Lexi's POV
Kasama ko si Harry ngayon at papunta kami sa mall. Yipee!
Ang boring kasi sa bahay eh tapos nakaka awkward kanina si Karl.
Halikan daw ba ako sa noo? Ano naman ibig sabihin nun? Pinaglalaruan lang kita? Psh.
Nagpark muna sya sa parking lot.
Pinagbuksan ulit ako ni Harry ng pinto at pumasok na kami sa mall..
Kumain muna kami ng lunch at naglaro kami sa arcade..
Habang naglalaro ako ng car racing, parang nararamdaman kong may nakatingin sakin.
Linibot ko yung tingin ko at may nakita akong taong nakahoody jacket at nakatingin sakin.
O_O
sino sya? Bakit nya ako pinagmamasdan. Kinikilabutan na ako..
"Lexi, are you okay?"
tinuon ko yung pansin ko kay Harry.
"May nakatingin kasi sakin. Parang pinagmamasdan ako." kunot noo kong sabi. Game over na nga ako sa car racing eh
"Sino naman?" aniya.
Tinuro ko yung direksyon malapit sa may entrance ng arcade. "Ayun oh--"
Pero wala na duon yung nakahoodie. Saan na yun nagpunta?
Tumingin si Harry sa direksyon na tinuro ko. "Wala naman eh. Hahaha baka namamalikmata ka na. Hala ka baka multo yun!" pananakot ni Harry
"W-wag ka nga manakot! H-hindi naman nga ko n-natatakot."
"Eh bakit ka nauutal?" aniya ng may nakaasar na ngiti.
"Psh. Tumigil ka nga. Tara na nga." alok ko sakanya.
Nagshopping kami ng foods at pumunta na sa counter.
Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Harry.
"What's wrong?"
"Naiwan ko yung wallet ko sa kotse. Dito ka lang I'll get--"
Pinigilan ko sya. "No. Ako nalang kukuha. Akin na yung susi."
"Are you sure?" aniya.
"Yep." sabi ko tapos binigay na nya sakin yung susi.
"Diyan ka lang Harry. Wait for me. Mahaba pa naman ang pila." sabi ko at pumuntang parking lot.
Naglalakad na ako papunta sa kotse ni Harry at binuksan ko iyon. Kinuha ko yung wallet nya sa drawer at sinara ang kotse.
"Psst.."
Shocks! Ano yun?
"H-harry?"
"Psst.."
"H-harry w-wag ka ngang manakot!" sigaw ko at tumakbo paalis.
Nagulat ako nang biglang may bumuhat sakin mula sa likod.
Pumiglas ako. "BITAWAN-- HMMMM!!" tinakpan niya yung bibig ko at dinala ako sa pinakagilid ng parking lot.
Walang tao rito! Anong gagawin nya sakin?!
Ilang beses akong pumiglas at ang lakas niya..
Binalibag ako nitong lalaki sa gilid.
"Aaack!" nagasgas yung braso ko.
Napaupo rin ako sa sahig dahil dun.
Tinignan ko yung lalaki at siya yung nakita ko sa arcade na nagmamasid sakin!
BINABASA MO ANG
Married to Mr.Chiu
Ficção AdolescenteI'm sorry Lexi. But you are not deserving to have a husband like me. Damn girl, why do I feel so soft when I hear or see you cry? I may love you but don't force yourself to love a playboy like me. [COMPLETED] June 29, 2014 All Rights Reserved 20...