The Day Of War:
Queen Cathlina's POV
"Mahal na Reyna! Kailangan nyo na pong umalis, nandito na po ang mga kalaban!" Sabi ng kawal. Ngayon gaganapin ang makasaysayang digmaan sa buong elemental world. Ang aking asawa na si King Arthuro ay nakikipag laban.
"Hindi kami aalis ng aking anak!" Itutuloy ko na sana ang aking sasabihin. Ngunit merong sumabog na bomba sa labas ng kaharian. At dumating ang aking asawa.
"Mahal ko, umalis na kayo ni Kathryn dito." Mahin-hin na tugon ni Arthuro.
Hinding-hindi ko sya iiwan. Hanggang kamatayan.
"Hindi! Kawal tawagin no si Brenda, ngayon din." Utos ko at tumango sya bilang sagot.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Arthuro.
"Ilalayo ko ang ating anak. Sya lang naman ang gustong kunin ng mga Villianians para masakop nila ang buong ELEMENTAL WORLD. At wag ka nang magtanong pa kung paano nya tayo makikilala dahil may isusuot ako sakanyang kwintas ang Elemente Cristales. At parati nya tayong mapapanaginipan." Mahaba kong sagot.
Nang dumating si Brenda ay isinuot ko na sa kanya ang Elemente Cristales at hinalikan ang noo, ganun din ang ginawa ng kanyang ama. Binasbasan din namin ang aming anak na si Kathryn.
"Brenda, nais ko sanang alagaan mo sya ng mabuti at palakihin sya matiwasay. Kung nagtatanong sya kung sino ang kanyang totoong magulang tanggihin mo lamang sya at wag sagutin ang tanong nya. Pagsapit nya sa edad na 17 ilipat mo sya ng eskwelahan sa Element Academy. Alagaan mong mabuti ang aming anak." Tugon ko habang umiiyak. Na ngayon ay umiiyak narin si Arthuro.
"Opo mahal na reyna't hari. Ang inyong utos ay aking gagawin." Sabi ni Brenda.
Gumawa na ko ng Portal papunta sa mundo ng mga tao. Pinagmasdan ko sila ni Brenda umalis hanggang sa nawala na sila sa aming paningin.
Ito lang ang aking huling nasabi...
.
.
.
.
.
"Sa huli nating pagkikita. Kathryn Allyzsa Jade Saurez. Our Heiress and Our Legendary Princess."
----------------------------------------------------------------------
Done Hope You Like It.💖
Lablots~
-melajoyce16
BINABASA MO ANG
The Elemental Academy: The Lost Long Legendary Princess
FantasyMeet Kathryn Allysza Jade Suarez, Cold? Medyo lang. Masayahin yan pero minsan lang. Natuto syang magmahal dahil kay Prince Daniel A.K.A Bebe nya daw. Suportahan nyo po ang story at sabay nating sugpuin ang masasamang kalaban ng ating The Long Lost...