Kabanata 9 - Bitter

1.3K 43 1
                                        

Lexi's POV

Umaga na at panibagong araw nanaman..

Baka paiyakin nanaman ako ni Karl..

Bumangon na ako para mag almusal.

Nasa hagdan palang ako nang may maamoy akong masarap..

Sinundan ko yung bango at dinala ako nito sa kusina..

Laking gulat ko ng nagluluto siya..

Samahan mo pa ng pink apron na suot niya ngayon..

Naramdaman nya yatang nandito ako kaya tumalikod sya..

"G-Goodmorning Lexi.. Uhm.. I cooked you some pancakes." nakangiti nyang sabi.

Napapangiti na ako pero hindi ko iyon pinakita. Blanko lang yung ekspresyon ko.

Umupo na ako sa dining table at binigay nya sakin yung pancakes at nilagyan nyang syrup..

Umupo na rin siya, at ganun rin ang ginawa nya para sa sarili nya.

"L-Let's eat. hehe"

Tinitigan ko lang sya at hindi umimik.

Narinig kong may bumusina sa labas. Si Harry na yata yun.

Umakyat ulit ako para maligo at magbihis ng uniform.

Bumaba na ako. Sumulyap ako kay Karl para magpaalam, pero walang lumabas na salita sa bibig ko

Nagkatitigan lang kami at ako na yung umiwas ng tingin.

Lumabas na ako.

"GoodMorning Prinsesa! C'mon let's go to school together." nakangiti niyang sabi at pinagbuksan ako ng passenger seat.

Nginitian ko si Harry at sumakay na sa kotse at hindi na lumingon pa sa pinanggalingan ko.

---

Nasa school na kami at hinatid ako ni Harry sa room.

After ilang minutes, dumating na si Karl at umupo na sya sa upuan niya.

Nagkatitigan ulit kami.

Himala, wala syang dalang babae.

Umiwas ako ng tingin at nakinig nalang ako sa prof.

Nararamdaman kong may nakatingin sakin, based on my peripheral vision, nakita ko si Karl na titig na titig sakin..

Hindi ko sya tinignan at nag concentrate nalang sa lesson.

Bakit ba titig na titig sya sakin?

---

Lunch time na at mag isa lang ako sa canteen.

Nagbabasa ako ng libro ng may umupo sa tabi ko.

Inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Harry at Karl.

"Hi." sabay nilang sabi habang nakangiti.

Tapos humarap sila sa isa't isa and they glared at each other.

Psh.

Hindi nalang ako nagsalita at nagbasa ulit.

"Hoy Harry ikaw na mag order ako na bahala kay Lexi." utos ni Karl.

"Makautos ka. Ikaw nalang kaya umorder." sabi ni Harry.

At ayun! Nagbangayan sila!

Naririndi na ako kaya tumayo ako at binagsak ang libro.

Nagulat naman yung dalawa.

Married to Mr.ChiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon