Kabanata 17 - Goodbye

1K 33 2
                                    

Lexi's POV

"Hmm.."

Kinapkap ko yung katabi ko, pero wala akong mahawakang Karl.

Minulat ko yung mata ko at nagulat ako ng wala siya sa tabi ko.

Saan siya nagpunta?

Kinusot kusot ko ang mata ko at biglang nag ring yung phone ko.

Husband calling...

Napangiti ako. "Hello? Karl? Asan ka?" 

[Come to this address. Itetext ko sayo]

*toot toot*

Kumunot yung noo ko. Bakit ang cold niya?

*bzzzzt*

Binasa ko yung message na narecieve ko galing sa asawa ko. Hindi ko alam kung saang address ito.

Kaya tinawagan ko si Harry kung pwede niya akong samahan papunta roon.

Pumayag naman sya kaya nagbihis na ako.

Bumaba na ako sa hagdan at lumabas ng bahay. Laking gulat ko ng naghihintay na agad si Harry sa labas.

"Ang bilis mo naman." sabi ko at pinagbuksan niya ako ng car door.

"Haha the flash kasi toh." aniya at nag pogi sign. Psh haha

"Saang address?" tanong ni Harry.

"Heto oh.." pinakita ko sakanya yung phone ko.

"Ahh. Alam ko kung saan yan." aniya at pinaandar na ang kotse.

* * *

"Dito na tayo." sabi ni Harry.

Maganda ang bahay na 'to. Ngayon lang ako nakapunta rito pero bakit ako pinapapunta rito ng asawa ko?

"Nandito ba asawa mo?" tanong ni Harry.

O_O

"Anong sabi mo?" gulat kong tanong.

"Psh. Hahaha matagal ko nang alam. Hahaha you should've seen your face. Haha." aniya at tawa ng tawa.

"Tsk. Ewan ko sayo. Ge jan ka muna ha." sabi ko at pumasok sa bahay na iyon.

Pagkapasok ko palang, bumungad sakin ang malalaking display na pictures ng isang magandang babae.

Wow! Mukha siyang model.. Ang ganda niya naman!

"Lexi." narinig ko yung boses niya kaya napatingin ako sa direksyon niya.

Kumunot ang noo ko dahil may kasama siyang babae. Yung nasa picture.

"Karl." sabi ko at lumapit sakanila.

"She's Megan Lui." poker face na sabi ni Karl habang tinuturo yung magandang babaeng nakapulupot ang mga kamay sa braso ng asawa ko.

Mas lalong kumunot yung noo ko.

Ano bang pinapahiwatig nila sa mga galaw na yan?

Tinaasan ako ng kilay nitong babae at inirapan ako. Aba! Problema nito?

"Karl.. Bakit nandito ka? Bakit mo ako iniwan sa bahay?" tanong ko.

"I'm sorry.. Sinadya ko talagang iwan ka.." poker face pa rin siya.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang kinakabahan.

Masama ang kutob ko ngayon.

"Pinapunta kita dito dahil--"

"Because makikipaghiwalay na siya sayo." pagsusulpot nung babae.

Nanlaki yung mata ko at napahawak ako sa puso ko.

"A-ano? H-hindi.. Diba hindi naman Karl? Sabi mo mahal mo ako, sabi mo hindi mo ako iiwan diba?" naiiyak na ako pero tinitiis ko nalang.

Sinusubukan kong tignan sa mata si Karl pero hindi siya makatingin sakin.

"Karl! Tumingin ka sakin! Diba sinabi mo yun?! Magsalita ka! Tignan mo ako!" sigaw ko habang yinuyugyog ang braso niya.

Tinignan niya ako sa mata. "Hindi kita minahal. Hindi kita mahal." matigas niyang sabi.

Napabitaw ako sa braso niya. Parang gumuho naman yung mundo ko.

"A-anong--S-sabihin mong hindi yan totoo! Sabihin mo please!" sigaw ko.

"Totoo ang sinasabi ko." aniya at umiwas ng tingin sakin.

"NO! NO! Karl please! Wag mo naman akong ganituhin!" patuloy pa rin ako sa pag iyak.

Nakita kong nag smirk yung babae.

"IKAW! Walang hiya ka! Sinunsunan mo siguro ang asawa ko! Hayop ka--" sasabunutan ko na sana yung Megan kaso nagulat ako ng tinulak ako..

Tinulak ako ni Karl..

Naghalandusay ako sa sahig at napahagulgol ako sa iyak..

"LEXI!" narinig kong sigaw ni Harry at tinulungan akong tumayo.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko at pumiglas sa hawak ni Harry..

Lumapit ako kay Karl habang nakaluhod at naka-prayer sign.

"Karl.. Please..P-please! W-wag mo akong iwan! M-mahal na mahal kita! Di ko.. D-di ko kakayanin kung m-mawawala ka sakin! Bumalik ka na please!" nakaluhod pa rin ako at nagmamakaawa sakanya.

"Tigilan mo na ako Lexi. Di na kita mahal." mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Nanlumo ako sa sinabi niya. Para akong mahihimatay. Hindi ko na kaya 'to.

"Karl.. Wag mo namang gawin saakin ito oh!" singhal ko at yumakap sa tuhod niya.

"Lexi.. Tama na yan!" narinig kong sabi ni Harry at pinipigilan ako sa ginagawa ko.

"A-ayoko! H-hindi ako aalis k-kapag hindi s-sumama sakin a-ang asawa ko!" sigaw ko ulit habang nakayakap sa tuhod ni Karl.

Naramdaman kong hinawakan niya yung braso ko at tinulungan akong tumayo.

Tinignan niya ulit ako sa mga mata ko. "Tigilan mo na yan Lexi. Ikaw lang ang masasaktan. Sasama na ako kay Megan." sabi niya at binitawan na ako.

Nakita kong may mga dala silang maleta.

"S-saan kayo p-punta?! Karl! Wag please! Wag mo akong iwan!" sigaw ko habang hinahabol at hinihila siya pabalik.

"Bitawan mo ako Lexi. Tama na. Ayoko na. Maghiwalay na tayo." mahina niyang sabi.

"A-ano bang g-ginawa ko s-sayo? B-bakit ka n-nakikipaghiwalay sakin?" nauubusan na ako ng hininga sa kakaiyak.

"Isa akong playboy Lexi. Alam mo yan. At hindi ako nagseseryoso sa isang babae." aniya at pumasok na sa kotse kasama si Megan.

"A-ano? NO! Karl! Wag mo akong iiwan dito! KAAAAAAAARL!" sigaw ko habang hinahabol yung kotse.

Nadapa ako dahil natapilok ako sa kakatakbo.

Napahagulgol nanaman ako sa iyak. "KAAAARL! WAG MO AKONG IIWAN!"

"Lexi.. Shh tama na yan. You don't deserve a man like him." sabi ni Harry at niyakap ako.

Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ni Harry.

Iniwan ako ng taong mahal ko.

to be continued...

Married to Mr.ChiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon