" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TEN
Pagkahatid ni Phillip sa dalawang dalaga sa tahanan ng mga Harden ay agad siyang umuwi, maghapon din niyang hindi nakausap ang kanyang ina. They are not living luxuriously even he can provide their needs pero kahit gano'n pa man maayos din ang kanilang pamumuhay. Bungalow man ang bahay nilang mag-ina pero hindi masasabing bahay ng pulubi at hindi rin bahay ng mayaman. Walang kaalam-alam ang nanay niya na isa siya sa mga opisyal ng kapulisan sa kanila kaya't ayaw din niyang malaman nito na galing sa marangal ang kinabubuhay nilang mag-ina bukod sa pagtitinda nito sa palengke.
Dito sila sa Baguio napadpad mag-ina matapos nilang nagpalipat-lipat ng ilang taon.
"Kahit ano man ang mangyari anak hinding-hindi tayo magkakalayo." Tandang-tanda pa niyang wika ng nanay niya.
Sa pagkakaalala sa karanasan nilang mag-ina'y napangiti na lamang siya.
"Minsan parang nais kong mag-isip na hindi mo ako anak inay pero alam ko namang walang katutuhanan at hindi ko iyan pagdududahan. Kahit saang anggulo wala tayong similarities pero malay natin kay tatay ako kumuha ng features. Hay naku inay marami akong ikukuwento ngayong araw sa iyo baka hindi tayo matutulog nito kapag isa-isahin ko ang pang--- pero teka --"
"Hoy Phillip anak wala ka bang balak pumasok ha? Aba'y kanina pa kita nakita diyan na para bang namamaligno. May kinasangkutan ka namang gulo ano?" Tinig ng kahit hindi niya lingunin ay kilalang-kilala niya. Pero dahil hindi niya alam kung saan nanggaling at bigla na lang sumulpot ay nagulat siya.
"Inay naman bakit ka ba nanggugulat? Paano kung may sakit ako sa puso't bigla na lang akong mawalan ng buhay dahil sa gulat." Nakangiwing sambit ng binata, pero pingot lang ang napala sa ina.
"Ikaw Phillip kung kailan ka nagkakaedad saka ka pa nagloloko ah. Saan ka na naman galing ha? Aba'y maghapon kang wala sa bahay tapos bigla kang dumating na para bang dinaig ang mga maligno diyan sa kanto. Ngayun sabihin mo na nanggugulat ako." Kunot ang noo na ani aling Wilma.
Dahil dito'y mas napangiwi ang binata, nakalimutan pa yata niyang nagpaalam bago siya umalis. Hawak ang taengang piningot ng ina'y yumakap siya dito saka bumulong. Kahit gano'n ang nanay niya sa kanya'y mahal na mahal niya ito.
"Si inay naman oo, porke ba't nawala ako maghapon may masama na naman akong ginawa? Baka naman may trabaho lang ako kaya ako hindi nakauwi maghapon. Ayaw mo ba noon inay na sa araw na ako nawawala pero sa gabi'y nandito ako." Napapangiting wika ng binata.
"Naku magtapat ka anak kung saan ka galing mamaya mabalitaan ko na namang nasa police station ka na naman." Hindi kumbinsadong sagot ng matanda.
Pero hindi sumagot ang binata, bagkus ay iginaya ang ina sa loob ng bahay nila. Aside hindi pa alam ng nanay niya na isa siyang alaga ng batas ay hindi pa siya handang ipagtapat dito ang bagay na iyun dahil ayaw na ayaw niyang nag-aalala ito kaya naman imbes na ipagtapat dito kung saan siya galing ay pinanindigan niya ang sinabi na galing siyang trabaho.
"Alam mo inay huwag mo silang paniwalaan dahil mga tsismosa't-tsismoso lang mga iyan. Ako na nagsusumikap para makatulong naman sa'yo kahit papaano ako pa ang lagi nilang nakikita. Kapag ako ang napuno naku---"
Pero ang moment nilang mag-ina ay binulabog ng malalakas na kalampag mula sa kanilang pintuan.
"Bilisan mo anak baka ano na iyan." May pagmamadaling utos ni Aling Wilma kay Phillip.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?