Kabanata 7 - Bakulaw

1.3K 45 5
                                        

Lexi's Point of View

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw.. Umaga na..

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at masakit ito..

Natatandaan ko pa, umiyak pala ako kagabi ng dahil sakanya.

Walang hiya, utusan daw ba akong mag file ng annulment papers?

Psh. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak, siguro halo halong emosyon yung natamo ko.

Nagkibit balikat nalang ako at naligo na..

Aalis pala kami ngayon ni Harry.. Buti pa si Harry noh? Sana siya nalang yung naging asawa ko..

Bumaba na ako at naabutan ko si Karl, umiinom ng kape habang nanunuod ng TV.

Hindi ko siya pinansin.. Tinapay lang yung kinuha ko at pumunta na ako sa may pinto..

Iikutin ko palang yung doorknob nang may nagsalita..

"Saan punta mo Lexi?" Malambing niyang sabi..

Kumunot naman yung noo ko..

"Uhm.. May pupuntahan kami ni Harry." Sabi ko pero hindi pa rin siya hinaharap.

Hinintay kong sumagot siya pero hindi na siya nagsalita.. Binuksan ko na yung pinto..

"I-ingat ka.." Pahabol niya.

Sinara ko na yung pinto at napangiti naman ako.

"Lexi!" Sigaw ni Harry at kumaway sakin..

"Oh! Hi Harry! Good Morning!"

"You're so pretty today. Uhm, pwede ba makiinom? Uhaw na ko eh." Sabi niya at hinawakan yung doorknob..

O_O

"WAG!" Sigaw ko.

Napatingin naman sakin si Harry..

"I mean.. A-ako na kukuha ng tubig.. Hehe dito ka lang? Ha?" Kinakabahan kong sabi baka makita niya si Karl sa loob!

"May tinatago ka noh?" Tanong ni Harry at ngumiti sakin..

Nanlaki yung mga mata ko at umiling iling bilang sagot..

"Okay!" Sabi niya at biglang binuksan yung pinto..

Napapikit ako at nagsimulang magdasal at magsamba ng mga santo..

Santo papa, Santo mama, Santo ate, Santo kuya, Santo baby..

Binuksan ko na yung mga mata ko at..

Wala si Karl sa living room..

Hoo what a relief ~

Dumiretso si Harry sa kitchen at uminom ng tubig..

Wow. Feel at home siya! Hahaha

"Uhm.. Harry bilis na.." Sabi ko sakanya.. Baka kasi maabutan niya si Karl.

Tumingin ako sa dining table at nakita ko yung kapeng iniinom kanina ni Karl.

"Bakit hindi mo inubos yung kape mo?" tanong ni Harry.

"Uhm.. Uh k-kasi mapait eh. hehe." palusot ko.

"Saakin nalang ah? Sayang naman kung di mo uubusin." nakangiti nyang sabi at linagok yung kape ni Karl.

"AHHH SARAP TALAGA NG KAPE!" nakangiting sabi ni Harry.

Napaface palm nalang ako.

"Tara na alis na tayo." pag aalok ko.

Married to Mr.ChiuMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon