Sam’s POV
Nagmulat ako ng mga mata. Umaga na. Mataas na ang sikat ng araw. Nag-inat ako.
Naalala ko ang usapan namin kagabi ni Mondy. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako. Grabe!
Grabe talaga! Hindi ko na naman mapigilan ang mapangiti.
‘’Hoy bumangon ka na! Tanghali na!’’
Agad na nabura ang ngiti sa mga labi ko. Si Mondy yun ah!
Luh?! Kung ano-ano nang naii-magine ko sa sobrang saya.
Mondy.. Ikaw talaga lagi kang pumapasok sa utak ko, pati ba naman sa kwarto ko?
Bumalik ang ngiti sa mga labi ko.
Mondy.. ba’t ganto na ang nararamdaman ko para sayo? Ba’t kakaibang feeling na ito? Kailangan ko na ba itong pigilan? O hayaan nalang? Magagalit ka ba kapag sinabi kong—-
‘’Ay kabayong bulag!’’
Napabalingkwas ako sa gulat nang makita ko si Mondy. Nakatayo siya sa paanan ng kama ko. Kinusot ko ang mga mata ko kung totoo ba ang nakikita ko o isang imahinasyon lamang.
Pero kahit ilang kusot pa ang gawin ko, nandoon pa rin siya!
Mondy.. Y u no vanish?
‘’Hindi ako bulag. At mas lalong hindi ako kabayo. Bumangon ka na nga diyan! Nag-melt na muta mo.’’ ngumisi pa siya sa akin.
So, totoo nga ang lahat ng nakikita ko? Nandito talaga sa kwarto ko si Mondy.
Teka, kwarto? Ko?!
Napatingin ako sa aking kabuuan. Kumpleto pa ang damit ko.
Anong ginawa sa akin ng bestfriend ko?!
‘’Aba, aba! Ano’ng tinitingin-tingin mo sa katawan mo. Akala mo ni-rape kita? Hoy, kahit dulo ng daliri mo hindi ko ginalaw. Asa ka naman. Bumangon ka na nga!’’
Hinila niya ang kumot ko. Nang hindi pa ako bumangon ay kinuha niya ang unan ko at ibinato iyon.
‘’Ang yabang mong magsabi ng I hate waiting, I hate waiting.’’ Nag-inarte pa siyang babae. ‘’Iyon pala maaga pa ako ng gising sa iyo.’’
‘Tsk!’’ pinulot ko ang unan. ‘’Eh puyat ako eh!’’ humiga ulit ako sa kama. ‘’Uwi ka muna. Balik ka na lang mamaya. Okay?’’
Hindi na nagsalita pa si Mondy. Baka umalis na. Nagmamadali. May lakad. May date.
Pipikit na mga mata ko nang biglang may humila sa paa ko.
‘’Tumayo ka na diyan at tanghali na! Alas dyes na ng umaga. Yong project mo hindi pa tapos.’’ Binitiwan niya ang paa ko saka tumalikod. ‘’Bahala ka na uuwi na nga lang ako. Ikaw nalang mag-isa ang gagawa ng project mo.’’
‘’Uy sandali, wag!’’ tumayo agad ako mula sa kama at nagdiretso sa aking banyo. ‘’Wait lang maliligo lang ako tapos gagawin na natin ha?’’
‘’Gagawin natin?’’ Ngumising aso pa ang talipandas!
Pinandilatan ko siya. ‘’Hoy manyak! Yong project ang tinutukoy ko!’’
Tumawa siya. ‘’Yong project din naman tinutukoy ko ah. Ikaw ha? Kung ano-anong pumapasok diyan sa kukute mo. Ligo ka na nga. Ambaho mo.’’
‘’Ikaw yun!’’
‘’Dali na! Iiwan na kita dito sige ka.’’
‘Oo na! oo na, saglit lang to! Diyan ka lang!’’
‘’Bilis!’’
After 20 mins: Lumabas na ng banyo si Sam.
Naabutan ko si Mondy. Naka-de-kwatro habang may binabasa. ‘’Hoy tapos na ako!’’
‘’Antagal-tagal!’’
‘’Sorry! Sige na mag-umpisa na tayo. Turuan mo na ako.’’ Lumapit ako.
‘’Ambango-bango! Amoy surf. Wais.’’
‘’Puro ka talaga kalokohan!’’
Nagtawanan kami.
‘’O sige, paano na gagawin?’’
‘’Malay ko sayo? Joke lang. Isa lang mali diyan kaya ayaw gumana.’’
‘’Isang connection lang? Talaga? Akala ko lahat papalitan. Nakakainis.’’
‘’Isa lang. Eto o,’’ may ginalaw lang siya at BOOOM! Ayun. Umilaw na ang loka-loka kong project.
‘’Uy galing. Salamat. Yun lang naman pala eh!’’
‘’Ewan ko ba sayo, napakadali eh di mo man lang magawa.’’
‘’Kaya nga eh.’’ Tinitigan ko siya. ‘’Salamat.’’
Hindi pa rin siya kumikilos.
‘’Ano pang ginagawa mo, aber?!’’
‘’Bakit? May gagawin pa ba ako?’’
‘’Wala na. Tapos na di ba? Maari ka nang umalis!’’
‘’Aba! Ganyan na ba ngayon ha? Pagkatapos mo akong istorbuhin sa madaling araw, gisingin ng napakaaga, pinapunta dito ng napakaaga, hindi na nga ako nakapag-jogging eh! Pagkatapos kitang tulungan diyan sa project mo itataboy mo nalang ako na parang aso? Huwag namang ganyan, Sam.’’
Umismid ako. ‘’Eh gusto ko pang matulog ulit eh!’’
‘’Tanghali na babalik ka pa sa pagtulog? Alam mo ikaw!’’ hinila niya ako palabas ng kwarto. ‘’Antakaw mo talaga sa lahat ng bagay. Pagkain, pagtulog, lahat-lahat! Wag ka nang babalik sa pagtulog. Halika.’’
‘’Teka, saan mo ko dadalhin?’’
‘’Doon tayo sa labas. Para mahanginan ka hindi yong nagkukulong kalang diyan sa kwarto mo.’’
‘’Malamig naman doon sa kwarto ko ah!’’
‘’Alin? Yong aircon? Fresh air ang tinutukoy ko basha!’’
‘’Hindi ako si basha!’’
‘’Ikaw yun!’’
‘’Hindi nga eh!’’
Nakasalubong namin ang kuya Jess ko pagbaba namin ng hagdan. May hawak na tasa. Ay nagkakape, kagigising lang din siguro. Tulog-mantika din ang bakulaw eh. Sa lahat ng kuya ko siya ang pinaka-weirdo.
‘’O, Mondy. Saan mo dadalhin yang kapatid ko?’’
‘’Sa mental hospital kuya Jess.’’
‘’O talaga? Mabuti naman kung ganoon.’’
‘’Grr! Pagbuhulin ko kayong dalawa eh!’’
‘’Loka-loka! Dalhin mo na yan sa Pangit Mental Hospital Mondy ah! Pangit yan eh! Ayokong makikitang pakalat-kalat pa yan dito sa bahay.’’
‘’Mas pangit ka!’’
‘’Pangit mo!’’ wika pa niya bago siya pumasok sa kwarto niya.
‘’Sabi sayo pangit ang nagkukulong. Di ka na tuloy kilala ng kuya mo.’’
‘’Siraulo yong bakulaw na yon! Mondy, nagugutom ako. Magluto nalang tayo sa kusina. Kinakain na ng large intestines ko yong mga small intestines ko eh.’’
‘’Ikaw kasi nagpapagutom ka. O sige, pero hindi ako marunong magluto.’’
‘’Marunong naman ako eh. Tulungan mo nalang ako.’’
‘’Sige.’’