Isang linggo mahigit.
Ganyan kahaba ako iniwasan ni Mondy. Ewan ko kung bakit. Kapag nagkikita kami sa room, parang wala nalang yung pagiging magbestfriend namin dati. Oo. Dati. Hindi na niya ako kinakausap eh.
Ah meron pala, isang beses.
‘’Sam, may calculator ka?’’
Iyon lang. Wala nang sumunod.
Parang tinutusok puso ko. Ansakit-sakit isipin na parang wala na siyang pakialam sakin.
Nag-attempt akong kausapin siya, pero naisip ko. Para saan pa? Una na siyang lumimot. Magmumukha lang akong tanga kung susubukan ko pang ayusin ang lahat sa pagitan namin.
Pero gusto kong maibalik yung dati naming closeness, dati naming samahan. Yung pagiging mag-bestfriends namin.
Kahit alam kong hanggang dun nalang yun.
‘’Min, ano na bang balita?’’ tinapik-tapik ko pa sa balikat si Min.
‘’Ewan ko ba.’’
‘’Para namang hindi siya nagseselos. Hindi yata to umuubra Min.’’
‘’Ewan ko ba.’’
‘’Tapusin nalang natin tong pagpapanggap natin. Pinagpipiyestahan na tayo ng mga schoolmates natin eh.’’
‘’Ewan ko ba.’’
‘’Hoy!’’ sinuntok ko siya sa braso. ‘’Sumagot ka nga naman ng maayos!’’
‘’Ewan ko ba kasi. Pero parang may mali Sam eh.’’
‘’Meron talaga. Iniiwasan parin niya ako hanggang ngayon eh.’’
‘’Yun na nga eh. Hindi mo ba nage-gets kung bakit ka niya iniiwasan?’’
‘’Galit siya sakin.’’
‘’Ano sa tingin mo ang dahilan?’’
‘’Ewan ba. Ganoon naman dati yun eh, mula pa noong nag-umpisa ang Campus King hanggang ngayon. Eh hello? Antagal na kaya nun. Hindi ko na nga alam ang gagawin para makausap siya ulit eh.’’
‘’Hindi kaya..’’ napaisip si Min. ‘’Dahil nagseselos siya sa atin?’’
Napaisip din ako. ‘’Pero hindi eh! Malabo namang ganoon.. Hindi naman siguro. Baka may nagawa lang akong mali sa kanya.’’
‘’Yun na nga ang mali. Tayo.’’
‘’So?’’
‘’Try mo kaya siyang kausapin? Tanungin mo kung bakit ka niya iniiwasan.’’
‘’Naku, wag na! Pahiya pa ako.’’
‘’Malakas ang kutob ko. Nagseselos siya sa atin.’’
‘’Ha? Eh..’’
Totoo kaya kutob ni Min? Parang hindi ako naniniwala. Pero paano kung totoo nga? Totoo nga kaya? Ewan ko! ----_----
‘’Hindi siya iiwas kung wala siyang dahilan para umiwas. Kung bestfriend ang turing niya sayo, bat siya iiwas kung malaman man niyang tayo di ba? Sana masaya pa siya para sayo kasi bestfriends kayo. Pero hindi ganoon ang nakikita ko. Umiiwas siya dahil apektado siya sa atin. Umiiwas siya dahil nagseselos siya. Umiiwas siya dahil nasasaktan siya. Umiiwas siya dahil..’’
Biglang tumayo si Min. ‘’Kakausapin ko si Mondy.’’
‘’Ha? Bakit? Tsaka ano pa yong isang dahilan?’’
Dali-daling umalis si Min, hindi na niya sinagot pa ang tanong ko.
‘’Hoy! Bumalik ka rito! Min!’’ tawag ko.
Pero nakalayo na siya.
Ano kaya yon? Umiiwas si Mondy dahil? Dahil??
Curiosity took over.