" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FOUR
"Ikaw na ang kasunod attorney Harden," wika ng nasa kabilang linya.
Kaya naman napakuyom ang palad ng dalaga.
"Who are you?" Kuyom ang palad na balik tanong nito.
Pero wala itong nakuhang sagot kundi nakakalokong tawa ng nasa kabilang linya.
"Ang sabi ko sinu ka? Bakit mo ako pinagbabantaan?" Kuyom pa rin ang palad na tanong ng dalaga.
"Ang mga kagaya mong pakialamera sa buhay ang dapat mawala sa mundo. Ikaw na ang kasunod attorney Harden." Malamig pa sa yelo na sagot ng nasa kabilang linya saka tuluyang nawala.
Tuloy ay naibato ng dalaga ang hawak na cellphone na lumikha ng ingay.
"Hayop ka kong sinu ka mang hinayupak kang nagbabanta sa buhay ko, I'll make sure na hinding-hindi ka magtatagumpay. Hindi ako ang uri ng tao na basta na lamang natatakot." Ngitngit na sambit ni Princess Ann.
Pupulutin na sana niya ang ibinato niyang cellphone ng may herodes na kumatok sa pintuan ng opisina niya.
"Who's that?" Tanong niya na hindi man lang nag-abalang tingnan kung sino ang nasa labas o kung sinu ang kumakatok.
"Ma'am Princess ako po ito. Okey lang po ba kayo diyan," bagkos ay sagot at tanong ng nasa labas na walang iba kundi ang sekretarya ng dalaga.
"Thank you for asking Mary I'm fine." Tugon ni Princess, hangga't maaari ay ayaw niyang ipaalam sa iba ang mga bagay-bagay na wala pang kasiguraduhan.
"Okey po ma'am." Sagot nito.
Dinig pa ng dalaga ang yabag nito palayo kaya hinintay muna niyang nawala ito ng tuluyan.
"Huwag ako ang takutin mong hayop ka dahil hindi kita uurungan. Ikaw ang humanda sa akin dahil kahit saan ka pa magtago hahanapin at hahanapin kitang hayop ka." Ngitngit na sambit ng dalaga saka pinulot ang cellphone.
Hindi na rin siya makapagkonsentrate sa pagtratrabaho dahil sa herodes na caller niya na mas ikinabuwesit niya.
"Sinu kaya ang hayop na ito? Kung kailan handa na ang next hearing---" bulong ng dalaga habang nakatingin sa cellphone pero muling naputol ang pagmumuni-muni dahil muling tumunog ang hawak niyang cellphone. Kamuntikan pa niya itong mabitawan dahil sa gulat, pero agad ding napaupo ng tuwid ng napagtanto kung sinu ang caller.
"Hello ninong napatawag ka? Ano? Paano nangyari iyun? Anak ng...okey po ninong darating ako." Sunod-sunod na sabi ni Princess.
Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. In a day, dalawang pangyayari ang dumating sa buhay niya.
Una, may nagbanta sa buhay niya, pangalawa agaw-buhay na ang kliyente na pinsan niya. Pero labis siyang nagtataka kung paano nangyari iyun samantalang nakabukod ito sa kulungan.
"Wait, hindi kaya inside job ang nangyari? Nakakapagtaka lang kasi kung paano nangyari iyun...hindi kaya may kinalaman ito sa nagbanta...anak ng put*." Kuyom ang kamao na bulong ng dalaga.
Hindi na siya nagsayang ng oras, agad niyang iniligpit ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng lamesa at isinara ang drawers na naglalaman ng files.
She need to know the truth!
Ilang sandali pa lamang ay maingat, at tahimik siyang nagtungo sa hospital kung saan naka-confined ang pinsan niyang si Marco.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?