TS: Sa isang sulyap mo
by: 1:43
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong papalapit sa direksyon namin si Min. As usual, kasama na naman niya ang mga alipores at mga hayop niyang barkada. Pero hindi na iyon importante. Si Min lang ang crush ko sa buong campus, at siya lang wala ng iba. Pero, dito muna tayo sa kasalukuyan.
OMG! Papalapit na ng papalapit sa kinauupuan namin sina Min! Kailangan ko ng salamin! How do I look?! Maganda ba ako? Oily ba mukha ko? Kailangan ba ng pulbo? Lipstick?! Come on, tell me!
Papalakas ng papalakas ang kabog sa aking dibdib habang papalapit siya.
At ng tuluyan na siyang nakalapit ay..
‘’Hi, Sofia!’’ Linampasan ako ni Min. Kay Sofia ito dumiretso.
Si Sofia: Sikat sa buong campus. Mayaman. Maganda. Seksi. Matalino. Lahat ng katangian na hinahanap ng lalake ay nasa kanya na yata lahat. Pero kung anong ikinaganda ng mukha niya, siya namang ikinagaspang ng ugali niya. Major major turn off. Ang mga lalaki naman, pa-bulag effect. At isa na dun ang lovey-dovey kong si Min.
‘’Oh, hi Min! Nag-take ka na ba ng snack mo?’’ Maarteng sagot niya.
Napairap ako. ''Nag-take ka na ba ng snack mo?'' Pang-gagaya ko sa style ng pagsasalita niya. ‘’Ang arte!’’
‘’Uy ikaw mamaya marinig ka niya eh! Kumain ka na nga lang!’’
Pinandilatan ko si Mondy. Ang classmate slash bestfriend ko. ‘’Eh ano ngayon kung marinig niya ko? Totoo naman eh, maarte siya! Linalandi niya si Min ko!’’
‘’Tanggapin mo na lang, ano ka ba? Kahit kailan di ka niya magugustuhan.’’
‘’Tse! Ikaw talaga kahit kailan, kontrabida ka sa buhay ko! Someday, magiging sikat din ako gaya ni Maja Salvador. At pag nangyari yon magugustuhan na din ako ni Min. Makikita mo!’’ kamuntik ko pa iyong buntutan ng mala-demonyong halakhak.
‘’In your dreams. At kapag nangyari man iyon, after seventy years pa. Sunog na kilay ng lalakeng yun nun!’’ Inginuso pa niya si Min.
‘’Hoy, hindi ah! Mangyayari talaga yun. Mag-au-audition ako sa star magic. At magiging artista na ako. Titilian ako ng mga lalake. Tapos manliligaw sa akin si Coco Martin pero syempre babastedin ko para wow! Antaray! At kapag nangyari yun, titingalain ako ng lahat ng kababaihan. Hahabulin na ako ni Min..’’ Na-i-imagine ko ang mga pangyayari. Kaya napangisi ako sa tuwa.
‘’Baliw! Oo na, maniniwala na ako. Pero, after seventy years.’’Ngumisi din si Mondy.
‘’Heh! Basta mangyayari yun. Mapapasakin din si Min!’’
Tumingin ako sa likuran ko. Nasa iisang table lang sina Sofia, Min at ang mga barkada nito. Ang ganda pa ng tawanan ng grupo. Napaismid ako.
Mamanyakin kalang ng mga yan! Manyak eh! Manyak yang mga barkada ni Min!
‘’O, naluluha ka na yata bestfriend. Uy wag ka nga, baka sabihin pinapaiyak kita.’’
‘’Heh! Naiiyak ka dyan! Kumain na nga tayo!’’