Daniel's POV
Continuation...
(Author: sensya na po kung mali. Hahaha. I try my best naman po. Hope you like it.)
*Kinabukasan*
"Kuya, punta lang kami ng mall. Para makuha na yung gown ni Kath para sa debut nya." Sabi ni Saph. Oo nga pala, 1 araw nalang debut na ni Kath.
"Ah sige, magiingat kayo ha?" Sabi ko.
"Oo naman. Babantayan ko tong si Saph." Sabi ni Cold sabay kindat kay Saph. Eto namang si Saph kinikilig, halata kaya yumuko e. Kaya natawa nalang ako
"Hahahahahaha!" Tawa ko kaya napatingin si Saph sakin pero kunot-noong tumingin sakin.
"Why are you laughing?" Curious nyang tanong.
"Pfft! Nothing. Go ahead, baka mamaya di nyo na makuha ang gown ni Kath." Sabi ko.
"Okay, bye kuya." Sabi ni Saph at kiniss nya ko sa pisnge. Uy! Wag GM si Kath lang hahalik sa labi ko. Wahahaha. Charot.
Nang makaalis sila pumasok na ako sa kwarto ni Kath kung san sya na check-in. Hayup. Parang hotel lang e no?
Nakita ko sila Beatrice at Joel, naguusap sila mukhang seryoso. Kaya naki-tsismis muna ako bago pumasok.
"Kailangan ng magising ang prinsesa." Sabi ni Beatrice.
"Magigising din sya. Minamanmanan na natin sya simulanpa nang bata sya hanggang ngayon. Tayo ang inatasan ng hari't reyna para batayan sya at si senior/council brenda naman ang inatasang alagaan at palakihin ng matiwasay. Manalig ka lang sa diyos at magiging din sya." Sabi ni Joel. Ano?!
*Boogsh*
Uh-oh. °-°
"Sino yan?!" Sigaw ni Beatrice.
"Meow..." Ungol ko.
"Pusa lang pala. Jusko!" Sabi ni Beatrice.
"Shhh, wag kang maingay di yan pusa. Minamalikmata lang tayo ng nilalang na yan. Kung sino ka man lumabas ka at magpakita!" Sigaw ni Joel. Nagpakita na lang ako. Kaya nagulat sila ng makita nila ako. Ano ako?! Multo?! Pero pogi. Wahahaha.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Beatrice.
"Ah oo, pupuntahan ko sana si Kath dito ng makita ko kayong seryosong naguusap." Sagot ko sabay tingin sa tulog na si Kath. Napakaamo ng mukha nya, pero pag nagising kala mo kung sinong dragon e. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan handa kong isugal ang buhay ko para sa kanya.
"Mahal mo talaga sya, ano?" Tanong ni Joel kay napatingin ako sa kanya.
"Kaya kong gawin ang lahat para lang sa kanya, handa akong isugal ang buhay ko para lang sakanya. Ganun ko sya kamahal." Sagot ko. Kaya nanahimik sila at tiningnan din si Kath na hanggang ngayon ay tulog parin.
Kath, kelan ka ba gigising. Miss na miss na kita, miss ka na rin nila. Gumising ka na, please.
"Daniel," tawag ni Beatrice sakin kaya napatiningin ako sa kanya. Ng pag katingin ko sa kanya may halong lungkot sa mukha nya.
"Bakit?" Tanong ko. Kaya tinitigan nya ko na parang nagsasabing labas-muna-tayo-at-magusap look. Kaya tumango nalang ako at lumabas, kaya sumunod din sya.
"Anong paguusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
"Ipangako mo sa akin na kahit na anong mangyari, poprotektahan mo sya. Protektahan mo sya mula kay Trector, wag mong hayaan na makapunta sya sa lugar ng mga Villianians. Eto lang ang tatandaan mo, lagi mo syang babantayan, gawin mo ang lahat para lang sa kanya, di lang para sa pagmamahal kundi para rin sa buong mundo." Mahabang salaysay ni Beatrice.
BINABASA MO ANG
The Elemental Academy: The Lost Long Legendary Princess
FantasyMeet Kathryn Allysza Jade Suarez, Cold? Medyo lang. Masayahin yan pero minsan lang. Natuto syang magmahal dahil kay Prince Daniel A.K.A Bebe nya daw. Suportahan nyo po ang story at sabay nating sugpuin ang masasamang kalaban ng ating The Long Lost...