Kabanata 5 - Sapol

1.4K 59 0
                                    

Lexi's Point of View

"Shh.. Tama na. Wag ka nang umiyak. Please?"
Tanong saakin nung lalaki. Nandito kami sa likod ng school.. Walang tao dito kundi kami.

Hindi ako sumagot bagkos mas lalo pa akong umiyak..

Lagi kong tinitignan ang mukha niya pero hindi ko ito maaninag..

Teka-- YUNG GLASSES KOOO!

"Yung glasses kooooo!" Singhal ko habang umiiyak..

"Ha? Glasses mo? Ay oo nga pala.. Naiwan mo yata sa caf. Teka, kukunin ko." Aniya pero pinigilan ko siya.

"Wag na po kuya.. Dito ka lang."

Nakita kong ngumisi siya sakin.

Kumunot naman yung noo ko..

Tatayo na sana ako kaso sumakit yung sikmura ko.. Dahil siguro sa sipa nung dalawang hipon kanina.

"Oh.. Slow down." Aniya at lumuhod sa harapan ko habang nakatalikod siya sakin.

"Oh? Anong ginagawa mo jan?" Sabi ko habang nanliliit ang aking mga mata para malinawan.

"Sakay." Aniya.

"H-huh?" Anong sakay?

Tumingin ako sa paligid pero wala namang sasakyan dito eh..

I heard him chuckle at tinuro niya yung likod niya..

"Sakay ka sa likod ko, miss. Para hindi ka mahirapang lumakad." Aniya..

Ahhh.. Sasakay pala sa likod niya.. Teka-- ANO?!

"N-naku kuya, wag na po.. Salamat po pala sa pagligtas mo saakin. Ano ang gusto mong kapalit?" Tanong ko.

Tumayo naman siya at nilagay niya yung hintuturo niya sa kanyang lower lip na pawang nag iisip..

Nakikita ko naman siya kaso nga blurred lang.. Hindi ko makuha ang itsura ng mukha niya..

"Aha!" Sabi niya na parang may lumabas na light bulb sa ibabaw ng ulo niya..

"Be my friend.. And.. Sumakay ka sa likod ko para makapunta na tayo sa clinic. Dali!" Masaya niyang sabi at lumuhod ulit..

Bumuntong hininga nalang ako.. "Okay." At sumakay sa likod niya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao at tumago nalang ako sa balikat niya..

I heard him chuckle.. Again..

Bakit parang.. Ang sexy niyang mag chuckle?

O__O

Anong inisip ko?

Pinilig ko ang ulo ko at umiling iling..

"Hey, are you alright?" Aniya.

"H-ha? Ah, Oo. Oo naman." Sabi ko nalang at hinintay na makapunta kami sa clinic.

Pinaupo niya ako sa hospital bed at siya yung naglinis nung mga scratches na natamo ko galing sa mga hipon na yun..

Ang tatalim ng mga kuko! Parang mga witch!

Tapos sinuklay niya yung buhok ko.. Siya yung pangalawang lalaking sumuklay ng buhok ko..

Una si Dad, sunod siya.. Napangiti ako..

Chineck ng nurse kung okay lang ba yung stomach ko dahil sa sipa nung dalawang hipon..

"Hindi naman masyadong malalim yung pagkakasipa sakanya. Kailangan wag lang siyang gumalaw-galaw para hindi ulit sumakit." Sabi ng nurse.

Married to Mr.ChiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon