Chapter 18: The Shocking Ending.

197 4 1
                                    

Nagkakagulo sa labas ng school ng hapong iyon. Katatapos ng klase ko at pauwi na ako.

Bakit? Ano’ng nangyayari? Ay! Andaming tao, ‘ba yan?!

Sumingit-singit ako para makiusyoso.

‘’Ate, ano pong nangyayari?’’

Nagkibit-balikat lang yung pinagtanungan ko.

Isnabera naman! Di marunong sumagot ng ‘’ewan ko.’’ ‘’tignan mo!’’ Heh!

Nakita kong may malaking truck sa harap ng school. Puno ng bulaklak. May banda din. Aba sosyal naman neto! Swerte naman nung babaeng aalayan ng ganito kabonggang panliligaw.

Nang makalapit ako ay kusang nagbigay ng daan ang mga tao sa akin. Pumagilid ang lahat.

Halla! Nakakahiya naman, ano ba to?

Pumagilid na rin ako.

Nakita ko sina Lorin at Gail, panay ang hagikhikan. ‘’Pst, uy! Ano bang nangyayari dito?’’

Nagkibit-balikat lang din ang mga ito saka nagbungisngisan. Mga loka-loka!

‘’Hoy ano ba--  Ay kabayong bulag!’’

Napasigaw ako sa gulat nang makarinig ako ng malakas na tugtog. Tumugtog na pala ang banda. Naghiyawan na ang mga tao. Nakihiyaw na rin ako.

‘’Wuu!’’ napatingin sa akin ang lahat. ‘’Ay..’’

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo.

May kumakanta. Teka, sino kaya yun? Ang ganda naman ng boses niya. Nakakainlove naman.

Nakikilig na tuloy ako. Ang swerte naman talaga nung babaeng inaalayan niya ng kanta! Siguro kinikilig na rin yun ngayon sa ganda ng boses ng manliligaw niya.

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko.

Napapasabay na ang ulo ko sa ganda ng tugtog. Lumabas na ang kumakanta. Lalong naghiyawan ang mga tao.

Pero nang makita ko kung sino iyon ay para akong binagsakan ng langit. Agad na natigil sa pag-ikot ang aking mundo ko.

MONDY!

Nagsalubong ang mga mata namin.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,

sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,

sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako..

Anak ka ng tatay mo!

Hihimatayin na yata ako sa sobrang kilig!

Siya pala yung kumakanta! Hindi ko man lang alam na ang ganda-ganda pala ng boses ng mokong.

Pero teka, sino bang hinaharana niya? Hinanap ko si Esmy, pero hindi ko makita kung nasaan siya.

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon