Maingay sa covered court ng mga sandaling iyon. Dito magaganap ang Campus King na magsisimula na maya-maya lamang. Kinakabahan pa din ako para sa dance number na gagawin namin ni Min.
‘’Tubig Sam.’’ Inabutan ako ni Min ng mineral water. ‘’Okay kalang? Kinakabahan ka pa ba?’’
Uminom ako ng tubig para mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Ewan ko ba, parang may iba pang mangyayari. Iba ang kutob ko. Ibang-iba. ‘’Okay lang. Medyo ninenerbyos lang ako Min.’’
‘’Sabihin mo lang kung hindi mo kaya ha? Hindi kita pipilitin.’’
‘’ Ayos lang. Kaya ko to. Para sayo.’’
Tinitigan niya ako saka siya ngumiti. ‘’Salamat. Ambait mo talaga, Sam. Walang lalakeng hindi mahuhulog sayo.’’
Bahagya akong kinilig sa sinabi ni Min. Pero hindi ako niyon napangiti.. Mas napapangiti pa ako sa simpleng I love you ni Mondy. Bakit nga ba ganoon? Bakit nga ba? Min, hinahangaan kita noon. Dapat ay nahimatay na ako ngayon pagkarinig ng sinabi mo. Pero bakit parang walang masyadong epekto? Bakit? Bakit? Kailangan ko ng kasagutan.
Nang magsimula na ang kaganapan ay mas naging maingay na sa buong covered court lalo na ng mag-play ang music sa dj booth.
Bumaba muna ako ngs stage nang magsimula na ang palabas. Bawat tugtog ay sumasabay sa pintig ng puso ko, parang may ibig sabihin. Hindi ko mawari. Hindi ako mapakali. Ninenerbyos ako sa hindi ko mawaring dahilan. Kinalimutan ko muna ang nararamdaman kong iyon nang magsimula na ang palabas. Itinaas ko ang hawak na banner na pangalan ni Min ang nakalagay.
Nagawa ko na ang banner na ito mula nung malaman kong sasali si Min sa Campus King. Yong mga panahong abot hanggang langit ang nararamdaman at pagtingin ko sa kanya. Mga panahong kunti ngiti lang niya, parang tatangayin na ako sa sobrang kilig. Pero nagbago na ang lahat ng iyon ngayon. Hindi na tulad ng dati.
Si Mondy. Limang araw na kamin walang koneksiyon. Limang araw ko na siyang hind nakikita. Hindi nakakasama. Namuo na ng galit sa aking dibdib. Kinalimutan na yata talaga niya ako. Hindi na niya ako gusto. Ayaw na niya sa akin. Baka nagsawa na siya sa kakapangaral sa akin. Andami kong katanungan. Nagagalit na ako sa sarili ko dahil hindi ko masagot ang mga katanungang iyon. Bat hindi man lang siya nagtetext sa akin? Kahit simpleng kumusta man lang. Wala.
Lumakas ang hiyawan sa doon ng magsilabasan ang mga participants. Pero wala doon ang atensyon ko.
Na-kay Mondy. Wala na ba siyang pakialam sa akin? Ni hindi na ito nagpaparamdam. Kahit man lang tanungin kung okay lang siya o hindi. Kung magkikita kami, hindi ko na siya papansinin. Hindi ko na rin tatanungin kung kumusta siya, kung bat di na niya ako pinapansin. Kung bat hindi siya nagpakita ng ilang araw.. Kung bakit..
Teka. Sandali..
Natigilan ako mula sa pag-iisip ng kung ano-ano ng mapansin kong pamilyar ang mukha ng isang lalake sa stage. At hindi lang ito basta nasa stage, isa ito sa mga participant ng naturang palabas!
Lumapit ako ng bahagya sa stage, medyo malayo pa ako pero makikita ko parin ang mga participant. Nagkaroon ako ng hinala. At nagkatotoo ang hinalang iyon ng maglakad ang lalaki pababa ng stage.
Tinitigan ko siya ng mataman habang pababa siya ng stage. At hindi inaasahang napatingin din siya sa akin.
Our eyes met.
Nagsalubong agad ang kilay ko.Kilala ko talaga ang lalaking iyon! Mas tinutok ko pa ang tingin ko sa bawat kilos ng lalaki. Kung makakalapit pa ako, siguradong mamumukhaan ko na ang lalaki pero malayo pa ako. Kailangan ko pang lumapit.
Nang lumapit sa mic ang lalaki. Natigilan ang lahat. Maski ako ay nahugot ko ang aking hininga. Bago pa niya masabi ang pangalan niya ay nakilala ko na siya.
Mondy! Ano’ng ginagawa mo diyan?! Laglag ang panga ko.