Mula ng araw na iyon sunod-sunod na ang pangyayari. Madalas na kaming magkita ni Min. At minsan kinakausap niya ako, minsan naman kapag walang time ngingiti lang ayos na. Si Mondy naman, ayun. Sobrang busy sa pag-aasikaso sa mga sunod-sunod na activities sa school namin. Naiintindihan ko naman siya kase trabaho talaga ng officer iyon. Apat na araw na nga kaming hindi nagkakausap. Hindi ko siya nadadatnan sa room. Ewan ko ba, parang ang hirap niyang hagilapin. Miss na miss ko na siya. Nakakausap ko si Min, pero ewan ko parang hindi na yon sapat. Iisa lang ang kailangan ko ngayon. Si Mondy lang.
Ang bestfriend ko.
‘’Kristy.’’
Matamlay na nag-angat ako ng tingin. Si Min iyon. Sa bawat sandaling kinakausap ako ni Min, napagtanto kong hindi pala siya ganoon kahirap abutin. Nawala na rin ang kabang nararamdaman ko noon satwing nakikita ko siya. Ibang-iba na ngayon. Nagbago na ang lahat.
Kung nandito lang si Mondy, magugulat siya dahil hindi na ako yong dating Sam na head over heels inlove kay Min. At tiyak, matutuwa siya.
‘’Malungkot ka yata ngayon.’’ Tumabi siya sa akin.
Tumango ako. ‘’I’m missing someone.’’
‘’Sino?’’
Naluluha na ako. ‘’Yong bestfriend ko. Ilang araw ko na siyang hindi nakakasama. Ni anino niya hindi ko na makita, ang weird kase nasa iisang school lang naman kami tapos pahirapan ako sa paghahanap sa kanya.’’
Hinaplos niya ang likod ko. ‘’That’s sad, I know how it feels. But that’s okay, magkikita din kayo. Nasa iisang school lang kayo. It’s just a matter of patience.’’
‘’Thank you.’’
Mondy, kung nasaan ka mang hayop ka, magpakita ka na! Hirap na hirap na akong wala ka! Nasanay na akong kasama ka lagi. Iiwan mo din pala ako. Bestfriend pa naman kitang tinuring. Bigla mo nalang bang kinalimutan ang lahat? Lahat ng mga pinagdaanan natin bilang matalik na magkaibigan? Lahat ng hirap, saya at kulitan. Wala nalang ba ako sayo ngayon? Ha?! Ni text wala! Hindi ka na nakakalala!
I wish I could say that to his face right now. How I wish.
‘’Gusto mo bang ikaw ang maging partner ko sa dance number bukas?’’
‘’Sasayaw? Tayo lang? Naku. Huwag na, nahihiya ako. Si Sofia nalang ang ayain mo, girlfriend mo naman siya eh.’’
‘’Ano ka ba. She’s not my girlfriend. Friend lang siya. Come on, wala pa akong partner. Tutal, saglit lang naman yung dance number ko eh. Please?’’
‘’Gusto ko kaso, nahihiya ako eh.’’
‘’Huwag kang mahiya. Hindi ka naman alien eh. Okay, ganto nalang. Kapag pumayag ka, I’ll help you find your bestfriend. Tutulungan kita, halughugin natin ang buong campus.’’
Nagliwanag ang mukha ko. ‘’Talaga? Tutulungan mo kong hanapin siya?’’
‘’Yup.’’ tumango siya. ‘’Basta ikaw magiging partner ko sa dance number ko.’’ Inilahad ni Min ang palad. ‘’Deal?’’
Inabot ko iyon. ‘’Deal.’’