" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER THIRTEEN
Pagakahatid ni Phillip sa tigreng nagkatawang tao sa tahanan ng mga ito'y dumiretso na siya sa kanilang bahay, pero habang papalapit siya sa bakuran nila'y mas lumalakas ang kabang sumasalakay sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa akin huh! Bakit ganito ang pakiramdam ko?" Bulong ng binata sa sarili dahil talagang hindi siya mapakali.
Ilang araw na ring may bihag silang magkakaibigan kaya naman nakasanayan na niyang umikot muna sa likod bahay nila bago papasok.
"Kumpleto naman sila ah ano kaya ang ibig ipakahulugan ng kabang ito?" Muli ay bulong niya sa sarili habang pabalik kabahayan.
Papasok na sana siya ng tumunog ang cellphone kaya naman agad niya itong sinagot without knowing who's the caller.
"Yes? What can I do for you?" He answered na ang isip ay si tigreng nagkatawang tao ang nasa kabilang linya.
"Lol! May pa-english-english ka pang nalalaman eh kung ako sa'yo bilisan mo't pumarito ka sa pagamutan at nandito ngayun si nanay Wilma." Tugon ni Arnold na siyang tumawag. Sa kanilang apat ito ang sumasagot ng gano'n sa binata. Hindi naman sa natatakot sila dito pero basta tungkol sa nanay nito'y ilag silang magkakaibigan sa binata.
"What?!" Malakas na sagot ni Phillip na halos mabingi naman ang nasa kabilang linya.
"Tado nakakabingi ka alam mo ba 'yun and for your information it's true na nandito kami sa pagamutan. Itinakbo namin siya kanina dito ikaw lang hinihintay namin dito." Pahayag nito.
Halos hindi pa natapos ang pananalita ni Arnold ay pinatay na ito ni Phillip, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang nagtungo sa naturang pagamutan kung saan naka-confined ang nanay niya.
"Diyos ko huwag naman po sanang may mangyari kay inay, siya na lamang po ang kayamanan mayroon ako baka naman maaring ibalato mo na si inay sa akin Bossing." Tahimik na ani Phillip habang tinatahak ang daan patungo sa pagamutan.
Samantalang agad tinanong ng dalawa si Arnold lalo ng nakitang nakangiwi ito.
"Anong sabi 'pre?" Sabayang tanong nila.
"Isang malakas na what lang mga pare, parang hindi ni'yo siya kilala pagdating kay nanay Wilma eh. Malamang pa sa malamang nasa malapit na iyun dito." Nakailing na sagot ni Arnold.
"Hindi nanan siguro 'pre wala naman tayong kasalanan sa nangyari eh, mabuti nga at nagkataong nandoon tayo eh," wika ni Joe.
"Wala namang may gusto sa nangyari kay nanay Wilma, ang sa atin lang naman kung ano ang sakit niya o bakit bigla na lamang siya nahimatay. Ipanalangin na lang natin na sana dahil sa pagod lang ang dahilan ng pagkahilo niya." Malungkot ding sabat ni Leo.
They are just the same as the other group of friendship, may tampuhan, may asaram, may kulitan, pero lahat ng iyon ay may limitasyon. Hindi rin naman sila mga perpektong tao na nakakagawa din ng pagkakamali pero pagdating sa usaping pamilya'y maaasahan sila.
Sa pagbukas ng emergency room na paglabas ng manggagamot, ay siya ring pagdating ng taong pinag-uusapan nila.
"Nasaan ang nanay ko."
"Who's the family of the patient?"
Sabayan pang sambit ng bagong dating na si Phillip at ang doktor.
"Ako doktor, nanay ko ang pasyente mo." Walang pag-alinlangang sabi ng binata na hindi man lang naisip na maaring baka ibang pasyente ang nasa loob as well as maybe ibang relatives ang hinahanap ng manggagamot, kaya naman nagkatinginan ang tatlo nitong kaibigan.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?