" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER NINE
"Gaano mo kakilala ang pamilya Sandoval Col Abellera?" Agad na tanong ni Don Fred sa kaibigang opisyal, ito ang nagbalita sa kanya na may dalawang anak ang mag-asawang Aileen at Andrew.
"Well boss siya ng manugang ko Don Fred. Alam mo namang sikat sa lipunan ang pamilya Sandoval. Way back then si Don Gustavo ang may hawak sa buong kumpanya nila but according to my source namatay ang Don dahil sa isang plane crash." Sagot ng opisyal saka naupo sa swivel chair.
"Pero hindi rin naman lingid sa ating lahat Col Abellera na iisa lang ang anak ng mag-asawa paanong nangyari na may anak silang dalawa and the worst is isa pa itong abogada." Kunting-kunti na lang ay madudulas na ito sa tunay na kaugnayan sa "pagkamatay " ng anak ng kaaway at tinik sa lalamunan nila.
"Diyan ka nagkakamali Don Fred dahil may dalawang anak si Andrew Sandoval. According to my daughter inlaw isang abogada ang bunsong anak nito, samantalang ang panganay ay negosyante na siyang kasalukuyang nakahawak sa negosyo nila." Kibit-balikat na wika ng opisyal.
Tuloy, hindi nakapagsalita ang Don. Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan simula ng dalhin sa kanya ang bagong silang na sanggol. Twenty-eight years to be exact ng nasa kanya si Jhay-R. Naidespatsa na rin niya ang doctor para wala ng maging dahilan pa na maungkat ang tungkol dito.
"Thinking of something Don Fred? Wanna share it with me?" Pukaw ng opisyal sa Don na napalalim na yata ang pag-iisip dahil hindi na yata siya naririnig.
"Huh! No-- nothing. Well I need to go." Nautal na wika ng Don.
Sa kanyang isipan ay kailangang kumilos habang maaga pa. Hindi puweding may ibang makakaalam sa lihim niyang pinakaiingatan.
"Okey go ahead Don Fred basta't balik ka lang kapag handa ka na sa sasabihin mo. Just remember na walang lihim na hindi nabubunyag." Makahulugang tugon ng opisyal bagay na ikinatigil ng papaalis na si Don Fred.
Pero ng napag-isip-isip na baka mahalata siya ng opisyal lalo at parang may alam na ito kaya't imbes na muling lingunin ang kausap ay dumiretso na lang siya. That his mind's telling him, no one will know about what he's keeping on for more than two decades.
Pero kagaya ng madalas sabihin ng mga tao, " matalino man ang matsing, naiisahan din ". Sa simpleng ginawi ng Don ay agad nakahalata ang opisyal na may itinatago ito.
"Well well well, alam ko nanang may kailangan ka kaya mo ako sinadya. Sige lang Don Fred kung gaguhan pagbibigyan kita." Ani sa kawalan ng opisyal habang nakatanaw sa daang tinahak ng Don.
Samantalang kahit umuusok ang ilong ng dalaga dahil sa naganap sa kanilang tahanan ng umagang iyun na naging dahilan ng pagkahuli niya sa trabaho'y nagawa pa rin niya ang trabaho niya.
"Sino naman kaya ang disturbong ito." Yamot na sambit nito ng tumunog ang cellphone.
"Lunch time na madam tigreng nagkatawang tao, baka naman puwedi na tayong kumain ng magkalaman ka naman kahit kunti." Ang nilalaman ng mensahe na natanggap nito.
"Tsk! Ang poncio pilato nga namang ito naalala na naman akong buwesitin. Anong akala sa akin ng pesteng ito patpatin? Aba'y may panalo pa naman ako kapag sasali ako sa mga pageants." Nakasimangot na wika ng dalaga.
Nagtitipa pa lamang siya ng sagot dito pero muling tumunog para lang malaman na ito pa rin ang sender ng message.
"Naku tigreng nagkatawang tao baka mas mangangayayat ka niyan kapag lagi kang ganyan. Gusto mo dalhan kita diyan? Ay huwag na pala madam mas mabuting ikaw na mismo ang lalabas baka sakaling makasagap ka ng ibang impormasyon." Ang mensahe nito.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?