Chapter 16: Deafening silences.

135 1 0
                                    

 Sam’s POV

‘’Best..’’

Mula sa aking likuran ay napatingin ako sa nagsalita.

Mondy..

’O b-best?’’ nautal ako sa pagtawag sa kanya ng best.

Hindi na ako komportable kapag tinatawag ko siyang best, lokohan. Isang malaking insulto iyon sa aking pagkatao. Napakalaking insulto.

Umupo siya sa tabi ko. At naramdaman ko agad ang malakas na pagpintig ng puso ko.

OMG. I’m really inlove with my bestfriend..

‘’Kumusta best?’’

‘’Okay lang. Ba’t wala ka kahapon?”

‘’M-may.. Ah, pinuntahan ako. Oo, may pinuntahan nga ako.’’

‘’Ganoon ba?’’

‘’Oo.’’

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Walang nagsasalita. Pero nabibingi ako. Sa lakas ng tibok ng puso ko.

Maya-maya ay binasag ni Mondy ang katahimikan. ‘’Congrats.’’ aniya.

‘’Para saan?’’

‘’Kayo na ng one and only crush mo. Kayo na ni Min.’’

‘’Hin-‘’ naalala kong nagpapanggap pala kaming mag-jowa. ‘’O-oo.. Kami na nga.’’

Shit! Capital S-H-I-T!

‘’Wow. Eh di masaya ka na niyan Sam? Di ba?’’

Iiling sana ako kaso.. mali kung iiling ako. ‘’Oo n-naman..’’

‘’Edi mabuti.’’

‘’Congrats din.’’

‘’Ha? Para saan?’’

‘’Kayo na ng one and only crush mo, si Esmy. Masaya ka na din siguro. Mabuti naman at sinagot ka niya, ngayon lagi ng kumpleto araw mo.’’

Wala akong pakialam kung tono bitter na ako nang mga sandaling ito! Naiinis na naman ako.

Just the thought of it kills me. Paano nalang kapag sinabi? Oo. Sakit! Kakabadtrip! Sus!

‘’Hindi kami. Friends lang kami. Bali-balita lang yun. Kinakalat ng mga taong walang magawa sa buhay kundi pag-usapan mga kapwa nila tao.’’

HAAAA?! Eh bakit.. Magkayakap kayo kanina! Bakit?! Gustong-gusto ko nang isatinig pero nananatiling tikom ang bibig ko.

Hindi kaya pinaglololoko lang ako ng lalakeng ito?! Argh!

‘’Nag-d-date pala kayo ni Min kahapon?’’

‘’Ha? Saan?’’

‘’Di ba?’’

Hindi niya pinansin ang tanong ko ah. Saan nga eh?  ‘’Ay oo..’’

‘’E di mabuti.’’

‘’Syempre.’’

Mahabang katahimikan na naman. Walang nagsasalita. Pasimple akong napatingin kay Mondy. Ngayon ko lang na-realize na gwapo pala siya.. Sa sideview rin.. Ang ilong.. Ang lips..

Ano bang pinagkaabalahan ko noon at hindi ko man lang napansin na ang gwapo-gwapo pala ng bestfriend ko? Shet.

‘’Mauna na ako Sam. May gagawin pa ako.’’

Umalis na agad siya pagkasabi nun. Hindi man lang niya hinintay kung anong magiging sagot ko.

‘’H-ha? Ah sige.. sige.. I love you..’’

Good thing nakalayo na siya. Hindi niya narinig ang sinabi ko.

Wala akong magawa kundi pagmasdan siyang papalayo.

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon