Kabanata 14 - Harry's POV

1K 42 0
                                    

Harry's POV

Hindi pa rin ako nakukuntento.

Medyo naiinis rin ako kasi naglihim sila sakin.

Lalong lalo na si Lexi. Akala ko single siya.

Akala ko nahuhulog na siya sakin.

Akala ko may pag asa na ako sakanya.

Akala ko lang pala.

Pumunta ulit ako sa bahay nila.

Kumatok ako sa pinto at bumungad sakin si Karl.

Nanlaki yung mga mata niya noong nakita niya ako.

"H-harry.." nauutal niyang sabi.

"Can I come in?" tanong ko sakanya.

"S-sige." aniya at pinapasok ako.

Umupo ako sa sofa.

Pagtingin ko sa side table, nandun yung wedding picture nila.

Hindi ko ito nakita dati. Siguro tinatago nila.

Nasa harap ko ngayon si Karl at nakatingin siya sakin.

"What are you doing here? What's your purpose?" aniya.

I just smirked. "Mag asawa pala kayo." sabi ko.

Nanlaki yung mata niya. "H-how--"

Hindi niya pa natatapos ang pagsasalita niya, tinuro ko na yung wedding picture nila.

Napa face-palm naman siya.

"Boom tanga. Wag na kayong maglihim sakin. Ngayo'y alam ko na. Kumusta si Lexi?" cold kong tanong.

"She's upstairs. Sleeping. Kagabi nga tulog siya pero sigaw siya ng sigaw. She was really traumatized." malungkot na sabi ni Karl at umupo sa sofa.

Bumuntong hininga ako.

"Pwede ba akong umakyat sa kwarto niya?" tanong ko.

"NO!" aniya at sinigawan ako.

Napangiwi naman ako. "Kalma ka lang bro. Sus. Syempre kasama ka paakyat sa kwarto. Alangan solo akong pumunta roon? Baka mapatay mo pa ako." sarkastiko kong sabi.

Inirapan ako ni Karl at umakyat na sa hagdan. Sumunod naman ako.

Binuksan niya yung pinto ng kwarto ni Lexi at nakita ko siyang nakaupo sa corner ng room.

Lumambot yung ekspresyon ng mukha ko. Naaawa ako sakanya.

Nagulat si Karl sa nakita kaya lumapit agad siya kay Lexi.

"Lex--"

"AAAHHHHHH! Wag po! Wag po! Wag kang lalapit! Ayoko na!" sigaw ni Lexi habang nakatakip ang mga kamay sakanyang tenga.

Karl lifted her chin up.

"Lexi.. Look at me.."

Pero nakapikit pa rin ito na parang takot na takot.

"Lexi.. Please look at me.. Open your eyes please.." malungkot na sabi ni Karl..

Nakita kong may butil ng luha na lumabas sa mata niya. Umiiyak si Karl?

Unti unti namang iminulat ni Lexi ang kanyang mga mata at napahagulgol sa iyak noong nakita niya si Karl.

"K-Karl? Karl... A-ayoko na.. P-palagi na a-akong nananaginip.. tungkol.. tungkol.. duon--"

"Shhh. Hush now. Nandito lang ako. Wag ka nang umiyak. Tahan na." sabi ni Karl at pinahid ang mga luha ni Lexi at yinakap ito ng mahigpit.

Napayuko naman ako.

Sana ako na lang yung asawa mo Lexi.

After nila magyakapan..

Inalalayan ni Karl si Lexi na mahiga sa kama..

"Just rest okay?" malambing na sabi ni Karl at hinalikan sa noo si Lexi.

Parang kinukurot naman yung puso ko.

Humihikbi pa ring nagsalita si Lexi. "A-ayaw ko m-matulog.. B-baka.. Baka lumabas n-naman sa p-panaginip ko.. y-yung ginawa.. ginawa n-nung gago.. nung gago! YUNG GAGO!! GAGO SIYA!!" sigaw ni Lexi at pinalo palo ang dibdib ni Karl..

Lumapit ako sakanila para pigilan si Lexi. Sinusumpong nanaman siya..

"Walang hiya!! Binaboy ako! Binaboy ako! Ayoko naaaa!" sigaw pa rin siya ng sigaw.

Hinawakan ni Karl ang dalawang kamay ni Lexi. "Lexi! Open your eyes!" aniya.

Bigla namang minulat ni Lexi ang mata niya at humagulgol nanaman sa iyak at yumakap saaming dalawa ni Karl..

"B-binaboy a-akooo.." bulong ni Lexi habang umiiyak at nakayakap pa rin saaming dalawa ni Karl.

Nakita kong pumikit si Karl at umiyak ng tahimik.

Naaawa ako sa kalagayan ni Karl. Nahihirapan na siguro siyang nakikita si Lexi ng ganito.

Pero mas nakakaawa si Lexi.. Kapag pinipikit niya ang kanyang mga mata at kapag naaalala niya yung nangyari, sinusumpong agad siya..

Kumalas ako sa yakap ng dalawa at hinayaang silang mag asawang mag yakapan.

I think I must go.. Kaya naman na siguro ni Karl na alagaan ang asawa niya..

Wala na. Sira na ang pangarap ko. Hinding hindi na mapapasakin pa si Lexi dahil may asawa na siya. If I could turn back time and make her be my wife, dapat ginawa ko na. Sana gumaling na siya. At sana maging masaya siya sa piling ni Karl.

Siguraduhin mo lang na hindi mo papaiyakin at sasaktan si Lexi. Kundi malalagot ka sakin Karl Chiu. Hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo.

---

Very Short UD!

Vote and Comment guys!

Married to Mr.ChiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon