kayo ng username habang nasa list ko kayo ay abisuhan niyo ako dahil kapag hindi ko nakita ang account niyo sorry but I have to cancel your request.
Critique #19
FictionAstral Traveler by NamWarren, Paranormal
Wew, first time na Paranormal genre.
Overview
Hindi ako nagbabasa ng Horrors or Paranormal talaga sa wattpad pero nanonood ako. Thing is hindi nga kasi ako madaling matakot ng nababasa ko kaya hindi na lang ako nagbabasa.
But anaway, I have to give you my critique.
Astral Traveler, sa pagbabasa pa lamang ng title ay alam mo na agad o may background ka na agad sa content ng book.
Astral travelling is kinda scary and cool at the same time... same with Lucid dreaming. Cool siya in a way na makakapaglakbay ka sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan lamang ng iyong kamalayan pero mas nakakatakot siya kung iisipin.
I don't really know if it's real or not but I'm not here to give my own theory about it.
Ang gusto ko lang sabihin ay interesting ang topic lalo na sa nakakaexperience nito.
Characterization
Sino si Scott? His character isn't clear or let me rephrase it with you can't easily tell who he is.
May something sa kaniya na kakaiba or dahil lang sa ganito ang genre.
Maayos naman siyang naipakilala kaya lamang may mga bagay na hindi malinaw katulad ng kung ano ba talaga ang personality niya hindi kasi ganoong ka-consistent at hindi masasabi kung ano ang unique personality niya.
Setting
Ang storyline ay medyo kinakailangan ng masusing pagsasadula para makasabay kami sa mga nangyayari sa eksena.
May hindi din kalinawan sa parteng ito na kailangan mong ayusin pa. Katulad ng kung ano ang nakikita nila o kung nasaan sila mismo kapag nag-astral travel sila.
Dialogue
Katulad nga ng parati kong sinasabi konektado ang characterization sa Dialogue kaya dapat na malinaw agad ang karakter na pinoportray ng tauhan mo.
Hindi naman mahahaba at maiikli at sa nabasa ko hindi ganoong kadamihan pa.
POV
Sinulat mo ang kwento sa unang panauhan, hindi naman iyon mali kaya lamang parang minsan ay hindi ito nagtutugma sa bawat eksena at sa uri ng pagsasalaysay.
N
agiging awkward kasi kapag binabasa ng malakas.
Plot
Interesting ang plot, yes, kaya lamang may nakikita akong bahagyang loop hole o nakakalito. It can make a confusion or more than it when a reader doesn't really familiar with the whole astral travel thingy.
Isa pa ay hindi talaga malinaw ang pagpapaliwanag o pagpapahayag ng mga eksena lalo na sa pagpapabilis ng pacing nito, katulad nga ng sinabi ko may kinalaman din dito iyong paraan mo ng pagsasalaysay o ni Scott.
Sa subplots naman hindi ko pa madidistinguish kasi umpisa pa lang.
Sa totoo lang wala akong gaanong alam sa astral travelling kaya hindi ko din alam kung iyong informations tama ba but be careful about it.
Conflict
I really couldn't get it but I assume it's about Astral Travelling of course.
Grammar
Wala naman akong masyadong nakita pero sabihin ko lang ulit ay ang correct word usage ng mga salita para hindi awkward basahin lalo na kapag malakas, at iyong ellipsis dapat walang spaces.
. . . - wrong
... - correctSa Format of the text naman hindi naman mahahaba at maiikli ayos lamang.
I'll add Suspense Value
Dahil nasa ganito kang genre, work on this part. Iyong makakapagpagulat at makakamangha din sa mambabasa.
Pagtuunan mo din ng pansin ang emosyon na nais ipahiwatig ng mga tauhan.
Side note; Please do answer my survey.
My rating: 6/10
4-26-18
BINABASA MO ANG
From the Reader's POV (Open)
CasualeA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon