Maaga akong pumasok ngayon. Ewan ko ba. Feel ko pumasok ng maaga kahit nine o’clock pa klase ko. Puyat pa naman ako kagabi dahil sa kakaisip ng kung ano-ano. Hay buhay nga naman, parang life..
Dumiretso agad ako sa classroom. And to my delight, naabutan ko doon si Mondy. Nakayuko at parang may malalim na iniisip.
Anyare sa bakulaw na to?! May pinagdadaanan? Na-pbb teens yata ang isang to!
Hoy! Mababali na leeg mo!
Nag-angat siya ng tingin ng madama niya ang presensya ko.
‘’Sam.’’
‘’O, Mondy?’’ nagpakawala ako ng plastic na ngiti. Halatang pilit.
‘’Maaga ka yata ngayon ah! How nice naman of you.’’
Kung makangiti parang wala lang sakanya ang nakalipas na limang araw na hindi nila pagkikita! Ay ang gag*!
‘’Oo. Trip lang.’’
‘’Ay sus! Marunong ka na nun ngayon?’’ tumawa siya.
Aba at tatawa-tawa lang ang hunghang! Okay lang sa kanya ang lahat pagkatapos niya akong dedmahin ng limang araw?!
Ibinaba ko ang bag ko at linapitan ko siya. ‘’Ilang araw ka yatang nawala.’’
Saglit siyang natigilan. ‘’Naging busy lang ako. Hindi naman ako nawala ah.’’
‘’Ah oo nga pala, hindi ka nawala. Pero hindi ka nagparamdam ng limang araw. Hindi ka nagtetext. Ni ha ni ho, wala. Wala kahit ano Mondy.’’
‘’Pasensya na Sam. Hindi kase kita naaabutan lagi dito sa room eh.’’
‘’Andami-daming paraan. Kung hindi mo ako naaabutan, di sana tinext mo ako kung asan ako. Ang simple. Ginusto mo lang na kalimutan ako. Ganoon ba yon?’’
‘’Hindi-‘’
‘’Dahil kayo na ni Esmeralda. Dahil girlfriend mo na siya, okay nalang para sayo na kalimutan ako.’’
‘’Hindi ko girlfriend si Esmy.’’
In-denial pa ang mokong!
‘’Yun ang naririnig kong balita eh. At tsaka hindi mo man lang sinabing sasali ka sa Campus King.’’
‘’Nanalo naman si Min ah. First runner up lang ako. Huwag kang mag-alala nanalo naman yung crush mo eh. Sorry pala, hindi ko sinabing ako yung isa sa mga napakadaming makakalaban niya.’’
‘’Hindi naman yun yong point ko eh. Ang sa akin lang, nakakapagtampong hindi kita nakasama! Na hindi ka nagparamdam ng ganoon katagal! Antagal kong naghintay ha! Araw-araw kitang hinahanap no! Nami-miss na kita pero wala ka.’’
‘’Talaga? Namiss mo ko?’’ nagliwanag ang mukha niya.
‘’Oo naman!’’ ngumiti ako. ‘’Bestfrend kita eh. Bestfriends pa ba tayo o hindi na?’’
((Reaction ni Min sa Multimedia))
Saglit na nawalan ito ng imik. Maya-maya ay biglang tumayo. ‘’May pupuntahan pa pala ako. Pinapatawag ako kanina ni Ma’am Rain. Sige Sam. Maiwan na muna kita diyan.’’
Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis. Naiwan ako doon na walang magawa kundi magtaka. Halatang iniiwasan ako ni Mondy. Ano bang nangyayari sa taong yon?
Ano bang nangyayari sa bestfriend ko?