Kabanata 6 - Playboy Husband

1.6K 53 0
                                    

Thank you sa mga nagbabasa ng story na ito. Mag comment and Vote naman kayo jan oh.. Please?

Lexi's Point of View

Tapos na ang klase.

Inayos ko na yung gamit ko at sinuot yung backpack ko.

O_O

"Oh? Di ka pa uuwi?" tanong ko sakanya. Kaming dalawa nalang yung narito sa room.

"Who is he? Yung lumigtas sayo kanina.." sabi niya habang nakatutok ang tingin sa blackboard.

Kumunot yung noo ko.

"Ahh. Yung gwapo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

Napaatras naman ako ng bigla siyang tumingin sakin.

"Ay pisti! Kagulat ka naman! Bat ganyan ka makatingin?"

"Yun na ba ang gwapo sayo?!" tanong niya habang nakakunot ang noo at napatayo sa kinauupuan nya.

Problema nito?

"Maka-react ka! OA nito. Joke lang. Hindi ko alam kung gwapo yung itsura nya kasi hindi ko suot yung glasses ko nung niligtas niya ako.. Pero, yii kenekeleg eke! Crush ko siya! Weee!" tili ko habang tumatalon talon at pumapalakpak.

Nakita kong napangiwi si Karl sa mga sinabi ko. Psh.

Lumungkot bigla yung mukha ko ng may maalala ako.

"What's wrong? Bat ganyan mukha mo?" tanong sakin ni Karl.

"Hindi ko kasi alam yung pangalan nya eh." nakabusangot kong sabi.

Mukhang nainis naman si Karl sa sinabi ko at tinarayan ako.

Ano bang problema ng Bakulaw na toh?

"Taray mo! Makauwi na nga." sabi ko at lumabas na ng room.

O_O

"Oh? Sino ka?" tanong ko sa lalaking nakahandig ang likod sa pader na parang may hinihintay.

"Hi miss! Hahatid sana kita sainyo" nakangiti niyang sabi.

Sino naman toh? Napakagwapong lalaki.

Kumunot yung noo ko.

"Uhm.. Kuya, magkakilala ba tayo?" tanong ko.

Kumunot rin yung noo niya.

Lumabas naman sa classroom si Karl at napatingin sa lalaking kausap ko.

Nahalata kong sumama yung tingin ni Karl sa lalaki. Anyare sakanila?

"I'm sorry kuya. Pero, sino ka nga ulit?" tanong ko.

Nginitian niya ako. "Miss, ako yung lumigtas sayo kanina."

"OH? IKAW YON?! OMG ANG GWAPO MO NAMAN KUYA!" sigaw ko at pumalakpak.

He chuckled.

"Oo nga! Ikaw nga yung lumigtas sakin! Natatandaan ko pa yung napakasexy mong chuckle!" Napatakip naman ako sa bibig ko at namula sa kahihiyan

Shocks! Bakit sinabi ko yun? Nakakahiya!

"Tara na hatid na kita." sabi ni gwapo.

Tatango na sana ako ng sikuin ako ni Karl.

"ANO BA!!" Sigaw ko at tumingin sakanya ng masama.

Pinanlakihan naman ako ng mata ng bakulaw na toh. Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko magets.

Married to Mr.ChiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon