Lexi's Point of View
Kawawa naman si Karl HAHAHA hihila hila kasi ng sexy, bakla pala! Hahaha
Napaghahalataan tuloy siya na plinano nyang humila ng iba para pagselosin ako or something?
Teka--hindi. Kung totoong babae yun, bakit naman ako magseselos? Wala naman akong feelings sakanya diba?
After nung tawanan namin, pumunta kami sa arcade. Ang saya kasi habang nag cacar racing kami ni Harry, tawa kami ng tawa kahit na hindi kami nagsasalita hahaha
Yung mukha kasi ni Karl eh. Hahaha ang dakilang playboy ay takot sa bakla! Hahaha
Kumain na rin kami ni Harry at nagpasyal pasyal.
7pm na ng iuwi nya ako sa bahay.
Bumaba na kami ng kotse at hinatid nya ako sa may pinto.
"Thanks Lexi. I really had a good time witg you." nakangiti niyang sabi.
"Salamat din Harry. Masaya ako ngayon dahil nakasama kita. Sana ikaw nalang yung naging asawa ko."
O_O
Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Shit!
"Huh?"
"Hehe. What I mean is, s-sana.. na sana ikaw nalang yung naging asawa ko.. sa.. sa p-panaginip ko.. Oo! Ganun nga. Hehe" palusot ko nanaman.
Ngumiti siya. "Oo sana nga. At sana ako rin maging asawa mo in the future." then he chuckled.
Sana nga Harry, sana. Pero hindi na yata yun mangayari.
Ngumiti nalang ako at tinignan ko ang kanyang mga mata.
Naramdaman kong nilagay nya ang kanyang palad sa pisngi ko..
Then, he gave me a kiss. On my lips.
O_O
"Good Night Lexi. Next time ulit. Sana makahanap pa ng bakulaw si Karl hahaha. Bye!" kumaway sya sakin at sumakay na sa kotse nya at umalis na sya.
Gosh! He kissed me!
Pumasok na ako sa bahay at nilapag sa mini table yung purse ko.
"KYAAAAAAAAA!" Sigaw ko. Feeling ko nga nabasag na yung glasses ko at mga bintana eh.
Ang lapad lapad ng ngiti ko ngayon!
Nagulat ako ng patakbong bumaba si Karl sa hagdab habang may dalang dustpan.
"ASAN? ASAN ANG BAKULAW? ANONG NANGYAYARI?!" natataranta niyang sabi.
Humagalpak naman ako sa tawa. Para siyang baliw!
"What's so funny? And why were you screaming?" tanong niya.
"You should have seen your face Karl! Hahahaha!" tawa pa rin ako ng tawa habang nakahawak ako sa tiyan ko.
"Whatever Lexi. Bat ka sumigaw?"
Ay oo nga pala!
"KYAAAAAAA~"
"ANO BA LEXI WAG KA NGANG SUMIGAW!!" Sigaw niya habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga.
"Ikaw rin naman ah. Sumisigaw ka rin."
"Don't care. Ano nga kasi yang pagtili mo jan?"
"Karl kasi.. Kasi.. HINALIKAN AKO NI HARRY SA LIPS! KYAAAAA kenekeleg eke hihihi" sabi ko habang tumatalon talon at nakahawak sa mapupula kong pisngi.
Kumunot naman yung noo nya at tinapon yung hawak nyang dustpan sa kung saan.
"Bakit ka nagpahalik? Dapat tinulak mo! Lexi may asawa ka na bakit kapa nakikipaglandian?!" sigaw nya sakin.
Napalitan ng galit yung kilig ko.
Tumawa ako. Yung fake laugh. "Ang sama mo. Try mo kayang itanong sa sarili mo yang mga salitang sinupalpal mo sa mukha ko?! Nahiya naman ako sayo Karl! Smack lang naman yon!"
"Kahit na! Hindi mo sya boyfriend!" pagdadabog niya.
"Bakit ganyan ka makapagsalita? Tingnan mo nga sarili mo Karl! Kung makapagsalita ka parang hindi ka nambababae!"
"Urgh! Damn it Lexi! Wag mong idamay ang pagkaplayboy ko sa kalandian mo!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Tumulo na yung luhang tinitiis kong wag ilabas kanina pa.
Nahalata ni Karl na umiiyak na ako kaya lumapit siya sakin. "L-lexi. I'm sorry. I didn't mean to--"
*PAK*
"HOW. DARE. YOU. How dare you! Ako pa yung sinabihan mong malandi! Walangjo ka! Putahamnida ka!!" sigaw ko habang pinapalo palo ko yung dibdib nya.
Pinipigilan nya naman ako. "Lexi sorry. Sorry.."
"Walang hiya ka! Halika nga dito natutuwa ako sayo papatayin kita!!"
Sasabunutan ko na sana siya ng hawakan nya ang dalawang braso ko and he pinned me on the wall.
"I'm sorry okay?!" sigaw nya.
Mas lalo akong naiyak.
"Karl, ang sakit nung sinabi mo. Hinding hindi ako makikipaglandian kay Harry.. dahil.. kahit nahuhulog na ako sakanya pinipigilan ko pa rin dahil alam kong may asawa na ako! Ang hirap pigilan ng nararamdaman para lang maging loyal akong asawa sayo! Sinusubukan kitang mahalin Karl! Pero lagi mo akong binibigyan ng motibo na hindi ka karapatdapat na mahalin dahil puro LARO lang ang nasa isip mo! Pakiusap naman Karl," kumalas ako sa hawak niya at lumayo ng konti. "K-kahit hindi mo ako kayang mahalin, respetuhin mo nalang ako bilang asawa mo. Yun lang ang hinihingi ko! Magtino ka naman kahit konti! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako, dahil ba sa tinawag mo akong malandi, o dahil ba sa hindi natin kayang mahalin ang isa't isa bilang mag asawa?"
Nakatingin lang sya sakin. Hindi sya nagsasalita.
"Sana naman pag isipan mo ang mga sinasabi mo Karl. Sino kaya saatin ang malandi?" sabi ko at tumalikod na para umakyat sa kwarto ko.
"Kung nahihirapan ka na sakin, wag ka nang magdalawang isip pa na mag file ng annulment para hindi ka na masaktan." malamig niyang sabi.
Parang pinilipit yung lalamunan ko sa sinabi niya.
Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at doon ko nilabas ang sama ng loob ko.
"W-walang hiya talaga! U-utusan daw ba akong mag f-file ng annulment? Putahamnida ka talagang p-playboy ka."
Pero bakit mas lalo akong nasaktan nung sabihan nya akong mag file ng annulment?
Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko ngayon.
---
Karl's Point of View
"Kung nahihirapan ka na sakin, wag ka nang magdalawang isip pa na mag file ng annulment para hindi ka na masaktan."
Malamig kong sabi.
Alam kong nasasaktan na sya sa mga ginagawa ko, pero para hindi na sya masaktan pa, makipaghiwalay nalang siya sakin diba?
Pero bakit parang nasaktan din ako sa mga sinabi ko sakanya?
Bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko syang umiiyak?
I can't understand why I overreact when I see her happy with Harry.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh.
Nasaktan ko nanaman si Lexi.
Ilang bese ko na syang pinaiyak.
Nagsisisi na ako sa mga sinabi ko at ginawa ko sakanya.
Babawi ako, Lexi.
---
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Married to Mr.Chiu
Ficção AdolescenteI'm sorry Lexi. But you are not deserving to have a husband like me. Damn girl, why do I feel so soft when I hear or see you cry? I may love you but don't force yourself to love a playboy like me. [COMPLETED] June 29, 2014 All Rights Reserved 20...