Chapter 2: Crush and Crash.

200 2 0
                                    

Abala ako sa pagkukuting-ting sa class record ng Adviser namin ng bigla akong nilapitan ng dalawang classmates naming babae na sina Gail at Lorin.

‘’Uy,  Sam di ba crush na crush mo si Min?’’

Bigla akong napatayo at tinaasan ko sila ng kilay.  ‘’Oo. Bakit? Crush niyo din ba siya? Bakit? Aagawin niyo ba siya sa akin?!’’

‘’Hindi ah! Balita kasi namin sasali siya sa Pbb teens ngayong susunod na edisyon.’’

Ano daw?! Pbb teens?!

‘’Joke lang. Sasali siya sa Campus King!’’

Nasiyahan ako sa narinig at bahagya pang kinilig. ‘’O talaga? Kelan to? Kelan!’’ 

Super excited na ako!

‘’Next week yata. Basta around next week.’’

‘’Sigurado ba kayo diyan?!’’

Kinikilig na talaga ako. Makikita ko na rin siyang naka-trunks lang.. Atlast! Yong mga abs! Oh my god! I’m so kinikilig to the bones!

‘’Oo. May mga nagpapagawa na nga ng tarpaulin at banners niya. Excited na nga rin kaming panoorin siya  eh!’’

Pinandilatan ko ang dalawang bruha. ‘’Anong excited excited kayo diyan! Inaagawan niyo ba ako? Ha?’’

‘’Hindi no! Pare-pareho lang naman tayong may crush kay Min. Pare-pareho lang tayong humahanga sa kanya.’’ Umismid ang mga ito.‘’Alam din namin kung nasaang room si Min ngayon. Gusto mo silipin naten?’’

Nasiyahan ako sa sinabi ng dalawa kong karibal. Gusto ko yun. Tamang-tama di ko pa nakikita si Min ngayong araw na to.

----------

‘’Oy wag nga kayong manulak! Mabubuko tayo dito. Mapapahiya tayo kapag nalaman nilang sinisilip natin si Min!’’

Pero wala talagang epekto ang sinasabi ko sa dalawang bruha. Pilit akong tinutulak ng mga ito bawat silip ko. Gusto nilang angkinin ang pwesto ko.

 Nakasilip lang kaming tatlo sa gilid ng glass panel. At pahirapan kaming tatlo para lang makita si Min.

‘’Usog ka! Di ko makita Gail!’’

‘’Ano ba, Lorin naiipit na yung palda ko o! Palit nga tayo! Dito ka!’’

‘’Ano ka? Ayoko nga wala akong makita diyan e! Asan ba si Min? Oy, ayun o! Sa may harapan!’’

‘’Ay oo nga! Ang gwapo niya!’’

‘’Aray ko! Lorin wag ka nga manulak! Masakit! Sabubutan kita dyan makita mo!’’

‘’Eto kasing si Gail eh!’’

‘’Oy, ang gwapo ni talaga ni Min, tignan niyo! Tignan nyo! Nasa harap siya o! Nagsasalita!’’

‘’Ay ang gwapa shet!’’ bahagya pa akong napatili ng ngumiti ito.

Pero dumating ang di inaasahan. Nang biglang magtulakan ang dalawa ay nawalan ako ng balanse.

BLAAAAAAG!!

Nauntog ako sa glass panel at saka napasubsob pa sa sahig. Nakita ko kung paano sabay-sabay na napatingin ang mga classmates ni Min sa akin. At kung paano mapa-‘’ohhh’’ ang mga barkada niyang alipores.

Dali-daliang lumabas si Miss Rivera. Dali-dali namang nagtakbuhan ang dalawang bruha.

‘’O, Miss Montemayor, anong nangyari sa iyo? Are you okay?’’

Mula sa pagkakasubsob ng mukha ko sa sahig ay unti-unti akong nag-angat ng ulo. Pilit akong napangiti.

‘’I’m okay M-Ma’am..’’

Kahit ang totoo, hinding-hindi talaga! Walangya yung dalawang bruha na iyon ni hindi man lang ako tinulungan! Iniwan pa ako sa ere! Humanda kayo sakin mamaya! Mga bruha kayo!

‘’Come, gagamutin natin yang sugat mo. Let me see.’’

Tinulungan akong tumayo ni Ma’am Rivera. Sapo ang balakang, pinilit kong tumayo. Noon naman ako nakarinig ng tawanan galing sa klase ni Ma’am Rivera. Galit akong napatingin sa mga nagtatawanan, ang mga barkada ni Min.

 Talagang walang magandang gawain ang mga hayop!

‘’Halika dito sa loob. Patingin kung anong masakit sa iyo.’’

‘’Ah.. wag na po Ma’am.’’ Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Pero hindi ito nakinig. Hinila niya ako papasok sa loob ng room niya. At doon na ako nakaramdam ng kahihiyan.

 Oh my syet! Nakatingin pa sa akin si Min at nakataas ng bahagya ang sulok ng labi nito. Parang hindi nito malaman kung ngingiti ba o wag nalang. Mas lalo yata akong na-fall inlove!

DEYM that smile!

Nahihiya na ako. Lalo pa’t panay ang tawanan ng grupo ni Min sa bandang likuran.

‘’Lampa kase.’’

‘’I wonder kung sinong sinisilip niya dito sa room, pero I guess si Min.’’

‘’Oo nga, and she’s not even Min’s type. Ang mga katulad niya hindi na dapat umaasa.’’

‘’Yea right. Wala siyang chance!’’

Nabuo ng halakhakan ang room ni Ma’am Rivera.Mga gago kayo! May araw din kayo sa akin!

Naluluha na ako. Naawa ako sa sarili ko, kung bakit kasi ang taas ni Min, at ang baba ko. Hindi kami bagay. Pinagtatawanan lang ako. Pinagtatawanan ng lahat!

‘’By the way Miss Montemayor, I noticed you were with two girls. Anong ginagawa niyo kanina sa gilid ng glass panel?’’

‘’Uhm..’’

Shit! Nasapo ko ang noo. Wala akong maisip na idadahilan! Nate-tense ako! Lalo pa’t nakatingin sa akin si Min! Oh god, help! :’(

‘’Naninilip po siya ng gwapo!’’

And the whole class laughed. Ginawa na akong laughingstock ng lahat. Napayuko na ako. Gustong-gusto ko ng umalis!

Ayoko ng ulitin to! Lord, tama na please. Magpapakabait na ako, promise!

‘’Uhh..’’pasimple akong napakagat-labi. Ni wala man lang akong kakilala sa section na ito para may idahilan ako. ‘’Ah.. K-kase po—‘’

‘’O, Kristy! Ikaw pala. Sabi ko naman sayo maghintay ka hanggang matapos ang klase eh. Ang kulit mo talaga.’’

Natigilan ang lahat. Laglag ang panga ko sa sumunod na nangyari. Biglang tumayo si Min at inakbayan ako. Muntik na akong himatayin sa magkakahalong kilig at gulat at kaba. Ni hindi ko na alam kung bilog ba ang mundo o tatsulok sa sobrang kilig.

Holy cow! This is it! This is really is it, is it! Pwede na yata akong mamatay? I’m gonna die!

Hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin. Basta tulala na ako. Parang biglang nawala ako sa ulirat .

.....

......

‘’Min, sino siya?’’

Ngumiti lang si Min. Ginulo niya ang buhok ko. ‘’She’s Kristy, my ex.’’

My jaws dropped.

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon