‘’Mondy!’’
Binalingan ako ni Mondy. ‘’O, Sam?’’
‘’San ka pupunta? Di ka na naman sumabay kanina sa akin nag-snack.’’
‘’Sorry Sam, andami ko kasing ginagawa. Andami naming inaasikaso. Kami kasi ang mag-oorganize ng gaganaping Campus King. Pasensya na ha? Kumain ka na ba?’’
Officer si Mondy ng SSG kaya naiintindihan ko siya. Nakakalungkot lang isipin na hindi na naman niya ito makakasamang kakain ngayong araw na ito.
‘’Oo kumain na ako. Ikaw? Ilang araw na tayong hindi nagkakasama. Madalas ka ng walang time sa akin. Para na tayong hindi mag-bestfriends.’’
Inakbayan niya ako. ‘’Si bestfriend talaga. Huwag ka na magtampo, okay?’’
‘’Sige na nga!’’ pero malungkot parin ang boses ko.
‘’Don’t worry pagkatapos ng pinagkakaabalahan namin ililibre kita. Ano bang gusto mo?’’
Napangisi ako ng may maisip. ‘’Fries tsaka chocolates!’’
‘’O sige. Ililibre kita ng fries tsaka chocolate, okay?’’
‘’Okay. Basta promise yan ha?’’
‘’Oo. Basta huwag ka na magtatampo sa akin, okay?’’
Tumango-tango ako.
‘’Promise?’’
‘’Promise! Nakita mo pala si Min?’’ nginitian ko siya.
‘’Yong bakla na naman ang hinahanap mo. Hindi ko siya nakita. Bat mo na naman hinahanap?’’
‘’Di ko pa siya nakikita ngayong araw na to eh.’’
‘’Kristy!’’
Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Kilala ko ang boses na iyon. Ang nagpangalan sa akin ng Kristy. Wala ng iba kundi ang aking minamahal.Para akong estatwa sa kinatatayuan ng mga oras na iyon. Deym! He’s back!
‘’Kristy.’’
Sa mga sandaling iyon ay nasa malapit na ang boses niya. Alam kong nasa likuran ko na si Min. At hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin. Kung mag-co-collapse o haharapin siya. Sa bandang huli ay nanaig ang kagustuhan kong harapin siya.
Napangiti siya ng humarap ako sakanya. ‘’Kristy. I know it’s going to be you again.’’
‘’H-hindi Kristy ang pangalan ko.. Sam. S-sam ang pangalan ko..’’nauutal pa ako deym!
Sa mga sandaling ito ay nakikita ko na talaga ng harapan ang mukha ni Min. At mas lalo ko lang napatunayan na, ang gwapo gwapo nga talaga niya!
‘’Oh, I thought it’s Kristy. Hindi ka kase nag-react nung tinawag kitang Kristy.’’
‘’Ah..’’ Napangiti nalang ako. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko.
‘’Alam mo na siguro kung anong pangalan ko, right?’’
‘’Ah? Ah.. Oo.. oo n-naman.. Min..’’
‘’Mabuti naman kung ganoon.’’
‘’Min! Nag-umpisa na!’’
Tinawag na siya ng isa sa mga barkada niya.
‘’Okay. I have to go. See you around.’’ Tumalikod na siya.
‘’Sandali.’’
Tumigil si Min sa paglakad at pumihit paharap. ‘’Yes?’’
‘’Salamat nga pala sa.. sa panliligtas mo sa akin kay Ma’am Rivera last time. Maraming salamat..’’
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Min. ‘’Wala ‘yon. Sisiw lang ‘yon.’’
Pagkasabi nun ay agad na din siyang umalis. Wala akong magawa kundi pagmasdan siya hanggang sa maglaho siya sa aking paningin.
But wait! Why did you leave me? Don’t you want me? Don’t you like me? But you know.. I like you!
Masayang binalingan ko si Mondy.
‘’Best! Nakita mo yun? Grabe! Kinausap niya ako! Pakiramdam ko wala ng gap sa pagitan namin. Para lang kaming mag-ka-level best! Di ako makapaniwala!’’ tuwang-tuwa ako.
‘’Sus! Para nun lang kinikilig ka na! Ambabaw mo naman! Corny mo talaga! Diyan ka na nga!’’
Tumalikod na agad si Mondy at nagalakad pagkasabi niyon.
‘’Iiwan mo na nga lang ako wala pang maayos na paalam! Ganyan ka na ngayon!’’ sigaw ko.
‘’O sige na nga. Goodbye na nga!’’ bumalik siya at yinakap niya ako.
Simple akong natuwa sa ginawa ni Mondy. Ang sarap sa pakiramdam kapag yinayakap ako ng bestfriend ko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko. Para akong safe na safe sa mga kamay niya.
‘’I love you.’’
Bahagya kong siyang tinapik sa dibdib. ‘’Oo na, I love you too! Hmp!’’
Napangiti siya saka niya ako kinurot sa pisngi. ‘’Maligno.’’
‘’Uy, ansama talaga!’’
Tumawa siya. ‘’Oyt. The truth hurts!’’
‘’Bad ka talaga!’’ pagmamaktol ko.
Tumawa lang uli siya. ‘’Alis na ako baby girl. Behave ka lang okay? Pumasok ka ha? Huwag kang pasaway!’’
Napangiti ako. Saka ako kumaway sakanya. ‘’Yes, sir bossing!’’