Sam’s POV
Halos pumutok na ang dibdib ko sa nakikita ko sa mga sandaling ito. Kulang nalang umiyak sa sakit na nararamdaman ko. Nasa malayo ako pero kitang-kita kong nagyayakapan sina Mondy at Esmeralda..
So, totoo nga ang bali-balita. Sila nga talaga.
Antagal ko nang naglilihim ng nararamdaman ko para kay Mondy. Antagal ko ding inalam kung anong klaseng pagmamahal na ang mayroon ako sa kanya.
Pero sa mga sandaling ito habang nakikita kong may iba nang kumakalinga kay Mondy, napagtanto kong mahal ko na nga talaga siya. Hindi bilang isang kaibigan. Hindi bilang isang bestfriend.
Mahal ko na talaga siya. Mahal na mahal.
Pero paano ba ngayong may mahal na siyang iba? Masakit tanggapin. Pero siguro, hanggang dito nalang kami.
Hanggang bestfriends nalang.
Mangiyak-iyak na ako nang biglang dumating si Min. Agad na pinunasan ko ang mga luha kong nahihiya pa sa pagtulo.
‘’Mag-isa ka ah! Asan yong bestfriend mo? Siguro may away kayo kaya iniwan ka niya ano?’’
Pagkaupo ni Min ay agad ko siyang niyakap. Siya nalang ang natitira kong pwedeng iyakan.
‘’Mahal ko na siya Min.. Hirap na hirap na akong magpanggap bilang bestfriend niya. Mahal ko na siya, ba’t kailangang ngayon pang may mahal na siyang iba?’’
‘’Naiintindihan kita Sam.’’ Hinagod ni Min ang likod ko. ‘’Ilabas mo na lahat.’’
‘’Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman kong ito, nagising nalang ako isang araw na hindi na bilang bestfriend ang nararamdaman ko para sakanya. Natatakot akong aminin sa kanya baka layuan lang niya ako. Mas hindi ko kaya yon. Mas gusto ko nalang na magkunwari at magtago kaysa umamin at maiwanan. Mahal ko siya Min, hindi ko kakayanin kapag nilayuan niya ako.’’
‘’Wala namang masama kung aaminin mo Sam. Just give it a try. Malay mo?’’
‘’Malay ko? Malay ko mabasted ako, may girlfriend na yong tao Min! At alam na ng lahat! Pagtatawanan lang ako kapag umamin ako.’’
‘’I mean, malay mo mahal ka din niya hinihintay niya lang na magpakita ka ng sign na mahal mo din siya. Baka natatakot lang siya, kasi kapag umamin siya baka lumayo ka. Baka ginagamit lang niya si Esmy para pagselusin ka. Alam mo tawag diyan? It’s constipated. Hindi niyo masabi-sabi sa isa’t-isa kung ano ba talaga.’’
‘’Consti-constipated ka pang nalalaman, Min naman eh! Ano bang kailangan kong gawin? Ang hirap magpanggap sa harap niya!’’
‘’Ewan ko din Sam eh. Pero may alam akong paraan para hindi ka mahirapan. Tayo nalang.’’
‘’Ulol!’’ sabay tapik sa noo niya. ‘’Tse!’’ umiyak na ako. ‘’Hindi ko na alam dapat kong gawin.’’
Tumawa siya. ‘’Ba’t hindi nalang tayo magkunwari? Magkunwari tayong tayo! Tignan natin kung magseselos siya o hindi, ako na bahalang makiramdam sa mga kilos niya. Ako na bahala sa kanya.’’
‘’Ayoko Min..’’
‘’Ano ka ba! Try lang naman. Gusto mo bang malaman kung mahal ka niya bilang bestfriend lang talaga o may itinatago siyang pagnanasa sayo? Dejoklang! Para makita kung may hidden feelings din siya sayo. Come on, ayoko lang nakikita kitang umiiyak. Tutulungan kita sa problema mo, okay? Bawal humindi.’’
Sabagay, wala namang mawawala kung ittry nga namin. ‘’Sige. Pero kunwari lang to ha?’’
‘’Oo. Kunwari lang. Ako’ng bahala Sam. Maaayos natin to, okay?’’
‘’Salamat Min.’’ napangiti ako. Iba pala talaga si Min. Mabait talaga.
You’re my number two bestfriend. :’’)
‘’O yan, nakangiti ka na rin. Good for you para lagi kang maganda.’’