Karl's POV
Umuwi muna ako sa bahay at nagbihis.
Humanda ka sakin Megan Lui.
Kumusta na kaya si Lexi? Okay na kaya sya?
kriiiiing
Megan calling..
Bwisit na babae 'to!
"How dare you!"
[*evil laugh*]
"Walang hiya kang babae ka! Pinagtangkaan mong iparape ang asawa ko?! Isa kang demonyo!"
[I love you too. *evil laugh*]
*toot toot*
Binaba ko na yung tawag. Nababanas ako!
kriiiiing
Tita Mendez calling...
Si tita? Bakit naman sya tumatawag?
"Hello?"
[Pumunta ka sa hospital ngayon din. S-si Lexi..] tapos narinig ko yung pag iyak ni tita. Anong nangyari kay Lexi?
*toot toot*
Binaba ko na kaagad at tumakbo papasok sa kotse ko.
Wala akong pakialam kung naka stoplight pa, basta makarating lang ako sa hospital.
Tumakbo ako sa front desk..
"N-nurse.. Anong room ho ba si Lexi Chiu?"
"Sir, wala po sa list ang pangalang Lexi Chiu.. Ang narito lang po ay Lexi Mendez.. nasa room 123"
Mendez? Bakit Mendez ang inilista nila?
Aish! Tumakbo na ako papunta sa room na yun at binuksan ko agad yubg pinto.
Bumungad sakin ang parents ni Lexi na nakaupo sa sofa at yung mommy nya ay umiiyak.
Tinuon ko yung pansin ko kay Lexi.
Tulala siya. Lumapit ako sakanya..
"Lexi--"
"WAG KANG LALAPIT SAKIN! AHHH! WAG PO!" Sigaw niya at sumiksik sa gilid ng kwarto.
Anong nangyayari sakanya?
"Lexi, it's me.. Your husband." sabi ko habang inilalahad ko yung kamay ko sakanya.
Unti unti syang tumingin sakin at bigla syang natigil sa pag iyak.
"K-karl?"
"Yes. Ako 'to. Nandito lang ako." sabi ko at yinakap sya.
"S-si Harry?"
kumunot yung noo ko. Si Harry?
Tumingin ako sa mga magulang nya nang nagtatanong.
"Uhm.. Magpahinga ka muna Lexi ha? Sige na." sabi ko at inalalayan syang mahiga sa kama. Pumikit na sya at natulog.
Lumapit ako sa parents nya.
"Bakit nya hinahanap si Harry?" tanong ko.
"Harry ba yung pangalan nung lalaking nandito kanina?" tanong sakin ni tita.
"Siya yata yung naghatid kay Lexi rito sa hospital. Sabi raw nya, natraumatized raw ang anak namin dahil.. dahil pinagtangkaan syang irape sa parking lot ng mall." sabi ni tito.
"Laking pasalamat ko kay Harry dahil niligtas nya ang anak namin." sabi ni tita.
Bumigat nanaman yung loob ko. Palagi nalang si Harry.
Humanda talaga sakin si Megan..
---
Harry's POV
Asawa ni Lexi si Karl?
Paano? Bakit?
Bata pa naman sila diba?
After ko marinig yung mga salitang lumabas sa bibig ni Karl, umalis na ako roon at umuwi na.
Hindi pa ako makasigurado kung mag asawa nga sila. Kailangan ko muna silang pagmasdan bago ako maniwala kung totoo ngang mag asawa sila.
After 4 days, nakalabas na sa hospital si Lexi..Nakita kong sinakay ni Karl si Lexi sa kotse nito..
Sinundan ko sila..
Nagulat ako nang tumigil yung kotse sa harap ng bahay ni Lexi..
Pumasok na sila roon..
Naghintay pa ako ng ilang oras kung lalabas ba ng bahay si Karl..
Hatinggabi na, pero hindi pa rin sya lumalabas.
So, totoo ngang mag asawa sila? At nakatira pa sa iisang bahay?
Kaya pala parang matagal na silang magkakilala.
Kaya pala ayaw akong papasukin ni Lexi sa bahay nila.
Kaya pala minsan nahuhuli ko silang mag kasama.
Mag asawa nga talaga sila.
Bakit inilihim nila saakin 'to?
to be continued...
BINABASA MO ANG
Married to Mr.Chiu
JugendliteraturI'm sorry Lexi. But you are not deserving to have a husband like me. Damn girl, why do I feel so soft when I hear or see you cry? I may love you but don't force yourself to love a playboy like me. [COMPLETED] June 29, 2014 All Rights Reserved 20...
